Looking For Anything Specific?

Larawan ni Heaven Peralejo sa Siargao, inulan ng samut-saring reaksyon ngayon!

Heaven Peralejo, island girl na din ba?

Nagbabakasyon ngayon ang aktres na si Heaven Peralejo sa isla ng Siargao.

Matapos ang sunod sunod na naging kontrobersiya sa kanyang pangalan, tila lumayo muna sa ingay ng syudad ang former PBB housemates.

Sa kanyang social media partikular na sa Instagram, makikita ang kanyang mga pictures sa Siargao.

 

Hindi maitatanggi na laging summer body ready si Heaven. Kaya naman agaw pansin talaga ang kanyang beach photos.

Katulad ng ibang artista na nagbabakasyon doon, enjoy din ang Pasabuy leading lady sa surfing.

 

Sa kabilang banda, viral na naman ang pictures ni Heaven ngayon sa social media. Pero hindi dahil sa kanyang nakakabighani na ganda.

Umiikot ngayon sa Facebook ang post ng isang netizen na nakapagpa picture sa aktres. Pero ang mga netizens, natawa sa reaksyon umano ni Heaven.

Makikita kasi sa nasabing post na may nagpa picture na dalawang lalaki sa young actress.

Nakahawak naman ang dalawang kamay ni Heaven sa kanyang belt bag. Komento ng karamihan, para daw bang hindi siya komportable.

Caption ng mismong post, “Si Heaven Peralejo parang nakakita ng impyern0. Parang nababahala pagkatapos magpapicture sa dalawang lalaki.”

Pabiro pang sabi, “Kung makakapagsalita lang si Heaven, sasabihin niya, ‘Kuya wag po, bata pa ako.’”

Natatawa naman ang mga netizens na nagkaroon din ng iba’t-ibang version kung bakit ganon ang reaksyon ni Heaven sa pictures.

“Who wore it best” nina Julia Barretto, Heaven Peralejo at Yen Santos, pinutakte ng mga komento ngayon

Usapang suot nga lang ba ang itim na sando o may iba pang kahulugan?

Trending ngayon sa social media ang post ng Facebook Page na “The Scoop”

Makikita kasi sa nasabing post ang mga larawan nina Julia Barretto, Heaven Peralejo at Yen Santos.

Saad sa caption, “Who wore it best: Julia, Heaven, or Yen?” Kalakip nito ay larawan ng tatlong aktres na nakasuot ng itim na sando.

Agad namang binigyan ng ibang kahulugan ng mga netizens ang malaman na post na ito.

May mga nagsabi na iisa lang daw ang naging move ng tatlong aktres tungkol sa pakikipagrelasyon.

Matatandaan na si Julia ay naging kontrobersyal dahil nasangkot siya noon sa hiwalayan ng nobyo niya ngayon na si Gerald Anderson at Bea Alonzo.

Si Heaven naman ang itinuro ding dahilan ng hiwalayan naman nina Devon Seron at kasintahan niya ngayong si Kiko Estrada.

Parehong mariin na itinanggi noon nina Julia at Heaven na naging third party sila sa mga nasabing hiwalayan.

Ngunit hindi naglaon ay lumabas din sa publiko ang tunay na mga relasyon nila sa mga current boyfiend nila.

Samantala, si Yen naman ngayon ang  sinasabing third party sa hiwalayan ng celebrity couple na sina LJ Reyes at Paolo Contis.

Ito ay dahil sa mga litrato at video nila ni Paolo na magkasama at naglalambingan na kumakalat ngayon online.

Kaya naman samu’t-saring komento mula sa netizens ang bumaha sa comment section ng nasabing post ng The Scoop.

Narito ang ilan:

“Yen Santos kasi merong nasirang pamilya at may batang nawalan ng tatay”

“Itabi niyo, si Yen na bahala”

“Naipasa na kay Yen Santos ang korona nina Heaven at Julia”

“Uyy mga ahas nagkalat kulay itim pa”

Ikaw sa tingin mo sino nga ba sa tatlong aktres ang angat sa itim na sando?

The post Larawan ni Heaven Peralejo sa Siargao, inulan ng samut-saring reaksyon ngayon! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments