Naging real life Darna na din si Jane De Leon matapos niyang abutan ng munting tulong ang isang Food Panda rider na nag viral kamakailan.
Si Jane ang bagong gaganap na Darna ngayon. Pero hindi pa man naipapalabas ang iconic fantaserye, nauna nang maging “hero” ng aktres sa totoong buhay.

Sa post ni Hershey Manuel sa Facebook, makikita ang personal na pag bisita ng Kapamilya actress sa kanya.

Si Hershey ay ang Food Panda rider na nag viral kamakailan dahil na inspire niya ang maraming netizens. Nagdedeliver ng pagkain si Hershey gamit lamang ang kanyang bisikleta. Noong gabing iyon, kasama niya ang kanyang anak.


Makikita sa viral post na pinapadede pa ng Food Panda rider ang anak habang nakaupo ito sa harapang basket ng bisikleta.

Agad na nag viral ang post at maraming netizens din ang nag bigay ng tulong.

Bukod sa kanila, nag bigay din si Jane ng diaper, gatas, at iba pang grocery items na malaking tulong para kay Hershey at sa kanyang baby.

Sa bagong post ni Hershey, makikita na kinarga pa mismo ni Jane ang kanyang anak. Nagpasalamat naman ang Food Panda rider sa natanggap niya mula sa aktres.\
“Na starstruck” pa daw sila maging ang kanyang baby sa aktres.
Makikita din na nakipag kwentuhan pa ang bagong Darna kay Hershey sa 1 minute video Facebook live nito.
Huwarang Ama! Food Panda rider, umagaw ng atensyon ngayon matapos magviral na kasama ang kanyang baby habang nagtatrabaho
Dakilang ama kung ituring ngayon online ang viral na Food Panda delivery rider na si Hershey Manuel.

Isa sa mga bayani ngayong may pa’ndemy’a ay ang mga magigiting na food delivery riders. Napapagaan kasi nila ang buhay ng mga taong stay at home lang.

Sinusu0ng ng mga riders ang kalsada umu’lan man o umaraw para matustusan ang pangangailangan ng kanilang pamilya.

Tinatangkilik naman sila ng marami at kinikilala bilang isang dakilang ama na gagawin ang lahat para sa pamilya.
At isa na nga sa mga dakilang riders ay si Hershey Manuel.

Trending nga ngayon online ang mga litrato ni Manuel na kasama ang kaniyang baby na nakalagay sa maliit na basket ng kanyang bisikleta habang nagtatrabaho.

Ibinahagi ni Jeremiel Flores Quinto mula sa San Pedro, Laguna ang mga litratong ito kung saan ibinahagi sa kaniya ng rider na si Hershey Manuel na kaya niya isinasama ang kaniyang anak ay dahil wala umanong magbabantay rito.

Nagtatrabaho rin kasi ang kaniyang asawa at nakikitira lamang sila sa kaniyang tiyuhin. Kaya isinasama na lamang ni Hershey ang kaniyang anak maging sa pagde-deliver sa kaniyang mga customer kapag walang magbabantay rito.
Agad namang umani ng papuri mula sa mga netizens ang nasabing food panda rider.
Narito ang ilan sa kanilang komento:
“Nakakaproud ka Superdad! Isa kang bayani! You’re an inspiration and a Superhero. Praying for you and your baby.”
“Kudos kuya and keep safe. Thank You foodpanda for allowing this kind of unconditional love at work bringing happiness and inspiration to everyone!”
“Keep safe kuya and your baby…I salute you kuya as a good father to your baby…God bless you po at sa baby po”
The post Foodpanda rider na nagde-deliver gamit ang bisikleta kasama ang anak, inabutan ng munting tulong ni Jane De Leon matapos itong magviral appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments