Looking For Anything Specific?

Ivana Alawi, nadulas sa interview ng aminin na nagkaka-usap na sila ni Joshua Garcia ‘as a friend’

Kinikilig na inamin ni Ivana Alawi na nagkaka-usap sila ng Kapamilya actor na si Joshua Garcia.

Hindi naman kaila sa publiko na ultimate crush ni Ivana si Joshua. Nabunyag ito ng na-prank siya ng kaniyang pamilya bilang selebrasyon ng kaniyang 2nd anniversary sa YouTube.

Isa na nga sa mga pakulo ng kapatid niyang si Mona ay ang compilation ng video greeting ng mga malalapit na kaibigan ng aktres pati na rin ang crush nito na sina Joshua Garcia at Liza Soberano.

Bahagi ng message ni Joshua kay Ivana: “Follow me on Instagram! Kidding aside, I just hope you and your family are safe.”

Kaya naman ng makapanayam si Ivana ni Ogie Diaz, isa si Joshua sa naging topic ng kanilang pag-uusap.

Tinotoo ang pag-follow nila sa isa’t isa dahil inamin ni Ivana na may direct messaging (DM) sila ni Joshua sa Instagram.

Pero wala pa sila sa getting to know each other stage or any romantic relationships. Nag-uusap daw sila paminsan as a friend.

Sa mga binitawang pahayag ni Ivana, halatang ope siya niya kung sakaling ligawan siya ni Joshua.

Tanong ni Ogie, bakit “fanatic” si Ivana kay Joshua gayong may pangalan din naman siya?

Sagot naman ng sikat na vlogger, “Para sa akin kasi, I’m a normal person. Meron akong mga crush, meron akong girl crush, and marami akong hinahangaan. Normal sa akin.”

Naibahagi din ni Ivana na isa si Joshua sa pinapangarap niyang makatrabaho in the near future. Inamin din niya na hindi pa sila nagmi-meet in person.

Inisa-isa din ni Ivana ang mga nagustuhan niya kay Joshua.

“Cute yung mukha. At saka mabait siya. Nakita ko parang family-oriented, pero hindi ko masabi kasi hindi ko pa nami-meet personally.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang kwentuhan:

Hipon Girl, sobrang nabigla ng makatanggap ng Iphone12 mula kay Ivana Alawi sa kanilang YouTube Content

Hindi mailarawan ang sayang nadarama ni Herlene ‘Hipon Girl’ Budol sa sorpresang ibinigay sa kanya ni Ivana Alawi.

Naging guest ni Ivana Alawi si Herlene sa kanyang latest vlog. Kung saan kasabwat niya pa ito para i-prank ang kapatid niyang si Hashim.

Marami pa nga ang humanga sa galing ni Herlene umarte sa prank na ginawa nila dahil paniwalang paniwala si Hash.

Gumawa kasi ng challenge sina Hash at Ivana na kukuha ng phone numbers ng mga random people na kunwari’y makakasalubong lamang nila sa Bonifacio High Street.

Naging matagumpay naman ang unang part ng challenge. Subalit nagkunwaring nagutom si Ivana at nag-ayang kumain.

At naroon nga si Herlene sa resto na kanilang pinuntahan para maging kasabwat sa prank na gagawin ni Ivana sa kapatid.

Tinuro ni Ivana si Herlene kay Hash at sinabing pwede din nitong kuhain ang number ng dalaga. Nilapitan nga ni Hash si Hipon Girl na hindi niya agad nakilala dahil umano sa wig na suot nito.

Hindi lang din numero ang nakuha ni Hash kay Herlene, dahil nakipagkwentuhan din ito sa kanya. Subalit nang biglang dumating pa ang isang kasabwat na si ‘Kelly’ na nagkunwari naman boyfriend ni Hipon Girl, doon na nagsimula ang animo’y totoong alitan.

Nang umaalma na si Hash para ipagtanggol ang kapatid, doon na nila isiniwalat na ‘prank’ lamang ang makapigil hiningang eksena.

Sa huli isang sorpresa naman na binigyan ni Ivana si Herlene ng brand new Iphone 12 na ikinabigla ng huli.

Nagbiro pa nga si Herlene na saktong-saktong ang pagbibigay ni Ivana sa kanya gayung hindi pa bayad ang ginagamit niya ngayong cellphone.

Umani naman ng papuri ang kabaitan at generosity ni Ivana mula sa mga netizens.

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang vlog:

Halaga ng diamond ring ni Ivana Alawi na niregalo sa sarili nagkakahalaga ng P12-Million

The post Ivana Alawi, nadulas sa interview ng aminin na nagkaka-usap na sila ni Joshua Garcia ‘as a friend’ appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments