Ang Wowowin TV host at aktor na si Willie Revillame kinumpirma niya ang kanyang desisyon na hindi ituloy ang pagpasok niya sa mundo ng politika.
Matagal na ang naging balitang na iiwanan na niya ang Wowowin at bibigyan niya daw ng oras ang politika. Ngunit, tila nagbago bigla ang isip ng TV host at sinabing hindi na niya ito papasukin dahil wala raw siyang sapat na ideya o kaalaman sa politika.

Ayon sa kanya, bukod sa kanyang pagiging actor-comedienne nakilala rin siya ng mga tao na mapagbigay at matulungin sa kanyang kapwa Pilipino lalo na sa mga mahihirap. Sabi pa niya baka daw mag-iba ang tingin sa kanyang ng mga ibang tao kapag sumali siya sa politika.
Saad niya, “May importante lamang po akong gustong sabihin sa inyo bagay na to para malaman niyo kung ano ba ang mangyayari.”

“Alam niyo nung March 16, 7pm, pinatawag po ako ng mahal ng Pangulo na si Presidente Duterte at kasama ko ho dun ang aking legal mga adviser Atty. Ferdinand Domingo at present din po dun si Secretary Medialdea and Senator Bong Go.”
Dagdag pa niya, “Nung pinatawag po ako, siyempre bago ka patawagin muna sa Malacanang maraming mga procedures, mag RT-PCR ka, di ka basta basta pwedeng pumunta run, maraming mga protcols and then dun ‘ho ako nag-dinner, March 16 ‘ho yun.”

Aniya pa, “Nagsimula kami ng mga 7:30 natapos kami dun ng almost past 12 na, almost 1 o’clock.”
Ito din daw ang unang pagkakataon na ma-meet ni Willie ang Presidente at nakapag-usap sila na inaabot ng limang oras. Nagpa-picture din ang TV host kay Presidente Duterte bilang souvenir nila.

Mula noong March hanggang sa pagkumpirma ni Williw sa national television hanggang noong October 7, 2021, pinag-isipan daw niya ng mabuti, pinag-aralan at marami din daw siyang kinausap na tao.
Sabi pa niya, “Dumating na yung point na I have to decide which is heto nga ‘ho ngayon. Kasi nga ito yung second to the last day ng filing, bukas nalang po ang filing.”
“So hangging kagabi ‘ho, after nung last Sunday, tinawag ko yung mga kaibigan ko, mga tiga Cabanatuan. Dumating din dun si John Estrada, si Lito Camo, yung mga malalapit sa buhay ko at may mga nakausap akong talagang galing talaga, kumbaga san ako nagsimula.”

Kinausap din umano niya ang kanyang sarili at sinabing kailangan na niyang magdesisyon para sa sarili niya at wag ang ibang tao. Sa tatlong beses na nagkausap daw umano sila ng Presidente Duterte at mayroon pa umano itong ginawang video kung saan gusto niya talagang maging Senador ang TV host.
Kris Aquino, Nagsalita Na Tungkol Sa Balita Na Sila Ay May Relasyon Ni Willie Revillame!

Maraming netizens nga ang nakapansin sa pagiging malapit nina Willie Revillame at Kris Aquino sa isa’t isa. Saad ng ilan, hindi na umano ito maituturing na magkaibigan lang dahil daig pa sa pagiging kaibigan ang ipinapakitang kabutihan ni Willie kay Kris at maging sa dalawang anak nito na si Bimby at Josh.
Gayunpaman, may ilan naman na nagugustuhan ang ginagawa ni Willie kay Kris at nagsasabi na bagay naman silang dalawa. Isa pa, walang problema pagdating sa mga anak ni Kris dahil maging sila mismo ay botong boto kay Willie para sa kanilang ina.
Samantala, di naman maiwasan na mayroong mga netizens na hindi gusto si Kris para kay Willie. Masyado daw mabait ang TV host para kay Kris, matulungin sa kapwa, maalalahanin, at totoong may puso sa mga mahihirap hindi tulad umano ni Kris na puro pa-sosyal lang sa buhay. May mga nagsasabi naman na huwag daw umasa ang mga fans ng dalawang personalidad na may relasyon ang dalawa o di kaya ay nililigawan ni Willie kay Kris.

Alam naman natin na talagang malapit na magkaibigan ang dalawa kaya naman marahil ang ipinapakita nina Kris at Willie sa isa’t isa ay talagang close lamang sila.
Ayon naman kay Kris, sinabi niya na napakabait naman talaga ng ‘Wowowin’ host, mapagbigay, matulungin, at mapagmahal sa kapwa.


Tungkol naman sa ipinapakita nitong kabaitan sa dalawa niyang anak, natutuwa lamang daw si Willie na maka-bonding sa mga bata dahil alam naman nating lahat na mahilig sa bata si Willie. Ngunit hindi ibig sabihin na nililigawan na ng TV host ang kaniyang mga anak bago siya.
Aminado si Kris na boto ang kaniyang mga anak kay Willie ngunit para sa kaniya ay hanggang mag-kaibigan lang sila ng TV host at ganoon din daw ang iniisip Willie.

Natatawa na lamang din daw sila minsan kapag may nagsasabi na sila ay may relasyon. Ayon pa kay Kris, huwag pag-isipan ng kung ano ano ang ginagawa o ipinapakitang kabutihan ni Kris sa kaniya at sa kaniyang dalawang anak.
The post Willie Revillame, sinabing hindi niya itutuloy ang pagpasok sa politika! Alamin kung bakit appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments