Ibinahagi ng isang concern citizen ang isang larawan ng bata na napadaan daw sa kanyang bulalohan, napansin daw niyang tinatanaw ng naturang bata ang kanyang mga paninda at tila gutom na gutom ito.
Hindi naman daw nagdalawang isip ang may-ari ng bulalohan at agad inalok ang bata dahil napansin nitong gutom na gutom ito.
“Alam mo yung pakiramdam na gutom na gutom ka na pero WALA ka pang benta? At yun nga inalok ko ng pagkain sabi ko libre ayaw pa nung una kasi nakakahiya daw, pero bandang huli napakain ko rin siya.” Saad ng netizen na si Rempillo Nhel.
“Nag kwento na ang bata habang kumakaen, araw-araw daw siya naglalako ng ice candy, nang tignan ni ko ang box ay halos wala pang bawas ang paninda ng bata. tapos sabi pa ng bata na kaylangan niya daw mag tinda araw-araw para sa nanay niyang may sakit, siya lang daw ang inaasahan pag hindi siya makabenta wala silang kakainin.”
“Naawa ako kaya nagpaalam ako na picturan ko siya, sabi ko post naten sa FB malay mo kahit papano may tumulong ” pagpapatuloy pang kwento ni Rempillo.
Ang nasabing bata ay mula raw sa lugar ng Liano, araw-araw daw itong dumadaan sa tindahan ng bulalohan dagdag pa ng netizen.
Sinabi rin ng bata na hindi daw maganda ang pakiramdam niya at nanakit pa ang buong katawan, kaya naman sa asawa ng netizen ay binigyan pa ito ng konting barya. Ayon sa netizen alam daw niya hindi sa sapat ang kanyang binigay kaya naman umaasa siya na may mabuting puso na tumulong sa bata.
Narito ang panawagan ni Rempillo: “Sa may mabubuting puso dyan share natin ito para matulungan kahit pa piso-piso ay malaking tulong na sa bata sa araw-araw nila ng nanay niyang may sakit. Wala siyang Gcash tinatanong ko, sabi ko daan siya dito araw-araw pag may nag abot ng tulong bibigay ko sayo.”
Naway mapansin daw ng may mabubuting puso ang kwento na ito ng bata at nang matulungan siya at ang ina nito na may sakit.
0 Comments