Looking For Anything Specific?

Julia Barretto, nagbigay ng reaksyon tungkol sa relasyon ng kaibigan na si Marco Gumabao at Ivana Alawi

To the rescue si Julia Barretto sa mga nang-iintriga sa lovelife ng kaibigan niyang si Marco Gumabao.

Kamakailan nga lamang ay nag-viral ang video ni Marco at ng sikat na vlogger na si Ivana Alawi. Kung saan makikitang sweet sila sa isa’t-isa habang nasa isang KTV Bar.

Kita rin sa isang video na nakahawak ang aktor sa hi’ta ng s’exy actress. Makikita sa naturang video na nagkakasiyahan. At nagkakantahan ang dalawa kasama ang ilan pang mga kaibigan.

Kaya naman sa ginanap na virtual presscon para seryeng Di Na Muli ay naitanong kay Marco ang tungkol dito.

Nang tanungin si Marco Gumabao kung inspirado ito ngayon, sumagot siya ng “Lagi naman akong inspired. Yes, I’m inspired.”

Dahil dito, inakala ng ilang miyembro ng entertainment press na may kinalaman si Ivana sa sagot ng aktor.

Samantala, walang kaalam-alam si Julia sa isyung kinasasangkutan ni Marco. Pero naging maagap siya sa pagsasalita. Para hindi na malagay ang kanyang kaibigan sa alanganing sitwasyon.

Ayon kay Julia, “I’m sure si Marco will talk about it when he’s ready to talk about it.

“I think everyone is still in shock and he’s still overwhelm. Kasi si Marco is the type of guy na kapag private life niya, gusto niya private lang.”

“We’ve been friends for eight years now I think I can tell Marco really likes a girl. I know when Marco is actually going to pursue a girl I know that because I know how he behaves when he’s in love.

“I know how he starts acting like he’s in love. But I also know Marco when he’s unsure. I also know Marco when he’s nervous. I also know Marco when he’s afraid,” ang pagsalo ni Julia tungkol sa lovelife ng kaibigan.

Marco Gumabao at Ivana Alawi, umagaw ng atensyon ngayon matapos makitang magkasama at sweet sa isat-isa

Marco Gumabao at Ivana Alawi magkarelasyon na nga ba?

Iyan ang tanong ng maraming netizens ngayon dahil sa viral video nina Ivana at Marco na sobrang sweet sa isa’t-isa.

Sa Instagram stories ng isang Ann Murphy, makikita ang get together nilang magkakaibigan. Nagkakantahan sila at nagiinuman sa tila isang private club.

Makikitang magkatabi sina Ivana at Marco sa upuan, sa isang video clip na nakapost kitang kita naman na nakahawak si Marco sa hita ni Ivana habang kumakanta ito.

Hindi naman alintan ng dalaga ang paghawak na ito ng aktor. Kaya naman mabilis na hinuha ng mga netizens na baka may relasyon ang dalawa.

Narito ang ilan sa komento ng netizens ukol dito:

“Friends lang sila. Sure ako.”

“Yiee! Bagong loveteam!”

“Chipipay talaga c ivana”

“Cute sila if sila”

“nakasulat ba yan sa diary ni ano”

Samantala, hindi ito ang unang pagkakataon na na-link sina Ivana at Marco.

Biglang sumulpot at nabuo ang ‘MarVana’ pinagsamang Marco at Ivana sa mismong IG ng aktor.

Sa photo sa IG ay topless si Marco, naka-shorts at may na glass of wine habang nasa gilid ng swimming pool. Dati na itong ginagawa ng aktor, pero dahil kay Ivana ay umabot na sa kulang-kulang 150,000 ang mga like at mahigit 1,800 ang mga komento.

Ang dahilan, bigla nga kasing nag-comment ang reyna ng YouTube na si Ivana sa IG post na `yon ni Marco.

 

“Asan credits ng photog?” sabi ni Ivana.

“Excuse me like muna bago comment. @kimawesome111, di ba?” sagot naman ni Marco.

Meaning, magkasama ang dalawa noong mga oras na `yon. At si Marco nga ba ang sinasabing masugid na manliligaw ni Ivana ngayon?

The post Julia Barretto, nagbigay ng reaksyon tungkol sa relasyon ng kaibigan na si Marco Gumabao at Ivana Alawi appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments