Looking For Anything Specific?

Albie Casiño maanghang ang mga tirada sa ex-girlfriend na si Andie Eigenmann!

Bakas na mayroon pa ring hinanakit si Albie Casiño sa kanyang dating girlfriend na si Andi Eigenmann.

Kamakailan lang maanghang na mga salita ang minutawi ni Albie laban kay Andi. Nang makapayam siya sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Kumulitan livestream.

Mahigit sampung taon na rin ang nagdaan. Nang ulanin ng pagbabatikos at naantala ang dapat sana’y pagsikat ni Albie bilang teen star.

Dahil sa unplanned pregnancy ng kanyang noo’y girlfriend na si Andi. Nadawit kasi siya at pinagbintangan ng publiko na siya ang ama ng dinadala ni Andi, na kalauna’y napatunayan na hindi totoo.

Sa kanyang huling Kumu stream bago pumasok sa PBB house, sinagot ni Albie ang tanong ng isang fan na kaugnay ng isyu nila ni Andi.

Ayon sa kanya, hindi na raw niya pagtatakpan ang aktres.

“I don’t care, dude. I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she moved on. So, right, I can finally talk about it now. I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they ask,” sambit ni Albie.

“I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean? I’m not gonna hold my tongue so you can look good anymore.”

Ibinahagi pa ni Albie na wala siyang natanggap na sorry mula kay Andi nang madawit siya sa kontrobersiya nito.

Gusto raw sana ni Albie na kahit paano ay magrelease ng public apology si Andi dahil siya ang kinondena ng mga netizens noon, pero hindi na lang siya umasa dahil mukhang hindi naman ‘yun gagawin ng kanyang ex.

Jaclyn Jose, humahanga sa anak na si Andi Eigenmann dahil sa ganda ng pagpapalaki nito sa kanyang mga anak!

Kilala ng lahat si Jaclyn Jose o Mary Jane Santa Ana Guck sa totoong buhay bilang isang mahusay na aktres.

Credit: @jaclynjose Instagram

Bukod sa kanyang galing sa pag-arte, isa ring mapagmahal na ina si Jaclyn sa kanyang dalawang anak na sina Andi Eigenmann at Gwen Garimond Ilagan Guck.

Sa ngayon ay mayroon nang sariling pamilya si Andi at isa na rin siyang ina sa kanyang tatlong anak na sina Ellie, Lilo at Baby Koa.

Credit: @jaclynjose Instagram

Marami naman ang humahanga sa mahusay na pagpapalaki ni Andi sa kanyang mga anak at sa pagpili niya ng simpleng buhay kasama ang kanyang pamilya kaysa sa maningning na mundo ng showbiz.

Ngunit hindi lamang mga netizen ang humahanga kay Andi dahil maging ang kanyang ina na si Jaclyn ay labis din siyang hinahangaan sa mga desisyon niya sa kanyang buhay at sa paraan niya ng pagpapalaki sa kanyang mga anak.

Credit: @jaclynjose Instagram

Umantig sa puso ng maraming netizens ang naging post ni Jaclyn sa kanyang Instagram kung saan ay inihayag niya ang kanyang paghanga kay Andi.

Kalakip ng litrato nila ni Andi noong ito ay sanggol pa lamang ay ang kanyang nakakaantig na mensahe para rito.

Sinabi ni Jaclyn na hinahangaan niya si Andi sa pagiging matapang nito. Humingi rin siya ng pasensya kay Andi dahil sa kanyang mga pagkukulang bilang ina nito.

Credit: @jaclynjose Instagram

Ani Jaclyn, “Anak hinahangaan kita sa kung (anong) meron ka (sa) buhay ngayon..[napakatapang] mo sana ako din..ang ganda ng [pag-papalaki] mo sa mga bata sorry sa lahat ng pagkukulang ko.”

Dagdag ni Jaclyn, “Anak mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo..mag ingat palagi.”

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na sumulat ng taos-pusong mensahe si Jaclyn para kay Andi.

Matatandaang noong nakaraang January, nagsulat din si Jaclyn ng isang mensahe para kay Andi upang batiin ito sa kanyang engagement kay surfing champion Philmar Alipayo.

Credit: @andieigengirl Instagram

Sa kanyang Instagram post, sinabi ni Jaclyn na nagpapasalamat siya na magkaroon ng isang anak na katulad ni Andi “who can make [her] bow in all her decision in life’.

Sa parehong post, inihayag din ni Jaclyn ang kanyang paghanga at pag-apruba kay Philmar bilang mapapangasawa ni Andi.

Aniya, “And then she said yes, and swam away..i so love the nuances..the photo .it says a million why i like like this guy..be merry and healthy i will always have your back…madami ako natutunan sayo and i am thankful to have daughter who can make me bow in all her decision in life…”

Credit: @andieigengirl Instagram

Si Jaclyn ay isang award-winning actress. Noong 2016 nasungkit ni Jaclyn ang Best Actress award sa Cannes Film Festival para sa kanyang pagganap sa pelikulang “Ma’Rosa”.

Matapos manalo ay kinilala si Jaclyn bilang kauna-unahang Asian actress na nanalo ng “Best Actress” sa Cannes Film Festival.

The post Albie Casiño maanghang ang mga tirada sa ex-girlfriend na si Andie Eigenmann! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments