Looking For Anything Specific?

Jaclyn Jose, galit na binigyan ng babala si Lauren Dyogi at Albi Casiño dahil sa patuloy na paninira kay Andi Eigenmann ngayon!

Jaclyn Jose, binuweltahan na ang mga naging pahayag ni Albie Casiño sa dating nobya na si Andi Eigenmann.

Isa si Albie sa mga celebrity housemates ng Pinoy Big Brother celebrity edition.

Nag viral ang mga naging pahayag ng aktor na tila may malalim na kahulugan tungkol sa ex-girlfriend na si Andi Eigenmann.

Bagamat tahimik ang dating aktres tungkol dito, may babala naman ang kanyang ina sa batang aktor.

Sa kanyang Instagram, nag labas ng pahayag si Jaclyn na diretsahang sinabihan si Albie maging si Lauren Dyogi.

“Pls nakikiusap ako wag nio galawin apo ko. 1 decada Lauren, pls stop this. Wala pupuntahan to kaibigan kita for so long…

Wag kong hayaan mag terialized ng Pbb ng Albie lang… sasagutin ko sila…”

Nakisuap ang batikanang aktres na wag daw hayaang sirain ni Albie pangalan ng kanyang anak. Handa daw siyang sumagot at lumaban kung kinakailangan.

“Nakikiusap ako nananahimik na si Andi… pero may sagot ako overboard din i just want to keep quiet.”

Bukod dito, naging mainit din ang huling banat ng ina ni Andi tungkol sa nakaraan nila ni Albie.

“Gusto mo sabihin ko in publik kung paano mo bugbugin ang anak ko? Kahit buntis? Try moko,” paghamon ni Jaclyn sa aktor.

Si Albie ang tinuturong ama noon ng pagbubuntis ni Andi.

Jaclyn Jose, Labis na Humanga sa Simple at Tahimik Pamumuhay ng Anak na si Andi sa Siargao

Marami ang sumusubaybay sa tahimik na buhay ng dating aktres na si Andi Eigenmann. Sa social media, laging nakaabang ang mga fans sa update nito sa kanyang ‘island life.’ Naninirahan ngayon si Andi sa Siargao kasama ang kanyang tatlong anak at partner na si Philmar Alipayo. Kahit simple lang, fulfilling at masaya naman ang kanilang pamumuhay.

Lakas loob na tinalikuran ni Andi ang kanyang matagumpay na showbiz career kapalit ang tahimik na buhay sa isla. Dito niya rin nais palakihin ang kanyang mga anak na sina Ellie, Lilo, at Koa. Talagang walang-arte si Andi at hands-on ito sa pagiging nanay sa kanyang mga anak.

Maging ang ina ni Andi na si Jaclyn Jose ay labis ring humahanga sa maayos na pagsasama ng dalawa. Kamakailan lang, nagdedicate ng nakaka-touch na mensahe si Jaclyn para sa kanyang anak.

Ayon kay Jaclyn, labis ang paghanga niya sa katatagan ng kanyang anak at sa maayos na pagpapalaki nito sa kanyang mga apo.

“Anak hinahangaan kita sa kung anong meron na buhay ka ngayon. Napakatapang mo, saka ako din. Ang ganda ng pagpapalaki mo sa mga bata. Sorry sa lahat ng pagkukulang ko. Binago ko kasi yung word na typo, mali. Bago lang phone ko di pa ko sanay pasensya na po. Anak mahal na mahal kita at support ko lahat ng ginagawa mo. Mag-ingat palagi.”

Bukod pa dito, nagbahagi rin si Jaclyn Jose ng larawan ni Philmar noong Father’s day kalakip ng pagbati niya. Mukhang natuwa rin naman ang professional surfer, dahil nagpasalamat ito sa kanyang future mother-in-law.

Ayon pa kay Jaclyn, patuloy lamang niyang susuportahan ang kanyang anak sa mga desisyon nito. Kahit pa noong nasa kasagsagan ng isyu si Andi sa kanyang panganay na si Ellie, hindi ito iniwan ng kanyang ina at patuloy pa rin ang pagtatanggol ng beteranang aktres sa kanyang anak mula sa mapanghusgang mata ng publiko.

Ano ang masasabi mo sa kwentong ito? Ibahagi lamang ang inyong opinyon o parehong karanasan sa comments section sa ibaba. Para sa iba pang latest na balita at viral na kwento, wag mag atubiling mag like at mag follow sa aming Facebook page.

The post Jaclyn Jose, galit na binigyan ng babala si Lauren Dyogi at Albi Casiño dahil sa patuloy na paninira kay Andi Eigenmann ngayon! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments