Looking For Anything Specific?

Bagong magiging weather forecast host ng TV Patrol na pumalit kay Kuya Kim umano, mas kaabang-abang ayon sa ilang netizens!

“Poging weather newscaster?!”

Matapos magpaalam ni Kuya Kim Atienza sa TV Patrol kagabi, October 1, may usap usapan ngayon kung sino ang papalit sa kanya.

Si Migs Bustos na nga kaya ang bagong weather forecaster ng TV Patrol ng ABS-CBN?

Ito ang katanungan ng mga netizens ngayon matapos mag viral ang post kung saan nagbigay pa ng background information tungkol kay Migs.

 

Ayon sa post ni Michael Vaughn Bico, si Migs ay nagsimula bilang commentator ng National Collegiate Athletic Association sa defunct ABS-CBN Sports and Action channel.

 

Kasama din sa kanyang caption ang, “bago at fresh na weatherman.”

Sa kasalukuyan, si Bustos ay reporter din ng ABS-CBN News Channel (ANC).

Pero wala pang kumpirmasyon ang inilalabas galing sa official accounts ng ABS-CBN kung si Bustos na nga ba ang papalit sa inalisang pwesto ni Kuya Kim.

Samantala, viral naman ngayon sa mga netizens ang mga larawan ni Migs dahil sa pagiging “poging newscaster.”

Biro ng mga netizens, araw-araw na sila updated sa weather forecast kung si Migs daw ang papalit kay Kuya Kim.

Kuya Kim Atienza, proud na ipinakilala ang kanyang anak na lalaki na isa ng ganap na lisensyadong piloto ngayon

Kuya Kim Atienza proud sa kanyang anak na isang licensed pilot na sa edad na 17.

Kamakailan lamang nga ay ipinost ng tv host sa kaniyang IG account ang ilang litrato at video clip habang siya at ang kaniyang anak ay nakasakay sa isang eroplano.

I’m still stoked. My little boy is now a pilot. Sorry for the humblebrag friends but papa just can’t help it. Love you Jose!” saad ni Kuya Kim sa kanyang caption.

Kalakip nito ay larawan ng kanyang anak noong bata pa ito na may hawak na laruan na eroplano. Katabi naman nito ay larawan nila ni Jose na ngayon ay isang piloto na.

Kasunod naman nito ay ang video clips kung saan pinaparangalan na si Jose bilang isang piloto.

Saad ni Kuya Kim, “Congratulations on your wings my PILOT Jose! Mama and I are so proud of you! You are truly a blessing. Always remember
THE pilot, the source of all, as you fly His great skies! I love you dear dear son! Praise Jesus for you!”

Marami naman sa mga netizens ang nagbigay ng kanilang iba’t ibang reaksyon ukol dito. Ang ilan sa mga sikat na personalidad ay nagbigay din ng kanilang papuri sa kung ano man ang nakamit ni Jose ngayon.

Bilang isang magulang at ama sa kaniyang anak na lalaki, hindi mapigil ang ligaya na nadarama ni Kuya Kim dahil naabot kaagad ni Jose ang pangarap nito sa kabila ng kaniyang murang edad.

Pinayuhan niya rin ang anak na huwag makakalimot sa Maykapal na siyang maylikha ng lahat pati ng malawak na kalangitan na kaniyang nililiparan.

The post Bagong magiging weather forecast host ng TV Patrol na pumalit kay Kuya Kim umano, mas kaabang-abang ayon sa ilang netizens! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments