Ang ating mga OFW ay maituturing din nating mga bayani dahil sa kanilang pagsusumikap na maitaguyod ang kanilang pamilya upang maiahon sila sa kahirapan. Bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang kwento kung paano nila nalalagpasan ang hirap ng buhay na mawalay sa kanilang mga pamilya. Kaya naman maswerte ng maituturing ang iba kung makatagpo sila ng mababait na amo.
Katulad na lamang ng nangyari sa OFW Pinay sa Hongkong na si Daisy Bucad-Eng na mula pa sa Mountain Province. Siya ay dating tindera lamang ng asin bago siya nagtrabaho sa ibang bansa upang maitaguyod ang kanyang pamilya sa kahirapan. Sinong mag-aakala na ang kanyang pagsusumikap na magtrabaho sa ibang bansa bilang isang katulong ay mauuwi sa isang pangyayaring magpapabago ng kanyang buhay.
Dahi napakaswerte niyang makatagpo ng isang among mabait na pinamanahan siya ng ari-arian nito na apartment building at stocks na nagkakahalaga ng Php25 million. Ito ay pinamana umano kay Daisy ng kanyang namayapang amo kung kaya’t siya ay naging instant milyonarya. Nagmamay-ari na si Daisy ngayon ng 5-story apartment building, lupain, bahay, alahas at pera.
Hindi aakalain ni Daisy na magbabago ang kanyang buhay mula sa pagiging hikaos naging sagana na ang kanilang buhay. Ayon kay Daisy, 16 na taong gulang lamang siya ng siya ay nag-asawa at nagka-anak. Para kumita siya ng pera noon ay nagtinda siya ng asin sa Besao, Mountain Province.
Ibinahagi niya ang kanyang kwento sa isang episode ng ‘Kapuso Mo, Jessica Soho. Aniya pa, “Yung mga taga-Benguet ba talagang matakaw sila sa asin. Kasi isa pa, sa mga baboy nila, sa mga baka.” Kumikita lamang umano siya ng Php100 hanggang Php300 kada araw sa pagbebenta ng asin.Pero dahil sa paghahangad niya na mabigyan ng magandang buhay ang pamilya, nagtungo siya sa Hong Kong para mamasukang katulong.
Pero hindi pinalad si Daisy sa kanyang unang amo, ngunit hindi siya sumuko para sa kanyang mga anak na kanyang nabalitaan na pakalat-kalat na lamang ang mga ito sa kalsada at minsan ay sumasabit pa sa dyip. Hanggang sa nakahanap ng bagong amo si Daisy, isa itong matandang Portuguese na kinilalang si Marie. Pinasahod siya ng 900 Hong Kong dollars o PHP2,700 kada buwan. Pero masaya si Daisy dahil itinuring naman siyang isang kapamilya ng kanyang amo.
Ang matandang Portuguese ay tumangging tumira sa isang home for the aged at nagpaalaga na lang ito kay Daisy. Nang magdesisyong umuwi sa Pilipinas si Daisy, sumama si Marie. Kuwento pa ni Daisy, “Namamasyal kami doon sa Manaoag, lahat ng mga Catholic na simbahan.”
Hanggang sa bawian ng buhay si Marie dito sa Pilipinas noong 2002. Ani Daisy, “Wala na pala. Yung puso niya lumobo.” Halos labing-isang taong pinagsilbihan ni Daisy si Marie.Ang mga labi naman ni Marie ay ipinauwi sa Hong Kong ng kanyang mga kaanak.
Kaya isang araw, may dumating na liham para kay Daisy na magpapabago sa kanyang kapalaran. Ito ang last will and testament ni Marie, kung saan nakasaad na kasama si Daisy sa kanyang mga pinamanahan. Isa na nga rito ay ang isang apartment na nagkakahalaga ng Php25 million.
Pagbabalik-alaala pa ni Daisy, “Yung mga stocks sa iba-ibang company.”
“Dinala kami sa executive room. Well-treated kami doon.”
Hindi makapaniwala si Daisy sa nangyari sa kanya, at nang makuha ni Daisy ang kanyang mana, nagpatayo siya ng five-storey building na may penthouse sa Mountain province. Ang kanyang penthouse ay may mga transient homes, gym, at for rent spaces for commercial establishments, at events place for rent. Mababakas sa building ni Daisy ang kultura at tradisyon ng kanyang pinanggalingan dahil maging ang mga furniture ay inspired by the Igorot culture.
Ika pa niya, “Talagang ginawa ko talaga iyon para ma-picture out ko yung pinanggalingan ko.” Ang kanyang kusina naman ay may hanging garden, “Nature lover kasi ako kaya gusto ko yung mga halaman sa paligid ko.”
Ngunit para kay Daisy hindi lamang ito basta ari-arian dahil ito ang pinagpaguran ng kanyang amo sa loob ng mahabang taon. Kaya ito ay habangbuhay niyang pahahalagahan at mamahalin.
Isang maswerteng Pinay, ang binigyan ng kanyang amo ng napakaraming pera para sa pag-aaral ng kanyang anak sa kolehiyo at pampagawa ng bahay
Marami sa ating mga kapwa Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa upang mabigyan ng maginhawang buhay ang kanilang mga pamilya.
Sa hangad na makaahon sa kahirapan at maibigay lahat ng mga pangangailangan ng kanilang pamilya, marami sa ating mga kababayan ang pinipiling mangibang-bansa upang doon magtrabaho para kumita ng malaki. Kaya naman halos lahat ng mga Pinoy ay naeengganyo magtrabaho abroad, ngunit malaki man kinikita hindi naman lahat ng mga pumupunta doon ay nagiging maganda ang kapalaran.
Pero sa kabila bandang, mayroon pa rin namang mapapalad na mga OFW na nakakaranas ng maganda mula sa kanilang mga amo.
Katulad na lamang ng isang Pinay OFW sa Dubai, UAE na nakilalang si Avelina dahil sa swerteng naranasan niya mula sa kanyang amo na si Alex Hirschi. Si Alex ay isang Youtube vlogger sa kanilang bansa, ayon sa kanya sobrang proud siya sa kanyang kasambahay dahil ganoon na lamang ito pahalagahan ang kanyang trabaho para maitaguyod ang kanyang pamilya.
Batid din niyang nag-iipon si Avelina ang malaking pera para sa pagkokolehiyo ng kanyang anak at para na rin sa pampatayo ng kanilang bahay sa Pilipinas.
Kaya naman sa naging vlog ni Alex, sinurpresa niya si Avelina dito inabutan niya ito ng boquet of flowers at may kasamang isang maliit na box. Laking gulat naman ni Avelina ng bigyan siya ng kanyang amo ng ganitong sorpresa, kaya naman nang buksan niya ito tumambad sa kanya ang napakalaking halaga at ang nasabi niya na lamang ay, “I’m a millionaire sir!”.
Saad pa ni Alex, “This is enough money to send your son to college or to help you build the house that you want back home when you retire.”
Sa naturang vlog din na ito, masayang ibinahagi ni Alex kung gaano siya nagpapasalamat sa kanilang Yaya Avelina.
Payahag pa ni Alex, magtatatlong taon na umanong nagtatrabaho sa kanila si Avelina at talagang maaasahan ito sa lahat ng bagay tulad ng paglilinis ng opisina, pagluluto, at maging pag-aalaga ng kanyang mga aso sa tuwing umaalis sila.
“I just want to say she means so much to me. I couldn’t do what I do today without her,” sabi pa ni Alex.
“She is so integral to the Supercar Blondie family,” ika pa niya.
Halos maiyak naman si Avelina sa naging regalo sa kanya ng kanyang amo at labis ang kanyang pasasalamat dahil sobrang malaking tulong na ito para sa kanyang pamilya. Kaya naman mas pagbubutihin pa ni Avelina ang kanyang pagtatrabaho sa kanyang amo, upang matumbasan ang kabutihang ginawa nito para sa kanya at sa kanyang pamilya.
Larawan Ng Isang Katulong Na Nakatingin Habang Kumakain Ang Kaniyang Amo, Humabag Sa Mga Netizens!
Ikinadur0g ng puso ng maraming netizens ang larawan ng isang katulong kung saan makikita na pinapanood lamang nito ang kaniyang mga amo na kumakain sa isang restaurant.
Sa post na ibinahagi ng netizen na si Cey Budomo sa kaniyang Facebook account, makikita ang isang babae na nanonood sa kaparehas na table kung saan kumakain ang pamilya na kaniyang pinagsisilbihan na tila ba siya ay naghihintay na matapos ang mga ito sa kanilang pagkain.
Ayon kay Cey, isang matanda mula sa pamilya ang tumawag sa katulad ngunit sa halip na alukin o bigay nito ng pagkain na kaniyang makakain, inilagay pa nila ang tissue at plastic bag sa harap nito at hinayaan lamang siya nito na panoorin sila sa kanilang pagkain.
Sa g4lit ni Cey, sinabi niya na dapat ay hindi na dinala ng pamilya ang katulong kasama nila sa mall kung hindi naman sila handa na bilhan ito ng kahit anong pagkain. Dagdag pa ni Cey, ang katulong ay tao din naman at dapat na tratuhin ng tama.
Samantala, naging viral naman sa social media ang nasabing larawan at umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens. May ilan na sumasang-ayon kay Cey. Ang ilan naman na katulong sa loob at labas ng bansa ay ibinahagi din na ito ang nakakalungkot na katotohanan sa kanilang trabaho.
Marami ding netizens ang nagsasabi na ang pagtrato ng mga amo sa kanilang katulong ay dapat ng magbago. Dapat sila ay maging mas mabait at mahabagin sa kanila dahil sila ay tao din katulad nila.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:
“this kind of employers must be pun1shed..And God never sleep…Karma always find a way.”
“She is a human with flesh and bones. The Lord Jesus said; What ever youve done to the least of your brothers you have done it to me. Wait for your karma in your life. What you sow is what you reap.”
The post Isang OFW na Pinay sa Hongkong, pinamanahan ng mahigit PHP25M na ari-arian ng kanyang amo! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments