Looking For Anything Specific?

Bea Alonzo, agaw-pansin ang linyahan ngayon sa isang comedy skit tungkol sa kanyang ex na inagaw umano sa kanya ng iba

Tila double meaning umano ang mga hugot words ng Kapuso actress na si Bea Alonzo sa ‘Bubble Gang.’

Natupad na rin ang wish ni Bea Alonzo na makapag-guest sa Bubble Gang. Noong September 27, ay nag-taping na siya.

Matapos pumirma ng kontrata ang showbiz jewel na si Bea sa GMA Network noong Hulyo. Maggi-guest naman siya sa flagship comedy program ng GMA-7.

Pinabilib ng dalaga ang mga pambatong komedyante ng Kapuso Network na pinangungunahan pa rin ng comedy genius na si Michael V.

Talagang nakipagsabayan daw ang girlfriend ni Dominic Roque sa pagpapatawa ng buong tropa ng “Bubble Gang.” Hindi raw nagpatalbog si Bea at pinatunayang pwede rin siyang maging komedyana.

Aminado naman ang ilang “Bubble Gang” stars na super na-starstruck daw talaga sila kay Bea.

Sa panayam sa isa sa mainstays ng gag show na si Faye Lorenzo, sigurado raw na mapapahanga kayo ni Basha. Sa versatility nito bilang artista na may ibubuga pagdating sa comedy.

Ayon kay Faye, “Parang kahit saan po siya ilagay puwede kayang-kaya niya po. Kahit mahaba po ‘yung script, [walang problema] kayang-kaya niya.

“Kasi nakausap ko si Kuya Betong [Sumaya], ka-eksena niya si Kuya Betong humanga rin sa kanya, kasi nga ang haba nung script niya wala man lang buckle. Hindi niya nalimutan, so grabe ang galing po.”

Samantala, sa teaser ng nasabing programa ay tila may kakaibang hugot si Bea. Tungkol ito sa ex na inagaw umano sa kanya ng iba.

Kaya naman nag-viral agad ito at patok na patok sa mga netizens dahil tila bagay na bagay daw kay Bea ang mga linya na iyon.

Double meaning nga daw ang linya ng aktres dahil nangyari ito sa kanya sa totoong buhay.

Panoorin dito ang video clip teaser:

Karla Estrada, inunfollow sina Dominic Roque at Bea Alonzo dahil umano sa naging tampuahan issue kay Daniel Padilla

Karla Estrada, nag unfollow nga ba kay Bea Alonzo at Dominic Roque sa Instagram?

Naging usap usapan sa social media ang di umano pag unfollow ni Momshie Karla sa magkasintahan. Napansin kasi ng netizens na wala na sa following list ng aktres ang dalawa.

Hindi kaila sa fans ng anak ni Karla na si Daniel Padilla na super close friends dati ang dalawa. Nagkaroon na daw ng “gap” ang dalawang aktor ngayon sa hindi pa kumpirmadong dahilan.

Ayon sa mga komento ng netizens, nagkaroon ng hidwaan sa pagitan nina Daniel at Dominic na hanggang ngayon ay wala pa din pansinan.

Sa vlog naman ni Ogie Diaz, nabanggit din ito ng komedyante. Pero hindi pa daw malinaw kung bakit nag unfollow si Karla kay Dominic pati na din kay Bea.

Isang anggulo naman ang tinitignan na posibleng dahilan ng aktres. Magkaibigan daw kasi si Marjorie Barretto at Karla.

Si Marjorie ang ina ni Julia Barretto na itinuturong third party ng hiwalayang Gerald Anderson at Bea Alonzo. Ayon kay Ogie, maaaring inunfollow daw ni Karla si Bea dahil dito.

Sa kabilang banda, may mga komento din naman ang netizens na niligawan umano ni Dominic ang kapatid ni Daniel.

 

Hindi pa nagsasalita si Karla patungkol dito.

The post Bea Alonzo, agaw-pansin ang linyahan ngayon sa isang comedy skit tungkol sa kanyang ex na inagaw umano sa kanya ng iba appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments