Looking For Anything Specific?

Magandang Aktres tinuturing na blessing parin ang baby sa sinapupunan kahit nasa bingit na ang kanyang buhay

Nadine Samonte, patuloy na lumalaban para sa kanyang pangatlong pagbubuntis.

Wala nang mas hihigit pa sa pagmamahal ng aktres na si Nadine Samonte sa kanyang mga anak.

 

Isa kasi si Nadine sa mga babaeng may P0lycystic Ov4rian Syndrome o PC0S. Bukod dito, mayroon din siyang Antiph0sph0lip1d Ant1body Syndr0me (APAS).

 

Ang parehas na kundisyon na ito ay nagreresulta sa mahirap na pagbubuntis.

 

Sa kanyang Instagram, nagbahagi ng kanyang pregnancy journey sa kanyang third baby ang StarStruck Alumna.

 

“I won’t give up ever !!! I’ll fight and stay strong for them !!!” 

Binigyan niya din ng lakas ng loob ang kapwa niya babae na may parehas na sitwasyon.

“Go APAS and PCOS mommas out there. Kaya natin to. Hello to our rainbow baby soon.”

Kasama ng kanyang post ay ang larawan ng kanyang tiyan na puro pasa kasama na ang inject!on at Tinzaparin sodium— gamot na tumutulong para iwasan ang “bl00d clot.”

Hindi ito ang unang beses na naranasan ni Nadine ang ganitong pagbubuntis. Ang kanyang panganay na si Heather Sloane, 5 years old na ngayon, ay kinailangan niyang inuman ng 53 tablets sa isang araw.

Habang ang kanyang pangalawang anak naman na si Austin Titus ay niresetahan siya ng kanyang doktor; “30 tablets a day, once a day (Innohep) inject!on, and every 3 days Proluton inject!on.”

Samantala, buwan nang Hunyo nang ianunsyo ng aktres ang kanyang ikatlong pagbubuntis.

Nadine Samonte, emosyonal na humingi ng panalangin dahil sa health condition ng kanyang asawa at anak ngayon

Hindi napigilan ni Nadine Samonte ang maging emosyonal sa pinagdadaanan ng kanyang pamilya ngayon.

Sa kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Nadine ang litrato ng kanyang anak kalakip ang mahabang caption.

Dito ay sinabi niya ang karamdaman na kinakaharap ngayon ng kanyang mag-ama.

Saad ni Nadine, “Im kinda emotional right now i don’t know what to say or do but i know everything will be fine. Kapit lang , prayers lang.”

Ibinahagi ni Nadine na maraming pinagdadaanan ang kanyang pamilya ngayon kahit hindi nila pinapahalata.

“Trust in the Lord with all your heart and do not lean on your own understanding” this is what im thinking for the past wks. Yes we are going through a lot , hindi halata noh?”


Pero hindi na umano niya mapigilan na maging emosyonal habang ibinabahagi ang mensaheng ito sa publiko.

Para na din umano manghingi ng prayers para sa successful eye operation ng kanyang anak at angiogram ng kanyang asawa.

“Pero ngyn hindi ko mapigilan emotions ko , i need your prayers. This week will be very tough for me and the whole family. Heather will have an eye surgery today , and my husband will have his angiogram this wk”

Kasabay din ito ng pinagdadaaan niya sa kanyang third pregnancy na naibahagi na niya kamakailan.

 

“You guys know na im struggling also with my pregnancy but here i am fighting and trying to be strong for them, for all of us. Crying on my own so they wont see how i really feel.”

Sa ngayon ay nagpapakatatag na lang umano si Nadine para sa kanyang pamilya.

The post Magandang Aktres tinuturing na blessing parin ang baby sa sinapupunan kahit nasa bingit na ang kanyang buhay appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments