Looking For Anything Specific?

Aktres, May Binunyag Tungkol Sa Kaniyang Dating On Screen Partner Na Si Dingdong Dantes Na Ikinagulat Ng Marami

Ipinagtapat ng aktres na si Tanya Garcia ang kaniyang karanasan noong naging karelasyon niya ang kaniyang longtime on-screen boyfriend na si Dingdong Dantes.

Sa isang vlog na ibinahagi ni Carmina Villaroel sa kaniyang YouTube channel, ibinahagi ni Tanya at ng kaniyang “Bawiin Ko Ang Lahat” co-star na si John Estrada ang kanilang mga karanasan sa pagtapak sa industriya ng showbiz.

Dito na nga inamin ni Tanya dahil sa kaniyang busy schedule noon kasama si Dingdong ay hindi niya maiwasan na humanga sa aktor ngunit walang namuong relasyon sa pagitan nilang dalawa off-cam.

 

Saad ni Tanya,

“May ano naman siya… (Girlfriend.)”

Tanong naman ni Carmina,

“Pero walang spark? Di niyo naging crush yung isa’t isa?”

Pag-amin ni Tanya,

“Actually, siyempre pag kasama mo naman almost everyday; kasi kahit wala namang taping, siyempre magiging crush mo rin eh.”

Dagdag niya,

“Acting kayo ng acting 24/7 na asawa mo or boyfriend mo, imposible(ng) hindi mo magustuhan. It’s just that during that time talaga, I’m friends with Toni (Antoinette Taus, Dingdong’s ex-gf) kasi, before she left, nag-usap kami.”

 

Pagpapatuloy ni Tanya,

“Pero siyempre, gusto ko si Dong! I mean na-katrabaho ko siya eh.”

Maririnig naman na pahayag ni Carmina,

“It’s just an admiration.”

Pagsang-ayon naman ni Tanya,

“Ganun lang, pero kasi nga I respect their relationship, I know their relationship.”

 

Ngayon ay isa ng maybahay si Tanya sa asawa na si Mark Lapid at proud mother sa kaniyang tatlong anak.

Ngunit, noong tanungin kung nais niyang sundan ng kaniyang mga anak ang kaniyang yapak sa showbiz industry, inihayag ng aktres ang kaniyang opinyon tungkol dito.

Hindi lamang hiling ni Tanya na makapagtapos ng kolehiyo ang kaniyang mga anak, ngunit nais din niya na gumawa sila ng sariling pangalan sa industriya ng showbiz sa halip na sundan ang yapak ng kanilang mga magulang.

 

Aniya,

“Siyempre, tayo naman, as much as possible, gusto nating ibigay lahat ng puwede nating ibigay sa mga anak natin. Pero, siyempre, gusto rin naman nating makaranas naman sila ng kahit konti lang na paghihirap. para kapag nakuha nila ang success, masarap, kasi pinaghirapan nila.

“Hindi iyong isi-serve mo lang agad sa kanila in a silver platter. Parang, ‘Okay yan, hayan na, pasok ka na, kasi ang magulang mo nasa showbiz.'”

Dingdong Dantes, Isa Ng Ganap Na Liutenant Commander sa Philippine Navy Reserve Force

Karamihan sa mga artista ngayon ay nagkakaroon sila ng kanilang ibang propesyon bukod sa kanilang pagiging artista. Ito ay marahil ang kanilang pagiging artista ay hindi panghabambuhay kaya kinakailangan pa rin nilang magkaroon ng isang propesyon na maituturing na diplomang panghahawakan.

Ang iilan sa kanila ay nakapagtapos na ng pag-aaral samantala ang iba naman sa kanila ay hindi pa nakakapagtapos sa kanilang pag-aaral kung kaya’t habang silang nagtatrabaho bilang artista tinatapos nila ang kursong kanilang ninanais na makamit.

Katulad na lamang ng GMA best actor na si Dingdong Dantes na kamakailan lamang ay kanyang nagawang matapos ang kanyang training sa Philippine Navy kung kaya’t ito ay isang ganap nang opisyal ng hukbo.

Ngayon, ay isa na sa mga itinuturing na bayani si Dingdong ng kanyang pamilya at ng sambayanang Pilipino dahil isa na siyang ganap na Lieutenant ng Hukbong-dagat ng Pilipinas.

Ang kaganapan itong ay ibinahagi mismo ng kanyang asawang si Marian Rivera sa kanya mismong social media account. Dito makikita ang mga larawan kung saan siya ay itinatalaga ng ganap na miyembro ng Philippine Navy.

Ayon sa post ni Marian, “Lieutenant Commander Jose Sixto G. Dantes III PN (Res). Super Proud of you my husband. Salute!” Kitang-kita sa mga larawang kanyang ibinahagi kung gaano kasaya ang kanilang buong pamilya sa natamo nitong tagumpay.

Ito ay siguradong pinaghirapan ni Dingdong jat talagang hindi biro ang kanyang pinagdaanan upang makamit ang lahat ng ito. Sa kabila ng kanyang mga tagumpay sa buhay at naipon na ari-arian sa kanyang pagtatrabaho bilang artista, ginawa niya pa rin ang bagay na ito upang makapagserbisyo sa bayan.

Tunay nga na ang iilan sa ating mga tao ay kontento na sa kung anong meron tayo at hindi na naghahanap ng ibang daan upang mas palawakin ang ating kaalaman at kakayahan sa ibang bagay. Ngunit, may iba naman na nanaisin pa na mas palawigin at diskubrehin ang iba pang mga bagay na kanilang maaari pang matutunan habang sila ay nabubuhay.

The post Aktres, May Binunyag Tungkol Sa Kaniyang Dating On Screen Partner Na Si Dingdong Dantes Na Ikinagulat Ng Marami appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments