Looking For Anything Specific?

Babaeng kinupkop at pinalaki ng mga aso mula noong bata pa siya, nakasanayan ang galaw ng mga aso at na-i-rescue na!


Isa nang lumang istorya ang Tarzan na kung saan ang isang sanggol ay napadpad sa kagubatan at kinupkop ng mga apes na kung saan ang isang tao ay nagmistulang kauri nila dahil na nga mula pagkabata ay sila ang kasa- kasama nito.

Ngunit sinong mag aakala na sa totoong buhay ay maaari ngang mangyari ang mga ganito. Kagaya na lamang ng isang babaeng ito na lumaki sa puder ng mga aso. Siya ay si Oxana Malaya mula sa Novaya Blagoveshchensk, Ukraine.

Siya ipinanganak noong November 4, 1983. Ayon sa History Daily ,siya ay ipinanganak sa mag asawang lasinggero at lasinggera. Nang suriin naman siya ng mga doctor ay lumabas na normal birth naman daw si Oxana ngunit dahil nga lumaki na siya kasama ang mga aso ay nagkaroon siya ng strange animalistic personality.

Isang araw ay iniwan siya ng kaniyang mga walang pake alam na magulang sa kanilang labas noong siya ay 3 taong gulang pa lamang at doon nagsimula lahat.

Naghahanap ng pagkalinga kaya naman gumapang ito sa kulungan ng aso sa kanilang likod bahay upang magsilbing silungan niya.

Hindi daw ito napansin ng mag- asawa sa paglipas ng mga araw at hindi din nag abalang hanapin noong nalamang nawawala si Oxana.

Sa loob ng limang taon na pananatili ni Oxana sa kulungan kasama ng mga aso, nakuha na niya ang mga ugali nito at naniwalang siya ay isa na ding aso.

Halos wala nang bakas ng pagkatao sa kaniya maliban sa kaniyang pisikal na anyo. Sa tulong ng kanilang kapit- bahay at mga pulis ay nairescue si Oxana. Noong una ay pinoprotektahan pa ito ng mga kasamahang aso ngunit sinuhulan na ng mga pulis ng kapirasong laman para pag salu- saluhan at makuha na si Oxana.

Ayon naman sa Vintage News, siya ngayon ay dinala sa isang orphanage school na kung saan tinuturuan siyang maglakad ng diretsyo, kumain gamit ang kamay at muling natutong makapag salita dahil kahit papaano ay mayroon siyang kakayanang mag salita bago pa siya mapadpad sa kulungan.

Post a Comment

0 Comments