Looking For Anything Specific?

Batikang Showbiz Insider, Naniniwalang Mananalo Si Coco Martin Kung Tatakbo Ito Sa Eleksyon Sa Susunod Na Taon

Naniniwala ang isang batikang host at writer na may karapatan ang aktor na si Coco Martin na tumakbo sa eleksyon sa susunod na taon.

Sa isang article, kinumpara ni Lolit si Coco sa ilang mga aktor na sinubukan na pasukin din ang pagpo-politiko at naging matagumpay katulad ni Senator Lito Lapid na dating action star.

Aniya,

“Kung gusto ni Coco Martin na tumakbo sa election sa kahit ano pang posisyon, karapatan niya Salve. Iyon sinasabi na pinipilit siya ni Lito Lapid, kung tutuo, bakit hindi niya subukan. Si Lito Lapid ang puwede niyang gawin malaking example para magkaruon siya ng lakas ng loob. Mula sa pagiging stuntman, extra, action star, ngayon isa ng Senador.”

 

Dagdag niya pa,

“Kung nagawa ni Lito Lapid, bakit hindi magagawa ni Coco Martin ? Kung anuman ang dahilan ng mga tao na iboto si Lito Lapid iyon din ang puwede maging reason para manalo si Coco Martin.”

Pinaliwanag pa ni Lolit na ang ang party-lists na in-endorso ni Coco at ng kaniyang show na Ang Probinsyano ay nanalo noong eleksyon kaya naniniwala siya na mataas din ang tyansa na manalo ang aktor sa eleksyon.

 

Saad ni Lolit,

“Sa tagal ng Probinsiyano sa ere, magkaruon nga ng 2 Party List na parehong nanalo sa election, iyon mismo pang si Coco Martin ang hindi mananalo. Sureball na sa dami ng mga nanuod ng Probinsiyano, sa naging tatak nito sa utak ng manunuod , tiyak na matatandaan nila ang pangalan Coco Martin isulat sa balota.”

Pagpapatuloy niya,

“In fairness, kahit sa mga kasamahan niyang artista mabango ang pangalan ni Coco Martin. Marami siyang naging kaibigan kaya siguro marami din ang nagbibigay lakas loob sa kanya. So kung gusto niya tumakbo, go go Coco Martin. Karapatan mo iyon.”

Si Coco ay isa sa mga kilalang aktor ngayon sa Pilipinas dahil sa kaniyang palabas na Ang Probinsyano na naka-ere sa telebisyon ng ilang taon na.

Sa ngayon ay wala pa namang opisyal na pahayag si Coco tungkol sa pagsali niya sa politika.

Julia Montes, kinagiligan ng makitang mahigpit ang pagkakayakap kay Coco Martin habang namamasyal sa Oriental Mindoro

Patuloy sa pagbibigay kilig ang rumored couple na sina Julia Montes at Coco Martin.

Kamakailan nga ay sinimulan na nila Coco at Julia ang taping ng kanilang movie comeback sa Pola, Oriental Mindoro.

Kaya naman nagsulputan na ang mga litrato at videos ng dalawang matagal ng nali-link na in a relationship na.

Sa Instagram ng kanilang fan account ay ilang litrato na kuha sa set ng kanilang pelikula ang ibinahagi.

Kung saan makikitang napaka-sweet talaga nina Coco at Julia sa isa’t-isa.

 

 

May kuha din na binansagan pa ang dalawa na “rooftop lovers” dahil nasa rooftop na magkatabing nakaupo ang dalawa.

At sa mga bagong larawan at video na ibinahagi ng kanilang mga fans ay lalo kinilig ang CocoJuls fandom.

Ito ay dahil sweet na sweet ang dalawa habang angkas ni Coco si Julia sa ATV at enjoy na enjoy sila sa pamamasyal.

 

May mga kuha pa na kapit na kapit si Julia sa bewang ni Coco na talaga namang kinagiliwan ng kanilang mga tagahanga.

At tila terno pa ang suot na sumbrelo ng dalawa, saad na ng ilan ay lantaran na talaga ang dalawa. Dahil patuloy sila sa pagbibigay kilig.

As we all know ay matagal nang nali-link sina Julia at Coco at hanggang ngayon ay wala pang official na pag-amin ang dalawa.

The post Batikang Showbiz Insider, Naniniwalang Mananalo Si Coco Martin Kung Tatakbo Ito Sa Eleksyon Sa Susunod Na Taon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments