Ang long time celebrity couple na Dennis Trillo at Jennelyn Mercado ikakasal na nga ba? Sa kamakailan lamang na naging usap-usapan ang pagsugod sa ospital kay Jennelyn habang ito ay may lock-in taping kasama ang aktor na Xian Lim para sa kanilang drama series na “Love. Die. Repeat”.

Ayon sa mga balita, buntis di-umano ang aktres at nagkaroon umano ito ng bleeding kaya ito biglaang isinugod sa ospital. Kasunod naman nito ang balitang papalitan raw muna ang aktres bilang main character ng palabas ngunit nagdesisyon ang management na antayin na lamang ang pagbabalik ni Jennelyn.

Lalo naman nagka ideya ang mga netizens na totoo nga ang balita, dahil sa isang post ni Jennelyn na nakatag ang isang maternity clothing brand. Ang naturang post ay tungkol sa kanyang pasasalamat sa event stylist na si Gideon Hermosa para sa kanilang bagong Christmas Tree.

Marami tuloy ang nagsasabing unti-unti nang pinapaalam ng aktres ang magandang balita. Marami na rin sa kanilang mga fans ang excited para sa magiging announcement ng aktres at ng longtime boyfriend nitong si Dennis Trillo.
Makalipas kasi ng issue na ito, may kumalat na rin na balita na namahinkan na di-umano si Dennis sa pamilya ni Jennelyn.

Kahit ang kolumnista at talent manager na si Lolit Solis ay nagbahagi sa kanyang Instagram account. Kung saan sinabi niyang, “Kung totoo iyong nabalita at nabasa ko na namanhikan na ang parents ni Dennis Trillo kila Jennylyn Mercado, ang saya.”
“Hindi naman siguro gugustuhin ni Jennylyn na sa pangalawang pagkakataon ay wala pa rin sa tabi niya ang lalaking mahal niya para makasama sa exciting stage ng buhay niya bilang babae.”

Dagdag pa nito, deserve din naman daw ni Jennelyn ang tunay na pagmamahal at pangangalaga mula sa taong mahal niya.Aniya, “Dapat talagang nasa tabi niya ito para suportahan siya at manindigan sa desisyon ginawa nila.”
Tila nagpaabot na agad ng pagbati si Manay Lolit sa celebrity couple. Saad niya, “Happy days for Jennylyn Mefcado and Dennis Trillo. Best wishes sa tatahakin nilang bagong buhay. A round of applause for their happiness.”
Jennylyn Mercado, Kompirmadong Nagdadalang Tao Na Kay Dennis Trillo

Pansamantala muna ngayong nahinto ang teleserye ng GMA-7 na “Live. Die. Repeat” dahil sa medical emergency ng isa sa mga bida nito na si Jennylyn Mercado.
Marami ang nag-alala nang malaman na ang medical condition ni Jennylyn ang dahilan kung bakit na-pack up noong nakaraang linggo ang taping ng cast at production crew para sa nasabing programa ng Kapuso network.
Dapat sana ay magtatagal hanggang October 2 ang lock-in taping para sa nasabing serye ngunit nahinto ito nang magkaroon ng emergency situation ang lead star na si Jennylyn.
Ayon sa balita, sinundo umano ng isang ambulansya ang actress upang tignan ang kalagayan nito. Noong una ay natakot pa ang mga staff and crew, maging ang ilang mga cast pagdating ng ambulansya dahil inakala nila na may nag-positive na sa C0VID-19 sa kanilang grupo. Subalit ang positive ay ang pagdadalang tao umano ni Jennylyn.
Ayon sa mga lumabas na balita at blind items, nagkaroon umano ng spotting ang actress kaya kinakailangan tignan ang kaniyang kalagayan at pinayuhan na magpahinga na lamang muna.
Hindi daw muna ipinaalam ang tunay na kalagayan ni Jennylyn sa buong staff at crew. Sinabihan lamang sila na pack up na ang taping at may aayusin lang sa mga script. Inaasahan ng mga artista at production staff ng programa na malalaman nila sa linggong ito sa desisyon ng management tungkol sa pagpapatuloy ng kanilang trabaho para sa nasabing palabas.
Ten-week miniseries ito ng Kapuso Network at nakatakdang ipalabas sa first quarter ng 2022.
Sina Jennylyn at Xian Lim ang mga lead star ng Love. Die. Repeat.
Noong September 6, kapwa nag-post ang dalawa sa kanilang Instagram Stories ng video ng pagsisimula ng taping nila.
Si Irene Villamor ang direktor ng Love. Die. Repeat. Co-stars nina Xian at Jennylyn dito sina Myrtle Sarrosa, Gardo Verzosa, at Mike Tan.
Ang Love. Die. Repeat. ang unang project ni Xian sa Kapuso Network, at follow-up project ni Jennylyn sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun na ipinalabas sa GMA-7 mula February 10 hanggang December 25, 2021.
Samantala, kalat naman ngayon sa social media na may mahalagang iaanunsyo ang celebrity couple na sina Jennylyn at Dennis Trillo. Isa umano itong good news na talagang ikatutuwa ng kanilang mga fans. Marami ang humuhula na ihahayag na nila sa publiko ang pagdadalang tao ng actress.
Taong 2010 nang maging magka-relasyon sina Jennylyn at Dennis. Ngunit makalipas ang isang taon ay nagkahiwalay din sila noong 2011. Muli silang nagkabalikan noong 2015. Sa ngayon ay 33-year-old na si Jennylyn habang 39 naman si Dennis. Mayroon na din silang tig-isang anak sa mga dating naka-relasyon.
The post Dennis Trillo, kumpirmadong daddy na nga ba sa magiging baby nila Jennelyn Mercado, dahil namanhikan na ito sa pamilya ng aktres? appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments