Looking For Anything Specific?

Miss Universe PH 2020 na si Rabiya Mateo natapilok sa stage ng coronation night, tumayo ng may class

Fall seven times stand up eight ang peg ni Miss Universe PH 2020 na si Rabiya Mateo.

Naganap kagabi, September 30, ang coronation night para sa Miss Universe PH 2021 na ginanap sa Bohol. Si Miss Cebu City Beatrice Luigi Gomez ang itinanghal na bagong may-ari ng korona.

Ngunit bago pa man ang interesting moment sa pageant ay nagkaroon ng segment para kay Rabiya Mateo. Bilang tribute sa huling taon niya bilang Miss Universe PH holder.

Sa nasabing segment ay nagbalik tanaw ang prestigious pageant sa naging journey ni Rabiya mula nang manalo siyang Miss Universe Philippines noong 2020 hanggang sa ni-represent niya ang bansa sa Miss Universe 2020.

Habang naglalakad papunta sa stage ay bigla na lamang nadulas at napaluhod si Rabiya. Ngunit bilang isang professional beauty queen ay tumayo ito ng may class pa din.

Kitang cool na cool ang dalaga sa kanyang pagtayo at sinabi pang,  “Once you fall, you have to stand up.”

Maraming netizens naman ang pinuri at pinagkatuwaan ang nangyaring ito kay Rabiya. Kaya trending siya sa Twitter kagabi.

Saad nga ng isang netizen, “QUEEN, LAST NIGHT MO NA BILANG MUPh 2020 BA’T NAMAN NATAPILOK?! HAHAHAHAHAH BUTI NALANG GANDA MO”

 

Paglalahad pa ng isa pang netizen, “Yung last walk mo na natapilok ka pa”

 

“It did not make you less as a Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo! Okay lang yan, tindig agad!”

Girlfriend ni Miss Universe PH 2021 Beatrice Luigi Gomez buong puso ang binigay na suporta sa kanya

Love Wins!

Isa sa biggest supporter ng kinoronahan na Miss Universe PH 2021 na si Beatrice Luigi Gomez ay ang kanyang longtime girlfriend.

Ito ay si Kate Jagdon, isang disc jockey sa Cebu City na anim na taon ng karelasyon ni Bea.

Si Bea ay proud member ng L6BTQ at nirepresent niya ang Cebu City sa Miss U PH 2021. Isa din siyang L6BTQ advocate.

Kinoronahan si Bea bilang grand winner ng Miss Universe Philippines 2021 pageant Huwebes ng gabi, September 30, 2021.

Sa instagram post naman ni Kate ay ipinakita nito ang buong suporta niya para sa kasintahan. Ipinost ni Kate ang kuha niyang videos ng pagrampa ni Bea sa opening segment ng pageant.

Maririnig din ang pagsigaw ng pangalan ni Bea sa tuwing rarampa ito sa harap ng stage.

Ibinahagi din nito ang journey ni Bea sa pagsali sa beauty pageants sa isa niyang post.

Aniya, “Congratulations for making it to the Top 30 Bab @beatriceluigigmz
I remembered when we were at Malaysia 2 years ago with 2 of our friends talking about our future plans, you were considering joining Binibining Cebu and you were talking about how scared you were about the journey and now you are fighting for the Miss Universe Philippines Crown, just be your authentic self the way you have always been since the day I first met you, I’m sure the people will love you for being you, just like I do. show them what you got, always remember we stand behind you”

 

Proud girlfriend din si Kate ng si Bea na nga ang hirangin bilang bagong may-ari ng korona ng bansa.

The post Miss Universe PH 2020 na si Rabiya Mateo natapilok sa stage ng coronation night, tumayo ng may class appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments