Looking For Anything Specific?

Kapatid ni Andi Eigenmann na si Stevie naglabas ng ‘patunay’ na nag-sorry na ang kapatid kay Albie Casiño

To the rescue ang kapatid ni Andi Eigenmann na si Stevie Eigenmann sa viral issue ngayon nito kay Albie Casiño.

Usap-usapan nga ngayon sa social media ang tungkol sa dating relasyon nina Andi at Albie. Nakalkal kasi ng mga netizens ang mga naganap noon sa magkasintahan.

Nag-umpisa ito ng magpahayag si Albie ng kanyang saloobin dito bago siya pumasok sa PBB house kamakailan.

Naungkat din ang isyu na hindi umano nag-sorry si Andi kay Albie sa nagawa nito sa aktor. Nasira kasi ang papausbong na career sana noon ni Albie ng biglaang magbuntis si Andi.

Si Albie ang tinuturong ama noon ng dinadala ng dating aktres ngunit kalaunan ay napatunayang hindi pala siya ang tatay.

Sa ngayon ay puro ha’te’ful at ne6ative comments ang natatanggap ni Andi. Kaya naman dinepensahan siya ng kanyang kapatid.

Nagpakita ng pruweba si Stevie Eigenmann na humingi ng tawad ang kapatid na si Andi kay Albie.

Wala mang binanggit na pangalan si Stevie sa kanyang caption sa Instagram Story kahapon, October 30,2021, pero kitang-kita ang pangalang “Albie Casiño” sa screenshot na ipinost ng kapatid ni Andi.

Mababasa sa screenshot ang paghingi ng tawad ni Andi kay Albie sa pamamagitan ng Twitter noong nakaraang taon.

Saad ni Stevie sa kanyang post, “ooops. Acc’iden’tally publicly posted receipts. Happy Halloween weekend no iII will”

Ang “receipts” na binanggit ni Stevie sa kanyang post ay tungkol sa dating conversation nina Albie at Andi.

Mababasa ritong personal na humingi ng tawad si Andi kay Albie nang magkita sila sa isang bar sa Bonifacio Global City ilang taon na ang nakakaraan.

Albie Casiño maanghang ang mga tirada sa ex-girlfriend na si Andie Eigenmann!

Bakas na mayroon pa ring hinanakit si Albie Casiño sa kanyang dating girlfriend na si Andi Eigenmann.

Kamakailan lang maanghang na mga salita ang minutawi ni Albie laban kay Andi. Nang makapayam siya sa Pinoy Big Brother Kumunity Season 10 Kumulitan livestream.

Mahigit sampung taon na rin ang nagdaan. Nang ulanin ng pagbabatikos at naantala ang dapat sana’y pagsikat ni Albie bilang teen star.

Dahil sa unplanned pregnancy ng kanyang noo’y girlfriend na si Andi. Nadawit kasi siya at pinagbintangan ng publiko na siya ang ama ng dinadala ni Andi, na kalauna’y napatunayan na hindi totoo.

Sa kanyang huling Kumu stream bago pumasok sa PBB house, sinagot ni Albie ang tanong ng isang fan na kaugnay ng isyu nila ni Andi.

Ayon sa kanya, hindi na raw niya pagtatakpan ang aktres.

“I don’t care, dude. I think it’s been long enough. It’s okay for me to talk about it. I guess she moved on. So, right, I can finally talk about it now. I don’t mind and I guess I’ll be no holds barred if they ask,” sambit ni Albie.

“I’m kind of tired of covering up for her, bro, you know what I mean? I’m not gonna hold my tongue so you can look good anymore.”

Ibinahagi pa ni Albie na wala siyang natanggap na sorry mula kay Andi nang madawit siya sa kontrobersiya nito.

Gusto raw sana ni Albie na kahit paano ay magrelease ng public apology si Andi dahil siya ang kinondena ng mga netizens noon, pero hindi na lang siya umasa dahil mukhang hindi naman ‘yun gagawin ng kanyang ex.

The post Kapatid ni Andi Eigenmann na si Stevie naglabas ng ‘patunay’ na nag-sorry na ang kapatid kay Albie Casiño appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments