Trending ngayon sa social media ang naging kumpetisyon ng pinakaaabangan na Miss Universe Philippines 2021.
Isa sa mga nangibabaw na kandidata ngayon ang first timer sa national beauty pageant na si Kisses Delavin.

Hindi man pinalad na masungkit agad ang korona, nag uwi naman ng apat na special awards si Kisses— Miss Photogenic, Miss Universe Lazada Philippines, at Miss RFox Philippines.

Pero hindi naiwasan ng Top 10 finalist na maging emosyonal backstage pag tapos hindi makapasok sa Top 5.

Sa isang video na ibinahagi ng isang fan page, makikita si Kisses na nagpapasalamat sa mga staffs ng Miss Universe Philippines.

“Thank you. Sobrang pinadali nyo yung buhay namin dito,” naiiyak na sabi ng representative ng Masbate.

Maririnig naman ang mga staffs na kino-comfort si Kisses at pinapalakas pa din ang loob sa kabila ng pagkabigo nito.

Simula pa lang sa kanyang Pinoy Big Brother journey, very vocal na ito na gusto niya maging beauty queen. Suki siya ng mga beauty pageants sa kanyang paaralan at lugar noon.

Samantala, maraming naghayag ng suporta kay Kisses na nakitaan siya ng pagpupursige na gusto talagang makuha ang korona.
Isa dito si Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na nagpakita ng suporta sa kanyang social media.
Miss Universe PH 2020 na si Rabiya Mateo natapilok sa stage ng coronation night, tumayo ng may class

Fall seven times stand up eight ang peg ni Miss Universe PH 2020 na si Rabiya Mateo.
Naganap kagabi, September 30, ang coronation night para sa Miss Universe PH 2021 na ginanap sa Bohol. Si Miss Cebu City Beatrice Luigi Gomez ang itinanghal na bagong may-ari ng korona.
Ngunit bago pa man ang interesting moment sa pageant ay nagkaroon ng segment para kay Rabiya Mateo. Bilang tribute sa huling taon niya bilang Miss Universe PH holder.

Sa nasabing segment ay nagbalik tanaw ang prestigious pageant sa naging journey ni Rabiya mula nang manalo siyang Miss Universe Philippines noong 2020 hanggang sa ni-represent niya ang bansa sa Miss Universe 2020.

Habang naglalakad papunta sa stage ay bigla na lamang nadulas at napaluhod si Rabiya. Ngunit bilang isang professional beauty queen ay tumayo ito ng may class pa din.

Kitang cool na cool ang dalaga sa kanyang pagtayo at sinabi pang, “Once you fall, you have to stand up.”

Maraming netizens naman ang pinuri at pinagkatuwaan ang nangyaring ito kay Rabiya. Kaya trending siya sa Twitter kagabi.

Saad nga ng isang netizen, “QUEEN, LAST NIGHT MO NA BILANG MUPh 2020 BA’T NAMAN NATAPILOK?! HAHAHAHAHAH BUTI NALANG GANDA MO”
Paglalahad pa ng isa pang netizen, “Yung last walk mo na natapilok ka pa”
“It did not make you less as a Miss Universe PH 2020 Rabiya Mateo! Okay lang yan, tindig agad!”
The post Viral ngayon video ni Kisses Delavin na kino-comfort ng mga staff dahil sa patuloy na pag-iyak matapos hindi palarin sa Miss Universe PH appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments