Ang celebrity couple na sina Jennylyn Mercado at Dennis Trillo ay kanila ng kinumpirma ang kanilang kasal at pagkakaroon ng baby. Sa kanilang naging panayam sa news report ng “24 Oras” noon lamang October 29, 2021 ito ay kanilang ipinahayag na sa publiko.
Saad ng dalawa, “We are getting married!”
Ibinahagi ng aktor ang kanyang naging surprise proposal kay Jennylyn, ayon pa sa kanya gusto lamang niyang maging simple at intimate ang kanilang wedding ceremony kung saan ito ay gaganapin lamang sa kanilang bahay.
Pahayag ni Dennis, “Syempre gusto ko hindi masyado magarbo. Sa panahon ngayon, dapat maging practical. Ginawa kong simple pero heartfelt pa rin.”
Sabi naman ni Jennylyn, “Wala akong idea dahil hindi ako masyado bumababa ng bahay. Pero nung time na ’yun, sinabi sa ’kin ni Dennis kailangan ko daw bumaba dahil may ishu-shoot daw kami parang future message.”
“To our future selves,” dagdag pa niya.
Ika pa ni Jennylyn, “Nagkaroon ako ng kutob nung nagsimula siya magsalita dahil seryoso niya akong kinakausap. ‘Parang may mangyayari ata.”
“Tapos noong nagsalita na siya, naiiyak ako. Kasi ngayon ko lang siya nakitang ganung ka-intense, ka-serious. Tapos lumuhod, nagulat ako bumukas ng pinto.”
Pagkukwento pa ni Dennis, sinabi niyang kung bakit siya sa loob ng bahay nila Jennylyn nag-proposed. Ito ay dahil na rin sa kondisyon ng pagbubuntis ng aktres.
“Sa condition ni Jen, hindi siya makalabas ng bahay dahil may pinagdadaanan na medyo maselan.”
Ayon naman kay Jennylyn, dalawang buwan na daw siya nakakaramdam ng sintomas ng pregnancy habang sila ay nagtataping ng kanyang TV drama series na, ‘Love. Die. Repeat.’
Aniya, “Sa tamang oras, sa tamang panahon, sa pagkakataon na ready ka na siguro, duon siya ibibigay sayo,”
“May 2 boys na kami so sana, sana ibigay samin ang baby girl.”
Maliban sa kanilang kasal at soon-to-be parents, ipinagdiwang din nila Dennis at Jennylyn ang kanilang 7th year anniversary ng kanilang relationship ngayong darating na January 2022.
Jennylyn Mercado, Kompirmadong Nagdadalang Tao Na Kay Dennis Trillo

Pansamantala muna ngayong nahinto ang teleserye ng GMA-7 na “Live. Die. Repeat” dahil sa medical emergency ng isa sa mga bida nito na si Jennylyn Mercado.
Marami ang nag-alala nang malaman na ang medical condition ni Jennylyn ang dahilan kung bakit na-pack up noong nakaraang linggo ang taping ng cast at production crew para sa nasabing programa ng Kapuso network.
Dapat sana ay magtatagal hanggang October 2 ang lock-in taping para sa nasabing serye ngunit nahinto ito nang magkaroon ng emergency situation ang lead star na si Jennylyn.
Ayon sa balita, sinundo umano ng isang ambulansya ang actress upang tignan ang kalagayan nito. Noong una ay natakot pa ang mga staff and crew, maging ang ilang mga cast pagdating ng ambulansya dahil inakala nila na may nag-positive na sa C0VID-19 sa kanilang grupo. Subalit ang positive ay ang pagdadalang tao umano ni Jennylyn.
Ayon sa mga lumabas na balita at blind items, nagkaroon umano ng spotting ang actress kaya kinakailangan tignan ang kaniyang kalagayan at pinayuhan na magpahinga na lamang muna.
Hindi daw muna ipinaalam ang tunay na kalagayan ni Jennylyn sa buong staff at crew. Sinabihan lamang sila na pack up na ang taping at may aayusin lang sa mga script. Inaasahan ng mga artista at production staff ng programa na malalaman nila sa linggong ito sa desisyon ng management tungkol sa pagpapatuloy ng kanilang trabaho para sa nasabing palabas.
Ten-week miniseries ito ng Kapuso Network at nakatakdang ipalabas sa first quarter ng 2022.
Sina Jennylyn at Xian Lim ang mga lead star ng Love. Die. Repeat.
Noong September 6, kapwa nag-post ang dalawa sa kanilang Instagram Stories ng video ng pagsisimula ng taping nila.
Si Irene Villamor ang direktor ng Love. Die. Repeat. Co-stars nina Xian at Jennylyn dito sina Myrtle Sarrosa, Gardo Verzosa, at Mike Tan.
Ang Love. Die. Repeat. ang unang project ni Xian sa Kapuso Network, at follow-up project ni Jennylyn sa Philippine adaptation ng Descendants of the Sun na ipinalabas sa GMA-7 mula February 10 hanggang December 25, 2021.
Samantala, kalat naman ngayon sa social media na may mahalagang iaanunsyo ang celebrity couple na sina Jennylyn at Dennis Trillo. Isa umano itong good news na talagang ikatutuwa ng kanilang mga fans. Marami ang humuhula na ihahayag na nila sa publiko ang pagdadalang tao ng actress.
Taong 2010 nang maging magka-relasyon sina Jennylyn at Dennis. Ngunit makalipas ang isang taon ay nagkahiwalay din sila noong 2011. Muli silang nagkabalikan noong 2015. Sa ngayon ay 33-year-old na si Jennylyn habang 39 naman si Dennis. Mayroon na din silang tig-isang anak sa mga dating naka-relasyon.
The post Jennylyn Mercado at Dennis Trillo, kinumpirma na ang kanilang kasalan at pagiging soon-to-be parents! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments