Looking For Anything Specific?

Ion Perez, may bwelta sa mga beki na nagmura at bumatikos sa kanila ng partner na si Vice Ganda

Rumesbak na si Ion Perez sa viral video ng grupo ng mga beki na nilait ang relasyon nila ni Vice Ganda.

Kahapon nga lamang ay nag viral ang isang video ng grupo ng mga beki. Tila mga nakainom ang mga ito at naging bida sa kanilang pag-uusap ay sina Meme Vice at Ion.

Bungad nga ng isang beki na nakasuot ng itim na sando ay dilawan daw itong si Vice dahil nagtatrabaho siya sa ABS-CBN.

Sabay sabing wala siyang pakealam kay Vice. At doon na naisingit ang tungkol sa relasyon nito kay Ion Perez.

Saad ng isang beki mahal ba siya ni Ion? Sagot ng isa “hindi ko sure”. Todo paliwanag naman ang isang beki at sinabing wala daw pera si Ion.

Tubong Pampanga daw ang binata at sumasali lang sa mga bikini open kaya paniguradong wala daw itong pera.

Nakilala lang daw ito ni Vice sa It’s Showtime at hindi na binitawan. Syempre ganun din daw si Ion hindi na bumitaw dahil maraming pera si Vice.

Umani naman ng batikos mula sa mga fans nina Ion at Vice ang nasabing video. Sumasabay lang umano ang mga beking ito sa kasikatan ng dalawang It’s Showtime host.

Nais lamang daw magpasikat ng mga ito kaya gumawa sila ng isyu.

Samantala, nakarating na kay Ion ang viral video na ito. At tila hindi nagustuhan ni Kuya Escort ang mga salitang binitawan ng mga beki.

Sa kanyang Facebook post isang patutsada ang minutawi ni Ion. Saad ng aktor, “Typical na YAGIT ng LIPUNAN!!” na may kasama pang poop emojis.

Hinuha ng kanyang mga fans ay ito ang sagot ni Ion sa grupo ng mga beki. May mga nagsabi pa nga na ‘wag na lamang bigyan ng pansin ni Ion ang mga ito.

Viral ngayon video ng mga beki na pinagmumura at binabatikos sina Vice Ganda at Ion Perez

Mukhang may galit sa Unkabogable star na si Vice Ganda ang grupo ng mga beki na ito.

Hindi na nga matatawaran ang kasikatan ni Vice Ganda. Marami na siyang na-achieve na mga pangarap.

Marami na din siyang natulungan, mga simpleng tao, pati mga nangangailangan na kaibigan niya sa industriya.

Pati na rin pagdating sa buhay pag-ibig ay masayang masaya na si Meme Vice sa piling ni Kuya Escort Ion Perez.

Hindi man tanggap ng marami ang kanilang relasyon ay hindi iyon naging hadalang sa kanilang pagmamahalan.

Marami din ang naniniwala na ginagamit lang umano ni Ion si Vice. Minahala lamang daw ng binata si Vice dahil sa pera nito.

At yan mismo ang naging topic ng isang grupo ng mga beki sa video na ngayon ay viral na sa social media. Tila mga nakainom ang mga ito at naging bida sa kanilang pag-uusap ay sina Meme Vice at Ion.

Bungad nga ng isang beki na nakasuot ng itim na sando ay dilawan daw itong si Vice dahil nagtatrabaho siya sa ABS-CBN.

Sabay sabing wala siyang pakealam kay Vice. At doon na naisingit ang tungkol sa relasyon nito kay Ion Perez.

Saad ng isang beki mahal ba siya ni Ion? Sagot ng isa “hindi ko sure”. Todo paliwanag naman ang isang beki at sinabing wala daw pera si Ion.

Tubong Pampanga daw ang binata at sumasali lang sa mga bikini open kaya paniguradong wala daw itong pera.

Nakilala lang daw ito ni Vice sa It’s Showtime at hindi na binitawan. Syempre ganun din daw si Ion hindi na bumitaw dahil maraming pera si Vice.

Maraming netizens naman ang nagsabi na napaka-bitter daw ng mga beking ito. Anila, ilang araw lang ay baka umiiyak na ang mga ito at nanghihingi ng sorry.

The post Ion Perez, may bwelta sa mga beki na nagmura at bumatikos sa kanila ng partner na si Vice Ganda appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments