Love Wins!
Isa sa biggest supporter ng kinoronahan na Miss Universe PH 2021 na si Beatrice Luigi Gomez ay ang kanyang longtime girlfriend.
Ito ay si Kate Jagdon, isang disc jockey sa Cebu City na anim na taon ng karelasyon ni Bea.

Si Bea ay proud member ng L6BTQ at nirepresent niya ang Cebu City sa Miss U PH 2021. Isa din siyang L6BTQ advocate.

Kinoronahan si Bea bilang grand winner ng Miss Universe Philippines 2021 pageant Huwebes ng gabi, September 30, 2021.

Sa instagram post naman ni Kate ay ipinakita nito ang buong suporta niya para sa kasintahan. Ipinost ni Kate ang kuha niyang videos ng pagrampa ni Bea sa opening segment ng pageant.

Maririnig din ang pagsigaw ng pangalan ni Bea sa tuwing rarampa ito sa harap ng stage.

Ibinahagi din nito ang journey ni Bea sa pagsali sa beauty pageants sa isa niyang post.

Aniya, “Congratulations for making it to the Top 30 Bab @beatriceluigigmz
I remembered when we were at Malaysia 2 years ago with 2 of our friends talking about our future plans, you were considering joining Binibining Cebu and you were talking about how scared you were about the journey and now you are fighting for the Miss Universe Philippines Crown, just be your authentic self the way you have always been since the day I first met you, I’m sure the people will love you for being you, just like I do. show them what you got, always remember we stand behind you”
Proud girlfriend din si Kate ng si Bea na nga ang hirangin bilang bagong may-ari ng korona ng bansa.
Kisses Delavin, ipinamalakas ang kanyang galing sa pagsagot sa preliminary interview ng Miss Universe Philippines 2021

Kisses Delavin, nangibabaw ang confidence level sa naging Preliminary round ng Miss Universe Philippines 2021.
Muling pinahanga ni Kisses ang kanyang fans sa naging question and answer portion ng preliminary ng pageant.
Naganap ang round na ito sa Hilton Clark Sun Valley Resort in Clark, Pampanga. Inete naman ito kahapon, September 23 sa KTX.ph.

Pare-parehong tinanong ang Top 28 candidates ng limang set ng katanungan. Pero para sa mga netizens, nakitaan daw nila ng ibang level of confidence si Kissses.

Isa sa mga naging tanong sa kanila kung ano ang “most important lesson” na kanilang natutunan sa mga nagdaang linggo.

Parte ng sagot ni Kisses, “I think it’s embracing the moment, really enjoying the moment for what it is, like a song. I think I met so many people in the past week that I really treasure…”
If beauty is in the eye of the beholder, in whose eyes are you beautiful?
“In my own eyes. I always make sure that every day, when I go out, when I’m doing my own makeup, that my standard of beauty is myself…”

Kung papipiliin naman daw siya kung anong gusto niyang tanggalin; kagutuman, korapsyon, o maresolba lahat ng environmental problems, pipiliin daw ni Kisses na tanggalin ang kagutuman.

Rosary naman daw ang pipiliing “add to cart” ni Kisses na ipapadala sa lahat ng Pilipino para ma-inspire sa kalagitnaan ng mga nangyayari.

Samantala, puring puri ng netizens ang naging beauty and brains ni Kisses sa naging Preliminary competition.
The post Girlfriend ni Miss Universe PH 2021 Beatrice Luigi Gomez buong puso ang binigay na suporta sa kanya appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments