Looking For Anything Specific?

Gerald Anderson, Nais Humingi Ng Tawad Kay Bea Alonzo

Sa isang ABS-CBN Entertainment interview with Boy Abunda kasama ang kaniyang “Init sa Magdamag” co-stars na sina Yam Concepcion at JM De Guzman, walang pag-aalinlangang inihayag ni Gerald Anderson ang tungkol sa kaniyang personal na buhay at matapang din niyang sinagot ang tanong tungkol sa kaniyang dating kasintahan na si Bea Alonzo at kasintahan nito ngayon na si Julia Barretto.

Sa nasabing panayam, napag-usapan ang mga kontrobersiya na kinaharap ni Gerald.

Sagot ng aktor kay Tito Boy,

“I think kailangan kong pagdaanan yan para makarating ako dito sa state kung san ako ngayon sa sitwasyon ko. Syempre, kung pwedeng hindi dumaan sa ganung klaseng sitwasyon [sana hindi nalang] but that’s life.”

Pagpapatuloy ni Gerald,

“Hindi ko naman masasabi kung anong mangyayari, or hindi ko na po mababago yung nangyari. As much as I wish I could, hindi ko na po hawak yun. So I can just absorb and learn and just move on with life kasi that’s what life is about – it’s falling down pero getting back up,”

Natanong din si Gerald kung ano ang kaniyang gagawin kung sakali na mabigyan siya ng pagkakataon na makausap ang dating kasintahan na si Bea Alonzo at boyfriend nito ngayon na si Dominique Roque.

Ani Gerald,

“More siguro kay Bea, wag na po siguro tayo mandamay ng ibang tao I really hope na she will find it in her heart to forgive what happened, forgive me. But nagho-hope lang po ako.”

Samantala, tinanong din ni Tito Boy si Gerald tungkol sa plano niya at sa pag-ayang pagpapakasal sa kasintahang si Julia Barretto. Sa mga nagdaang interview kasi ay inihayag ng aktres ang pagnanais niya na makabuo na ng sariling pamilya sa batang edad.

Paglalahad ni Gerald,

“Alam mo Tito Boy, gusto ko sagutin yan talaga. And siguro, alam niyo po yung isasagot ko diyan. But dahil siguro she’s still very young and ang dami pa niyang mai-o-offer sa industriya natin. And ang dami pa niyang ipapakita sa inyo, sa audience natin. So ayoko maging hadlang.”

Ngunit, nang magbigay ng follow up question si Tito Boy at tinanong si Gerald sa pagpapakasal kay Julia, sagot ng aktor nang walang pag-aalinlangan, “She’s the one.”

Kanino ka aangkas? Gerald Anderson, Aljur Abrenica at Paolo Contis pinagkukumpara ngayon ng mga netizens

Kanino ka nga ba aangkas? Kay Gerald Anderson, kay Aljur Abrenica, o kay Paolo Contis?

Muli na namang nabuhay ang mga Maritess sa Facebook. Ito ay dahil sa sunod sunod na hiwalayan ng mga celebrities.

Kamakailan nga lamang pinagkatuwaan ng mga netizens ang mga litrato nina Yen Santos, Heaven Peralejo at Julia Barretto.

Sa post ng Facebook page na The Scoop ay tinanong dito kung sino sa tatlong aktres ang mas magandang tignan habang nakasuot ng itim na sando.

Binigyan naman ito ng ibang kahulugan n maraming netizens. At nasabi pa ngang kay Yen na naipasa ang korona.

Samantala, matapos ng tatlong aktres ay tatlong aktor naman ngayon ang pinagkakatuwaan ng netizens.

At ito ay sina Aljur Abrenica, Gerald Anderson at Paolo Contis. Sa post muli ng The Scoop ay ang tatlong aktor naman ang pinagkumpara nila.

Saad sa kanilang caption, “Sila ‘yung mga poging susundo sa’yo, kanino ka aangkas?”

Kalakip nito ay ang mga litrato ng tatlong aktor habang nasa tabi ng kani-kanilang motorsiklo.

At muli ay pinutakte na naman ng mga netizens ang comment section ng nasabing post.

Kung matatandaan ang tatlong aktor ay sangkot at naging trending ang mga naging hiwalayan nila sa kanilang mga partner.

Ang hiwalayan nina Aljur at misis na si Kylie Padilla ay talaga namang pinag-usapan sa social media.

Mismong ang ama ni Kylie na si Robin Padilla ang nagbunyag noon sa estado ng relasyon ng dalawa.

Si Gerald naman ay hindi makakalimutan ng madla ang naging hiwalayan nila ni Bea Alonzo. Ilang taon ang lumipas ay naging sila naman ng nobya niya ngayon na si Julia Barretto.

Samantala, ngayon naman ay talk of the town ang hiwalayan nina LJ Reyes at Paolo Contis.

Kung ikaw ang tatanungin kanino ka nga ba aangkas?

The post Gerald Anderson, Nais Humingi Ng Tawad Kay Bea Alonzo appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments