Looking For Anything Specific?

Dominic Roque, diretsahang inaming gusto narin magkaroon ng sariling anak dahil sa hilig sa mga bata!

Tila gusto na din bumuo ng sarili niyang pamilya ang aktor na si Dominic Roque.

Naging guest kamakailan si Dominic Roque at ang kanyang kapatid na si Anthony sa liveselling video ng Angrydobo.

Ang restaurant na pagmamay-ari ng mag-asawang sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.

Habang naka live ay nag shout out si Anthony sa kanyang mag-ina, saad naman ni Ryan, “Baby Claudia and Marian, good morning! Hiramin muna namin si Daddy Mark ah.”

Habang pinaguusapan nila si baby Claudia, ibinahagi naman ni Dominic na lagi niya ka facetime at ka video call ang kanyang pamangkin.

“Alam niyo, ‘tong Roque brothers, sobrang hilig talaga nila sa mga bata,” ani Ryan.

Sabay biglang singit ni Dom ng, “Gusto ko na nga rin eh,” na ikinabigla ng kanyang mga kasama sa live video.

“Wooooy, teka lang muna,” komento ni Ryan kaya naman humgalpak sa tawa ang magkapatid na sina Dominic at Anthony.

Ang rebelasyon naman na ito ni Dominic ay talagang nagbigay kilig sa napakalaking fandom nila ng nobyang si Bea Alonzo.

Matatandaan na kamakailan lang din ay inamin din ni Bea na gusto na rin niya magkaroon ng sariling pamilya.

Sa vlog ng komedyanteng si Ethel Booba, inamin Alonzo na nakakaramdam na ito minsan. Nang inggit sa ilang mga kasamahang artista na unti-unti nang bumubuo ng pamilya.

“Gusto ko na magka-baby,” maikling tugon ni Alonzo sa panayam kay Ethel. “Kaya sinasabi ko na sa universe, baka sakaling pagbigyan ako.”

Dito rin sinabi ng 33-anyos na aktres na kung siya ang masusunod. Nais na sana niyang lumagay sa tahimik kasama ang magiging asawa.

“Gusto ko in 3 years. Kung ako ang tatanungin, if it were up to me, gusto ko 3 years. Pero syempre di nga natin alam ang ano ng buhay,” kuwento ni Alonzo.

Bea Alonzo, aminadong hindi chini-check ang cellphone ng kanyang boyfriend na si Dominic Roque: “hindi ako selosa”

Aminado ang Kapuso actress na si Bea Alonzo na hindi siya selosa.

Game na game si Bea sa “Guilty or Not Guilty” challenge sa unang guest appearance niya sa The Boobay And Tekla Show (TBATS) ng GMA-7 nitong Linggo, September 12.

Sa nasabing show ay walng pag-aalinlangang sinagot ng aktres ang mga katanungan tungkol sa mga ex niya.

Unang tanong kay Bea ni Boobay na sinagot niya ng gulity ay, “Inunfollow ang ex sa Instagram. Guilty or Not Guilty?”

“Hindi lang in-unfollow, binlock sa lahat!” saad ni Bea. Hirit pang tanong ulit ni Boobay, “Bakit mo binlock? Bakit mo in-unfollow?”

Natatawang sagot naman ni Bea, “Pag-uusapan ba natin ngayon? I think alam niyo na…”

Natanong naman si Bea kung “pinakialaman ang cellphone ng boyfriend kasi pinaghihinalaang may ibang babae.”

“Proud ako diyan. Never akong nag-check ng phone… Never!” sabi ni Bea

“Hindi ikaw yung klase ng babae na tamang hinala?” tanong muli ni Boobay kay Bea.

“Hindi. I respect one’s privacy. Feeling ko kasi ‘yung cellphone parang toothbrush,” anang Kapuso actress.

“Tsaka feeling ko, binibigyan mo lang din lalo ng pasakit ‘yung sarili mo. Kasi kahit na ano pang gawin mo, kung magloloko, magloloko,” paliwanag pa ni Bea.

Sinabi rin ni Bea na hindi siya selosa na klase ng babae, kasabay ng pagbibiro niya sa isa sa kaniyang mga dating nobyo.

“Tsaka mamsh, ‘yung totoo, hindi ako selosa. Kahit tanungin niyo ‘yung mga… well ‘yung isang ex… ‘yung ibang exes ko,” natatawa niyang sambit.

Kabilang sa mga dating boyfriend ni Bea sina Gerald Anderson, Zanjoe Marudo, at ang yumoang si Miko Palanca.

Sa nasabi ring panayam, sinabi ng aktres na husband material si Dominic pero wala pa raw sa priorities nila ang magpakasal dahil kinikilala pa rin nila ang isa’t isa.

The post Dominic Roque, diretsahang inaming gusto narin magkaroon ng sariling anak dahil sa hilig sa mga bata! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments