Looking For Anything Specific?

Cristy Fermin, naging emosyonal sa pagsagot kay Kylie Padilla dahil sa pagmamahal nito sa ama nitong si Robin Padilla!

Matapos ng kanyang akusasyon tungkol kay Kylie Padilla, emosyonal si Cristy Fermin sa kanyang programa dahil sa pagkakaibigan nila ni Robin Padilla.

Naging mainit ang pag buwelta ni Kylie sa columnist na si Cristy nitong nakaraan. Nag post kasi ang aktres sa kanyang Twitter at diretsahang na call out ang huli dahil sa isyu niya ngayon.

Sa programa niyang Cristy Ferminute, ilang beses nagbigay ng impormasyon si Cristy tungkol sa personal na relasyon ng aktres sa dating asawa na si Aljur Abrenica.

Buwelta ni Kylie, sana daw ay totoo ang sinasabi sa kanya kung siya man ay sisiraan. Sinabihan niya din si Cristy na matanda na daw ito at kailangan mag “Grow Up.”

Sinagot din ito ni Cristy at sinabihan ang Kapuso actress na tatanda din ito at kukulubot din ang mukha.

Pero emosyonal na Cristy Fermin ang napanood sa kanyang programang Cristy Ferminute. Dito ibinahagi ng huli na nasasaktan daw siya dahil kaibigan niya ang ama nitong si Robin Padilla.

“Ang kanya pong ama na si Robin Padilla ay mahal ko at nirerespeto ko,” pagbabahagi niya.

Naikwento niya din sa programa kung gaano kadikit ang kanilang pagkakaibigan ni Binoe. Sinabi pa nito na kasama niya na daw ang action star noong hindi pa sinisilang si Kylie.

“Alam mo Kylie, hindi ka pa man nagiging dugo sa sinapupunan ng magiging ina mo, nagtitinda pa lang ng repolyo, bitswelas, carrots at kung anu-anong gulay Baguio sa Scout area, kasama na namin siya.”

Panuorin ang buong detalye dito:

Kylie Padilla, sinupalpal ang mga akusasyon ni Cristy Fermin na lagi siyang may katawagan noong sila pa ni Aljur Abrenica

In rage ang Kapuso actress na si Kylie Padilla  sa mga naglalabasang kontrobersiya laban sa kanya.

Hindi na nakapagtimpi si Kylie sa kabi-kabilang akusasyon tungkol sa kanya. Kaugnay ng hiwalayan nila ni Aljur Abrenica.

Matapos nga ang naging pahayag ni Aljur na hinamon si Kylie na ilabas na ang katotohanan sa publiko. Marami ng sanga sangang balita ang naglabasan.

Isa na sa agad nakisawsaw o nagbigay pahayag sa isyu ay ang batikang kolumnista na si Cristy Fermin.

Sinabi ni Cristy na ayon umano sa kanyang source ay laging may ibang kausap si Kylie. Kahit nagsasama pa sila noon ni Aljur.

Ayon sa kanyang source ay kahit madaling araw na daw ay may ibang kausap pa din si Kylie sa telepono.

Nang makarating kay Kylie ang akusasyon naito ni Cristy ay hindi napigilan ng aktres ang supalpalin ang kolumnista.

Sa kanyang social media post na ngayon ay burado na saad ni Kylie, “Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko.”

Pagkatapos nito ay pinayuhan ni Kylie si Cristy na tignan muna ang mga sarili nilang pagkakamali bago sila maki alam o mang husga ng ibang tao.

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na,” dugtong pa ni Kylie.

Sa huli ay sinabi pa ni Kylie na kung maninira na lamang sana sila ay tiyakin nilang totoo ang mga ibabato nilang isyu laban sa kaniya.

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa mga sarili nyo,” panghuli banat ni Kylie Padilla laban kay Cristy Fermin.

 

The post Cristy Fermin, naging emosyonal sa pagsagot kay Kylie Padilla dahil sa pagmamahal nito sa ama nitong si Robin Padilla! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments