Looking For Anything Specific?

Kilalanin Ang Mga Artista Na Minsang Naging Pulubi At Palaboy Sa Kalsada Matapos Mawala Ang Showbiz Career

Tulad ng sinabi nila, ang buhay ay parang isang gulong. Minsan nasa taas ka at minsan ikaw ay nasa baba. Tulad sa industriya ng showbiz, hindi mo masasabi kung gaano katagal ang ningning ng iyong career at tagumpay na mayroon ka dahil sa hindi inaasahang mga pangyayari at pagbabago.

Katulad ng nangyari sa mga kilalang artista at kilalang personalidad na dating umabot sa tuktok ng tagumpay ngunit dahil sa siklo ng kapalaran ay nahulog sa kahirapan.

Narito ang mga kilalang artista na minsang naging pulubi at nawalan ng tirahan matapos mawala ang kanilang career sa mundo ng showbiz:

Jiro Manio

Si Jiro Manio ay sumikat bilang isang child star dahil sa kanyang husay sa pag-arte. Nakatanggap siya ng iba`t ibang mga parangal para sa kanyang pagganap sa pelikulang ‘Magnifico’ kung saan pinahanga niya ang marami.

 

Ngunit sa kanyang pagbibinata, nagkaroon ng mga masasamang bisy0 si Jiro at napabayaan ang kanyang showbiz career. Noong 2015, naging laman ng usapin sa social media si Jiro matapos mag-viral ang kanyang litrato kung saan makikita siyang gumagala at naglalakad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA). Natulog din diuamno ang dating actor doon ng ilang araw at nanghihingi ng pagkain at pera sa mga taong nakikita niya.

Kaagad naman siyang tinulungan ng kaniyang mga kamag-anak at ilang naging kasamahan sa showbiz.

Angelo Ilagan

Hindi ikinahihiya ng aktor na si Angelo Ilagan ang kaniyang naging kapalaran matapos mawala ang kanyang ningning sa industriya ng showbiz.

 

Si Angelo ay sikat noon bilang isang teen actor at napanood sa maraming mga pelikula at palabas sa telebisyon. Pamangkin din siya ng yumaong aktor na si Jay Ilagan. Matapos mawalan ng proyekto sa showbiz, humarap umano ang pamilya ni Angelo sa matinding hirap dahilan din ng pagkawala ng kanilang tahanan. Naranasan pa raw niyang maglakad at manatili noon sa kalsada.

Matapang niyang inamin sa isang panayam na siya ay naging isang pulubi at sn4tcher sa kalye. Gayunpaman, nagawa naman mapagtagumpayan ni Angelo ang mga hamon na hinarap niya sa kanyang buhay noon at ngayon ay binigyan siya ng pangalawang pagkakataon sa showbiz.

Boy Alano

Naging kalunos-lunos naman ang kapalaran ng dating child star na si Boy Alano. Si Boy ay naging isa sa pinakatanyag na artista sa mundo ng pelikula noong dekada 50. Siya ay gumanap sa iba`t ibang pelikula kasama ang ilan sa pinakatanyag na artista sa kasaysayan ng showbiz. Siya rin ang kauna-unahang Pilipino na nanalo bilang Best Actor sa Asian Film Festival.

 

Masagana ang buhay ni Boy noon ngunit dahil sa tukso ng mga bisyo, unti-unti siyang naghirap. Noong 2008, nag-viral siya online matapos na ibahagi ng isang netizen ang kanyang kondisyon ngayon. Ang isang sikat na artista raw ang gumagala sa kalye at natutulog sa isang garahe.

Lovely Embuscado

Si Lovely Embuscado ay dating contestant ng reality singing competition ng GMA Network. Naging Kapuso aktres si Lovely at napanood sa mga palabas sa GMA-7.

 

Ngunit sa pagdaan ng panahon, biglang humupa ang kanyang career sa showbiz industry at nawala siya sa harap ng camera. Noong nakaraang taon, nakita sina Lovely at ang kanyang mga magulang na nakatira sa kalye.

