Looking For Anything Specific?

Isang Babae na umalma, matapos siyang kunin na Ninang ng kanyang kaibigan para lang ipag-sponsor ng cake na nagkakahalaga ng Php5,000!

Viral ngayon ang isang babae na kinilalang si Angel Perez na kinuha ng kanyang kaibigan bilang isang Ninang sa binyag ng anak ng kanyang kaibigan. Matapos nitong umalma sa naging pabor sa kanya ng kanyang kaibigan na magbabayad ito sa simbahan ng Php800.00 para sa mismong binyag at pinag-sponsor pa di-umano ito ng 3-layer cake at cupcake.

Hindi lang ito basta pabor ang hiningi ng kanyang naturang kaibigan kundi pinipilit daw talaga siya nitong magbigay ng ganito kalaking halaga para lamang sa cake.

Hindi naman napigilan ni Angel ang magulat sa kanyang kaibigan kaya maayos niya itong tinanggihan at sinabing hindi niya kaya ang halaga ng cake. Dagdag pa niya, marami din daw silang babayaran ngayon lalo pa’t magpapasko na at kakatapos lang din mag-birthday ng kanyang anak. At sinabi rin niya na babawi na lamang siya sa susunod kapag stable na ang kanilang gastusin.

Ngunit, ang kanyang kaibigan ay humirit uli sa kanya at sinabing maliit na halaga lang naman umano ang Php5,000 lalo pa’t seaman ang trabaho ng asawa nito kaya naman kaya niya raw ang ganitong halaga ng cake.

Samantala hindi na nagpadala ang naturang babae at sabay sabing hindi porke’t seaman ang kanyang asawa ibig sabihin ay marami na silang pera.

Patuloy pa rin ang kanyang pagtanggi sa kanyang kaibigan at imbes daw na maitindihan siya nito mukhang nadismaya pa ito at sinabi pa na akala ng kanyang kaibigan ay galante umano siya. Sinabi din ng kanyang naturang kaibigan na iba na lang umano ang kukunin niyang ninang at baka may ‘mahita’ raw siya doon.

Ganito na lamang ang naging reaksyon ni Angel sa ginawa ng kanyang kaibigan at kahit mga netizens ay hindi rin makapaniwala sa ginawa ng naturang kaibigan ni Angel.

Kaya ang tanging nasabi na lamang ni Angel sa kanyang post na ibinahagi niya sa kanyang facebook account ay, Bakit parang kasalanan ko pa?

Balut Vendor na 29 years old , inirekℓαmσ ng 69 years old niyang ka-relasyon sa ραg-υBσs ng laman ng ATM

Nagsimula ng pag-iibigan ng isang balut vendor at isang retired navy officer sa Love at first sight subalit nauwi lamang ito sa sa masalimuot na pagtatapos ng kanilang relasyon. Ang ending, humantong ito sa paghingi ng tulong ng retired navy sa programang Raffy Tulfo in action.
Ang retired navy officer ay si Alberto Frio na 69 years old ay nagtungo ay humingi ng tulong kay Raffy Tulfo laban sa balut vendor na si Ronelyn Solis, 29 years old at kanyang naging ka relasyon ng apat na taon.

Source:  Raffy Tulfo in Action / Youtube

Sinusuportahan niya financially si Ronelyn sa loob ng apat na taon ng kanilang rєℓαѕуσn ѕυвαℓιt kahit maganda ang ραgtrαtσ nιуα ѕαкαηуα, nahυℓι niya ito tαtℓσng bєѕєs na may ibang karєℓαѕуσng lalaki. Sa kabila ng ginawa ng balut vendor, pinatawad niya ito at sila ay nagkakabalikan, ngunit nangaliwa parin si Ronelyn at ngayon ay buntis na sa ibang lalaki.

 

Source:  Raffy Tulfo in Action / Youtube
Bagama’t ganun ang ginawa ng babae, pinangako ni Alberto na mapapatawad niya ito basta bumalik lamang siya sakanya ngunit tumanggi si Ronelyn.
Sabi pa ni Alberto, pag hindi ito bumalik sakanya ay mapipilitan itong bawiin lahat ng binigay niya sa kanya.
Source:  Raffy Tulfo in Action / Youtube
Nang marinig ni idol Raffy ang kaniyang sumbong, sinabi niyang maraming matandang lalaki na ang lumapit sa kanyang programa upang bawiin ang perang ibinigay nila sa mga mas batang ka-relasyon na nagloko sakanila. Ngunit sa kanilang kaso, nagsasama sila sa iisang bubong kaya naman entitled ang babae sa kalahati ng property at perang naibigay ni Alberto.
Source:  Raffy Tulfo in Action / Youtube
Siniwalat ni Alberto na kamakailan lang ay ibinalik ni Ronelyn ang kanyang ATM subalit inubos na nito ang laman. Paliwanag naman ni idol Raffy na kung ibinigay niya ang ATM at ang PIN ng card ay hindi na mababawi ito mula sa bangko dahil legal naman ang pag withdraw ng pera.
Dagdag pa ni Raffy Tulfo na ibinigay na ang ATM at PIN nito sa isang tao na walang ginagawang kasulatan at kung magkano ang pwede niyang kunin, para naring sinabi na pwede niyang kunin ang lahat ng laman nito.
Source:  Raffy Tulfo in Action / Youtube
Sa panig naman ni Ronelyn, isa siyang balut vendor at nag susumikap mag trabahgo para kumita ng pera ng magkakilala sila ni Alberto. Ginamit daw nito ang perang napanalunan sa casino para makapag patayo ng bahay. Ang perang capital na ginamit sa paglalaro sa casino ay inamin naman niyang galing kay Albert.
Source:  Raffy Tulfo in Action / Youtube
Paliwanag naman si idol Raffy na hindi niya pwedeng tulungan si Alberto dahil alam naman daw niya nag ang palalaro ng sugal sa casino ay pagtatapon ng pera.

Dagdag pa ni Alberto, umaabot sa 4 million pesos ang naibigay niya kay Ronelyn. Pahayag ni Ronelyn na P30,000 lang daw ang kaya niyang bayaran ng installment. Wala na daw siyang pera at trabaho at 6 buwan na rin siyang buntis.

Source:  Raffy Tulfo in Action / Youtube

 

Ayon kay Alberto gusto niya na maibalik ang pera kahit 1 Million lang, subalit payo naman ni idol Raffy na pwede niyang dalhin ito sa korte dahil wala rin pera si Ronelyn na pambayad sa kanya.

The post Isang Babae na umalma, matapos siyang kunin na Ninang ng kanyang kaibigan para lang ipag-sponsor ng cake na nagkakahalaga ng Php5,000! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments