Looking For Anything Specific?

Jennylyn Mercado, Kompirmadong Nagdadalang Tao Na Kay Dennis Trillo

Pansamantala muna ngayong nahinto ang teleserye ng GMA-7 na “Live. Die. Repeat” dahil sa medical emergency ng isa sa mga bida nito na si Jennylyn Mercado.

Marami ang nag-alala nang malaman na ang medical condition ni Jennylyn ang dahilan kung bakit na-pack up noong nakaraang linggo ang taping ng cast at production crew para sa nasabing programa ng Kapuso network.

Dapat sana ay magtatagal hanggang October 2 ang lock-in taping para sa nasabing serye ngunit nahinto ito nang magkaroon ng emergency situation ang lead star na si Jennylyn.

 

Ayon sa balita, sinundo umano ng isang ambulansya ang actress upang tignan ang kalagayan nito. Noong una ay natakot pa ang mga staff and crew, maging ang ilang mga cast pagdating ng ambulansya dahil inakala nila na may nag-positive na sa C0VID-19 sa kanilang grupo. Subalit ang positive ay ang pagdadalang tao umano ni Jennylyn.

Ayon sa mga lumabas na balita at blind items, nagkaroon umano ng spotting ang actress kaya kinakailangan tignan ang kaniyang kalagayan at pinayuhan na magpahinga na lamang muna.

 

Hindi daw muna ipinaalam ang tunay na kalagayan ni Jennylyn sa buong staff at crew. Sinabihan lamang sila na pack up na ang taping at may aayusin lang sa mga script. Inaasahan ng mga artista at production staff ng programa na malalaman nila sa linggong ito sa desisyon ng management tungkol sa pagpapatuloy ng kanilang trabaho para sa nasabing palabas.

Ten-week miniseries ito ng Kapuso Network at nakatakdang ipalabas sa first quarter ng 2022.

 

Sina Jennylyn at Xian Lim ang mga lead star ng Love. Die. Repeat.

Noong September 6, kapwa nag-post ang dalawa sa kanilang Instagram Stories ng video ng pagsisimula ng taping nila.

Si Irene Villamor ang direktor ng Love. Die. Repeat. Co-stars nina Xian at Jennylyn dito sina Myrtle Sarrosa, Gardo Verzosa, at Mike Tan.

Ang Love. Die. Repeat. ang unang project ni Xian sa Kapuso Network, at follow-up project ni Jennylyn sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun na ipinalabas sa GMA-7 mula February 10 hanggang December 25, 2021.

Samantala, kalat naman ngayon sa social media na may mahalagang iaanunsyo ang celebrity couple na sina Jennylyn at Dennis Trillo. Isa umano itong good news na talagang ikatutuwa ng kanilang mga fans. Marami ang humuhula na ihahayag na nila sa publiko ang pagdadalang tao ng actress.

Taong 2010 nang maging magka-relasyon sina Jennylyn at Dennis. Ngunit makalipas ang isang taon ay nagkahiwalay din sila noong 2011. Muli silang nagkabalikan noong 2015. Sa ngayon ay 33-year-old na si Jennylyn habang 39 naman si Dennis. Mayroon na din silang tig-isang anak sa mga dating naka-relasyon.

Jennylyn Mercado, malaking espekulasyon ngayon ng mga netizens na nagdadalang tao na

Nagdadalang tao na nga ba ang Kapuso actress na si Jennylyn Mercado?

‘Yan ang tanong ngayon ng publiko matapos lumabas ang isang blind item sa entertainment website na PEP.ph kagabi.

Ayon sa blind item “Buntis na uli… sikat na aktres papalitan na sa ginagawang serye, nagkaroon ng spotting sa taping

May kumakalat na tsismis na preggy na raw ang maganda at sikat na aktres. Lalong pinagdudahang totoo ito dahil nasa kalagitnaan daw ng taping ng bagong teleserye si maganda at sikat na aktres nang biglang natigil dahil may dumating na ambulansya sa set.

Sa pagtatanong at pagkalkal ng ilang nandun, nalaman nilang nagka-spotting daw si maganda at sikat na aktres. Nagdadalangtao raw ito, pero hindi pa nila sure kung okay na ang kalagayan niya.

Ilang sandali naman ang lumipas, napabalitang nagkaroon ng emergency sa seryeng “Love.Die.Repeat.” Na pinagbibidahan nina Jennylyn at Xian Lim.

Kinailangan umanong tignan ng doktor si Jennylyn dahil sa “emergency” na ito. Kaya naman tila napagtugma ng mga netizens na si Jen na nga talaga ang nasa blind item.

Ilan din kasi sa mga clue doon ay talagang konektado kay Jennylyn at sa nobyo niyang si Dennis Trillo.

Sa ngayon ay packed-up muna ang taping ng nasabing serye nina Jen at Xian. Hinihintay pa ang desisyon ng GMA kung kailan magre-resume ang taping.

Pero ayon sa bahagi ng blind item, posibleng palitan ang bidang babae dahil sa kalagayan nito.
Samantala, kasabay ring naglabasan ang balitang very soon ay ikakasal na sina Jennylyn at Dennis Trillo.

May post din sa Facebook si Jennylyn na tila may ipinapahiwatig sa kanyang caption na, “Sometimes things get complicated.”

Kung totoo mang buntis si Jen, sana’y hindi maging maselan ang kanyang pregnancy.

The post Jennylyn Mercado, Kompirmadong Nagdadalang Tao Na Kay Dennis Trillo appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments