Mas maraming ebidensya sa tunay na relasyon nina Marco Gumabao at Ivana Alawi ang ngalalabasan ngayon.
Kahapon, October 12, nag viral ang video nina Marco at Ivana na sweet sa isa’t-isa. Ang nasabing video ay mula sa Ig story ni Ann Murphy kung saan makikita na nagkakasiyahan silang magkakaibigan.
Makikita isang bahagi ng video na tila magka-duet pa sina Ivana at Marco habang hinahataw ang isang kanta.

Kahit marami silang mga kasama, makikita ang pagiging malapit nila ni Marco lalo at nakahawak pa ang aktor sa binti ni Ivana.

Ayon pa nga sa mga netizen, bakit naman daw hahawak sa binti ng isang babae ang isang lalaki. Kung wala silang mutual understanding.

Makatapos ngang mag-viral ang nasabing video, ilang ebidensya pa sa YouTube ang lumabas para patunayan ang relasyon ng dalawa.

Hindi rin naman ito ang kauna-unahang beses na na-link ang dalawa sa isa’t isa. Napabalita rin noon na nanliligaw raw ang aktor sa s’e’xy actress.


May mga nakakapansin rin na lumalabas si Ivana kasama ang mga kaibigan ng aktor. Ngunit hindi naman ito inamin o itinanggi ng dalawa. Sadyang no comment lang sila.

Present rin si Marco sa mga nag-video greeting kay Ivana nang isorpresa ito ng pamilya sa kaniyang 2nd anniversary.


May lumang video din na makikitang magkasama sina Marco at Ivana sa birthday ng kanilang kaibigan.
Ilang litrato din ang ibinahagi sa YouTube kung saan namataang magkasamang muli ang dalawa.
Sa usapan naman sa TikTok isang netizen ang nagsabing matagal na daw talagang magkarelasyon sina Ivana at Marco.

Nanatiling Lowkey lang umano ang dalawa kahit pa nagpunta na daw ang mga ito sa Baguio. Hindi lang natin sure kung as a friend lang ba ito.
Halaga ng diamond ring ni Ivana Alawi na niregalo sa sarili nagkakahalaga ng P12-Million
Milyones pala ang halaga ng singsing na binili ni Ivana Alawi para sa kanyang sarili.
Matatandaan nakaraang taon, ibinahagi ni Ivana sa kanyang vlog ang regalo niya sa kanyang sarili for her 24th birthday.
8-karat diamond ring ang kanyang napili na token for herself noong kaarawan niya last December 25, 2020.

Ayon kay Ivana, bakit paraw siya maghihintay ng lalaki na bibili para sa kanya.
“Bakit ako mag-aantay sa lalaki, e di bilhan ko na lang sarili ko, ‘di ba? It’s just a symbol to love myself. Parang gift ko talaga siya para sa sarili ko,” sabi ni Ivana

Dagdag pa nya ay ito din daw ay isang investment na habang tumatagal ay tumataas ang halaga

Ayon sa sexystar-vlogger, matagal na raw niyang pangarap ang magkaroon ng diamond ring. Kaya matagal niya itong pinag-ipunan at natupad din ang kanyang birthday wish.

Makalipas ang halos isang taon, ayon sa report ng PEP.ph nagkakahalaga pala ng 12 million pesos ang singsing na iyon.

Nakausap nila ang jewelry maker na si Drake Dustin at ibinunyag nito ang istorya sa likod ng mamahaling singsing ni Ivana.

Ayon kay Drake ay nais talaga niyang kunin si Ivana bilang endorser ng kanyang jewelry brand na LVNA.

Saad nito, “Too weird. Parang tinadhana ni universe… yung tingin namin…

“Before namin siya kunin, hinahanap na namin siya. Biglang yung mom niya, si Tita Fatima, nag-message sa Facebook namin. Then we started collaborating sa IG muna. Yung parang pullouts-pullouts muna.”

Hindi umano for sale talaga ang singsing na iyon, pero ng makita ito ni Ivana ay pinursige ng dalaga na bilhin talaga ito.

Vana Moon daw talaga ang ipinangalan niya sa singsing na iyon dahil si Ivana ang nasa isip niya noong ginagawa niya ito.
Narito ang vlog last year ni Ivana:
The post Ilang mga litrato nina Ivana Alawi at Marco Gumabao na nagpapatunay na may nabubuong relasyon viral ngayon appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments