Looking For Anything Specific?

LJ Reyes, natatawang inamin na willing pumunta sa Baguio with someone as friends

Natatawang binanggit ni LJ Reyes na handa umano siyang pumunta sa Baguio City ‘with a friend’

Napabulalas na lang ng tawa si LJ ng matanong siya ni King of Talk Boy Abunda. Kung handa ba siyang bumisita sa Baguio City kasama ng isang kaibigan.

Bagamat halatang may kaugnayan ito sa naganap na hiwalayan nila ng dating partner na si Paolo Contis. Game na game naman na sinagot ito ng Kapuso actress.

Aniya, handa siyang pumunta sa pamosong tourist spot sa bansa.

Matatandaan na naging viral sa social media ang meme na pagpunta sa Baguio “with a friend” matapos ang naging pahayag ni Paolo tungkol sa pag-uugnay sa aktres na si Yen Santos bilang third party sa hiwalayan nila ni LJ.

Ayon kasi sa post noon ni Paolo ay nagpunta lamang sila ni Yen sa Baguio ‘as a friend’.

Samantala, para kay LJ ay proud siya sa Baguio City bilang isang Pinoy dahil dinarayo talaga ang lugar ng maraming turista.

“Yes. Why not? I’m proud of Baguio as a Filipino. Maraming pwedeng puntahan doon. Maraming pwedeng kainan,” natatawang sagot ni LJ sa tanong ni Tito Boy.

Hirit pa ng aktres, taga-Baguio ang aktor na si Paulo Avelino, na ama ng kaniyang panganay na anak na si Aki.

“Paulo is from Baguio. May family dun si Aki. Pupunta talaga kami dun,” dagdag pa ni LJ.

Sa parehong panayam ay ibinahagi din ni LJ na nagkakausap ngayon sina Paulo at anak nilang si Aki.

“We’re not friends, friends na parang every day nag-uusap, but he’s been there for Aki naman.

“He’s been in touch, especially… siya yung nag-message sa akin. Siya ang nag-send sa akin ng message.

Apat na taon tumagal ang relasyon nina LJ at Paulo bago sila naghiwalay noong 2013.

LJ Reyes, diretsahang inamin na hindi pa handa patawarin si Paolo Contis sa mga nagawa nito.

Mahigit isang buwan ang nakalipas ng hiwalayan nila ni Paolo Contis, nagpaunlak si LJ Reyes ng isang panayam.

At dito ay ibinahagi ng Kapuso actress na hindi pa siya handang patawarin ang dating partner na si Paolo.

Sa panayam ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Martes. Sinabi ni LJ na nagsimula nang maging normal ang buhay nilang mag-iina sa Amerika.

Pagbahagi ng aktres, nagsimula nang pumasok sa face to face classes si Aki.

Bukod din sa pag-aalaga kay Baby Summer, sinabi ni LJ naglalaan din siya ng oras para magsanay sa kanilang family restaurant sa Brooklyn, New York.

Samantala, nang maitanong naman kung handa na kaya siyang magpatawad tugon ng aktres,

“Forgiveness is a work in progress. Hindi madaling ibigay ang forgiveness. I mean lahat naman tayo we get hurt, angry, but you work on it every day to forgive people, yourself, or whoever. You pray about it.”

“Hindi kasi siya madaling bagay na ibigay so surrender lang talaga kay God and I’m working on it.”

Hindi na nagdetalye si LJ sa hirap na pinagdaanan niya sa hiwalayan nila ni Paolo.

Naibuhos na niya ang pait na nadama nang una niyang kumpirmahin sa publiko noong September 1, 2021 na kinailangan niyang lumipad pa-New York para muling makabangon.

Matatandaang nito lamang Agosto nang ibunyag ng aktres na hiwalay na sila ni Paolo matapos ang kanilang 6 taon na pagsasama.

Matapos nito, lumipad patungong New York, USA si LJ bitbit ang kanyang 2 anak. Na sina Aki at Summer at pansamantalang naninirahan kasama ang pamilya niya doon.

Nakangiting ikinuwento din ni LJ na nahanap niya sa New York ang privacy. Na nais niya matapos ang kontrobersiyal na breakup nila ni Paolo.

The post LJ Reyes, natatawang inamin na willing pumunta sa Baguio with someone as friends appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments