Looking For Anything Specific?

ALAMIN: Singer at aktor na si Gary Valenciano, isinugod sa ospital!

Ibinahagi ng singer at aktor na si Gary Valenciano noon lamang Oktubre 7 na siya ay isinugod sa ospital dahil sa kanyang sakit. Siya ay nagkaroon ng dengue at tatlong araw siyang namalagi sa ospital dahil sa naturang sakit.

Ito ay ibinahagi niya sa kanyang Instagram account, “I just wanted to share the goodness of the Lord with all of you. I’ve been here in the hospital since Mon PM due to dengue fever. But He took care of me yet again and now I’m headed home. The Lord has left me speechless once again. I Love you Jesus! #undesevring #unmerited #favoroftheLord #Godissogood.”

Samantala, marami naman sa kanyang mga kaibigan sa showbiz ang nagpaabot sa kanya ng dasal.

Kagaya na lamang nina,

“Prayers for you Tito Gary,” saad ni Iza Calzado.

“So happy to hear that you are feeling better now tito!!!” sabi naman ni Moira dela Torre.

“Thank you Lord God for healing Gary,” ayon naman kay Princess Punzalan.

Matatandaan na nito lamang ding Pebrero kanya ring naibahagi ang “dangerously high” ng kaniyang sugar level na labis din ikinabahala ng kanyang mga supporters.

Saad niya sa kanyang Twitter, “Although I’ve taken the right steps to bring it back to normal, it’s not easy having it this high.”

Mabuti na lamang din ay nag-normalize ang kanyang sugar level pagka-sumunod na araw. Matapos ang kanyang matagal na pakikipaglaban sa sakit na Type 1 Juvenile Diabetes at noong 2005 ay na-comatose pa siya matapos magkaroon ng hypoglycemic attack sa kasagsagan ng kanyang show.

Dumaan na rin ito sa open-heart surgery noong 2018 matapos ang napakaraming tests kung saan nakitang blocked ang kanyang left anterior descending artery dahil sa diabetes.

Nagkaroon rin siya ng surgery matapos mapag-alamang nagkaroon ng cancer cells ang kanyan right kidney. Hanggang noong July 2019, naideklara na siyang cancer-free.

Derek Ramsay Isinugod Sa Ospital, Mga Netizens Nabahala Sa Malubhang Kalagayan Nito

Naging trending at usap-usapan sa social media kamakailan lamang si Derek Ramsey nang ibalita na isinugod nga sa ospital ang Kapuso star matapos mapuruhan ng husto ang kaniyang mata dahil sa UV lights.

Ayon sa kaniyang girlfriend na si Andrea Torres, binalaan na daw niya si Derek na huwag direktang tumingin sa UV lights ngunit hindi siya sinunod ng actor at ginawa pa din ito.

Base sa kanilang kwento, tila inaayos ni Derek Ramsay ang UV lights ng kanilang bahay para makatulong sa pagdi-disinfect laban sa C0VID-19 v1rus. Nang matapos maayos ang UV lights, tila ayos naman si Derek. Maayos pa din siyang nakakakita ngunit makalipas ang ilang sandali ay hindi na niya maidilat ang kaniyang mata.

 

 

Ani ng actor,

“Around 2 a.m. hindi ko na maidilat yung mata ko. Talagang they were burning, eh ayoko naman siyang gisingin.”

Sinubukan ng Kapuso actor na hugasan ang kaniyang mga mata para mabawasan ang nararamdaman niyang init dito ngunit hindi pa din ito gumana.

 

 

“I went to the bathroom, naghugas ako ng mata. It got worse. Then it just got worse and worse, so napilitan na akong gisingin si Andrea, at tinakbo na ako sa ospital.”

Napagpasyahan ni Andrea na tulungan siya sa pamamagitan ng paglalagay ng eye drops sa mata ng actor, ngunit, sa kasamaang palad, ang s4kit na nararamdaman ni Derek ay mas lalo lamang lumala.

 

 

“That’s when talagang sumisigaw na ako in p4in.”

Ayon sa Vision First Eye Care, talagang delikado para sa isang tao ang direktang tumambad sa sinag na nanggagaling sa UV kahit pa man sa maikling oras lamang. Ang UV lights ay maaaring makapansila sa mata, organs, at maaari din itong maging sanhi ng pagkam4tay.

 

 

Nakasaad dito,

“Exposure to UV light can also cause photokeratitis, which is a sunburn for the eyes. This can be extremely pa1nful, and in the w0rst cas3s, a condition called snow bl1ndness can occur, where vision is lost temporarily.”

The post ALAMIN: Singer at aktor na si Gary Valenciano, isinugod sa ospital! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments