Looking For Anything Specific?

Isang OFW, sobrang nasurpresa matapos malamang iniipon pala ng kanyang mister ang mga perang pinapadala nito

Mahirap malayo sa pamilya para lang kumita ng pera.

Ito ang araw-araw na buhay ng mga Overseas Filipino Worker (OFW) sa ibang bansa. Karamihan sa kanila ay napilitang iwanan ang mga pamilya sa paghahangad na mabigyan sila ng mas maayos na buhay.

Katulad na lamang ni Rodelyn Fortes na isang OFW sa Kuwait.

Buwan buwan siyang nagpapadala ng kanyang sahod sa kanyang asawa at mga anak na naiwan dito sa Pilipinas. Pero walang kamalay-malay si Rodelyn na may malaking tulong pala na ginagawa ang kanyang mister.

Si Rogelio Fortes, ang asawa ni Rodelyn ang naiwan dito sa Pinas para alagaan ang kanilang mga anak.

Pero sa halip na gastusin ang pera na pinapadala ng kanyang asawa mula sa Kuwait, ay inipon pala niya ang mga ito.

Kaya ganoon na lamang ang pagka surpresa ni Rodelyn nang malaman niya ang ginawa ng kanyang asawa.

“Ang ginawa ko para makatulong ako sa asawa ko, nagpursige akong mag-ipon. Lahat ng ipinapadala ng misis ko imbes na bawasan ko dinadagdagan ko pa kasi nga nag- store ako,” pagbabahagi ni Rogelio.

Bukod pa dito, nadagdagan pa ang kanilang ipon dahil may extra na kinikita si Rogelio mula sa pagtitinda.

“Hindi ko lubos maisip na ganun ang maiipon nya kasi magkano lang naman ang sahod ko doon sa Kuwait,” ani ni Rodelyn.

Nakapag pagawa na din sila ng sarili nilang bahay.

Pinay OFW, ipinakita ang kabaitan ng banyagang amo na hinahapagan sila ng pagkain at sinasabayan silang kumain

Maraming Pilipino ang nagtatrabaho sa ibang bansa upang suportahan ang kanilang pamilya sa Pilipinas. At isa lamang ang pag-iwan sa kanilang pamilya sa maraming sakripisyo na ginagawa ng mga OFW.

Credit: Ashlyn Guiapar Mato Facebook

Para naman sa mga nangingibang bansa para maging isang domestic helper, kinakailangan nila ng kakaibang tapang at lakas ng loob lalo na’t hindi nila alam kung anong klaseng amo ang kanilang pagsisilbihan.

Kaya naman isa sa mga dasal ng lahat ng OFW ay mapunta sila sa isang employer na mabait at may puso para sa kanyang mga kasambahay.

Credit: Ashlyn Guiapar Mato Facebook

Maituturing ngang mapalad ang isang OFW kung mabait ang kanyang employer. Madalas kasi nating marinig sa mga balita ang tungkol sa mga OFW na hindi tinatrato nang maayos ng kanilang amo.

Samantala, umantig sa puso ng maraming netizens ang kabutihan ng isang employer sa kanyang kasambahay na Pilipina.

Viral kamakailan lamang sa social media ang isang TikTok video kung saan mapapanood ang isang banyagang employer na pinagsisilbihan ang kanyang Pinay kasambahay.

Dahil sa good vibes na hatid ng nasabing video na inupload ng TikTok user na si @hamad66677, kaya naman ini-repost ito ng isang netizen na isa ring OFW sa Saudi na si Ashlyn Guiapar Mato sa kanyang Facebok account.

Credit: Ashlyn Guiapar Mato Facebook

Sa caption ay nagpasalamat si Ashlyn dahil mabait din umano ang kanyang amo sa kanya tulad ng lalaking amo na mapapanood sa video.

“MashaAllah ganito amo ko saken swerte mo pag ganito amo mo” caption ni Ashlyn sa kanyang post.

Base naman sa mga komento ng ilang netizens, vlogger at chef umano ang lalaking mapapanood sa video na pinagsisilbihan sa hapag-kainan ang kanyang kasambahay.

Credit: Ashlyn Guiapar Mato Facebook

Kung dadalawin naman ang TikTok account ng nasabing user, makikitang marami pa itong video na inupload kung saan ay mapapanood na pinagsasandok niya ng pagkain ang kanyang kasambahay maliban sa kanyang anak.

Dahil sa ipinakitang kabaitan ng employer sa kanyang kasambahay kaya naman umani ito ng maraming paghanga sa mga netizen.

Credit: Ashlyn Guiapar Mato Facebook

Ayon pa sa maraming netizens, napakaswerte na ng isang OFW kapag nakatagpo siya ng isang mabait na among tatratuhin siya nang tama kagaya ng ipinakita ng nasabing employer sa video. Hindi rin maiwasan ng maraming netizens na hilingin na sana ay mas dumami pa ang mga amo na mababait sa kanilang mga kasambahay.

The post Isang OFW, sobrang nasurpresa matapos malamang iniipon pala ng kanyang mister ang mga perang pinapadala nito appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments