Likas na sa ating mga Pilipino ang pagiging masipag sabayan pa ng diskarte sa buhay na tiyak na magtatagumpay.
Tunay nga na hindi lang nasusukat sa taas ng pinag-aralan ang pag-asenso at pag unlad ng karamihan. Dahil ang susi ng tunay na tagumpay ay sipag, tiyaga at determinasyon na maabot ang pangarap.
Katulad nalang ng kwento na ito ng isang mag-asawang magsasaka na mula pa sa Aklan na ngayon ay nakamit na ang minimithing pangarap na marangyang buhay dahil sa kanilang sipag at tiyaga.
Pangalanan natin siyang Aling Helen, siya ay umasenso dahil sa pagsasaka ng mga pakwan, Kwento ni Aling Helen na dati ay sobrang hirap ng kanyang buhay ang tanging pina-pang puhunan nila ay ipinang utang pa nila.
Ang tanging kinikita lamang nila ay sapat lang pambili ng pagkain na bigas at bagong dagdag pa niya na madalas din sila na pinaalis sa kanilang mga inuupahang bahay dahil hindi sila nakakabayad.
“Galing ako sa pamilya ng magsasaka. ‘Yung napangasawa ko, magsasaka rin. Nangungutang ako para may maibenta na pakwan. Kapag nakabenta kami, makakabili kami ng bigas at bagoong. ‘Yun lang ang pinapakain ko sa mga anak ko. Madalas din kaming mapalayas sa inuupahan namin kasi wala kaming pambayad.” Kwento ni Aling Helen.
Naikwento rin niya na ilang beses rin sila nangutang dahil sa paulit-ulit na pagkalugi sa kanilang paninda. Naranasan din nila na bagyuhin ang kanilang mga pananim , mawasak ang kanilang bahay at maubos ang halos lahat ng ari-arian.
Hanggang sa isang araw ay muli silang sumubok at siya ay nangutang ng pang bili ng binhi at pataba. Silang mag-asawa ay nagsikap at nagtiyaga hanggang sa hindi nila namamalayan na unti-unti ng lumalaki ang kanilang negosyo na mula lamang sa pagsasaka hanggang sa maging pinaka-malaking supplier na sila ng pakwan sa lugar ng Aklan.
“Nangutang ako ng P50,000 para bumili ng Indian mango at pakwan na ibabagsak sa Maynila. Pero tinatapon na lang ‘yung Indian mango kasi nabulok na. Umuwi kami ulit ng Aklan. Umutang ako ulit ng P300,000 sa mga kaibigan ko. Pinambili ko ‘yun ng binhi at pataba. Doon sa unang-unang tanim namin, kumita kami ng 1.2 million pesos. Pero binagyo lahat ng tanim namin. Nawasak pa ‘yung bahay namin. Ubos lahat talaga.”
“Pero tinuloy pa rin namin ‘yung negosyo sa pakwan. Hanggang sa namalayan na lang namin na kami na ‘yung pinakamalaking supplier ng pakwan sa Aklan!”, pahayag ni aling Helen.
Binanggit din niya sa kanyang kwento na ang dati lang nilang mga lupa na kanila lamang inuupahan ngayon ay nabili na din nila. Nakabili na rin sila ng maraming sasakyan at nakapagpatayo ng malaking bahay.
Sa kanyang pahabol na salita nagbigay siya ng payo at inspirasyon para sa mga tulad niyang magsasaka na huwag mawawalan ng pag-asa at isipin na darating din ang araw na sila ay aasenso sa buhay.
“Yung inuupahan namin dating lupa, nabili namin ngayon. May mga sasakyan na rin kami. At nakapagpatayo na kami ng sarili naming bahay.”,
“Hindi porket magsasaka tayo, dito na lang tayo sa lupa. Kailangan isipin natin na aasenso tayo!”, pagtatapos ni Aling Helen.
0 Comments