Ayon sa ulat ng PEP.ph, walang tirahan ang pamilya ni Lovely kaya’t sa kalye lamang sila nakatira. Sila ay nanghihingi lamang din ng pagkain sa simbahan para maibsan ang gutom na nadarama. Tila nawala din sa tamang pag-iisip si Lovely dahil sa d3pression na naranasan niya.

Soliman Cruz

Si Soliman Cruz ay isa sa mga beteranong artista sa mundo ng showbiz. Kaya sino ang mag-aakalang siya ay naging isang pulubi at minsang tumira sa kalye?

 

Noong 2014, naging usap-usapan sa social media si Soliman hindi dahil sa kanyang pelikula kundi dahil palagi siyang nakikita ng mga taong dumadaan sa Roxas Boulevard. Si Soliman ay dating tumira sa kalye at natutulog lamang siya sa boardwalk ng Roxas Boulevard matapos mawala ang kanyang showbiz project at dahil sa pagkakalulong sa dro6a.

Ito Na Pala Ang Buhay Ni Marianne dela Riva Ngayon Matapos Lisanin Ang Showbiz Limelight

Naaalala niyo pa ba si Marianne Dela Riva? Ang isa sa pinakamaganda at kilalang aktres sa showbiz industriy noong 70s at 80s. Ito na ang kaniyang buhay ngayon matapos iwan ang showbiz limelight.

Nagsimula ang showbiz career ni Marianne Dela Riva nang siya ay ma-diskubre ng kilalang fashion designer. Nang siya ay makita ng marami sa ilang mga fashion wall, marami ang kumuha sa kaniya bilang endorser at model ng kanilang mga produkto. Ang kaniyang karera naman bilang model ang siyang naging daan upang siya ay makapasok sa larangan ng showbiz.

Taong 1973, siya ay naging leading lady ng aktor na si Victor Laurel sa pelikula na “Love Song”. Noong mga panahon na iyon ay kasama ang pangalan ni Marianne sa “Manila One of the Prettiest” dahil sa kaniyang taglay na kagandahan. Noong 1974 naman ay kinuha siya sa pelikula na “Imprison Cavite Boy” at gumanap bilang leading lady ni Ramon Revilla Sr. Sa sumunod na taon ay naging kapareha naman niya si Movie King FPJ sa pelikula na ‘Ang Leon at ang Daga”.

Muli siyang kinuha ni FPJ bilang kaniyang leading lady sa palabas na “Tutubing Kalabaw Tutubing Karayom” noong 1977. Maliban kay FPJ at Ramon Revilla Sr., siya ay isa din sa mga in-demand leading lady noong 70s at 80s ng ilang mga action stars. Kagaya nina Lito Lapid sa pelikula na “Zigomar” (1984), Rey Malonzo sa “Komander 45” (1987), Rudy Fernandez sa “Anak ng Tondo” (1985), Philip Salvador sa “Delima Gang” (1989), Eddie Garcia sa “Mayor Latigo” (1981), Dante Barona sa “Caring Estrabet”, at marami pang iba.

Bukod sa pagiging leading lady, si Marianne ay isa din sa mga maituturing na favorite cover girl ng mga comis at magazines at kahit ang ilang mga kilalang fashion magazines noon.

Taong 1977 nang makuha ni Marianne ang bidang role sa kaniyang kauna-unahang series, ang “Gulong ng Palad”. Ang nasabing teleserye ay umabot ng walong taon mula 1977 hanggang 1985. Sa “Gulong ng Palad”, gumanap si Marianne bilang si Luisa habang si Ronald Corveau naman ay gumanap bilang si Carding. Ang nasabing teleserye ang naging daan para sa romantikong relasyon sa pagitan nina Marianne at Ronald. Nagpakasal ang dalawa noong 1979 at biniyayaan ng dalawang anak na babae.

Ngunit sa kasamaang palad ay naghiwalay din ang dalawa matapos ang ilang taong pagsasama. Huling nakita sa telebisyon si Marianne noong siya ay gumanap sa Panday series ng ABS-CBN noong 2005.

 

Matapos nito ay lumipat na si Marianne sa Amerika kung saan niya nakilala ang taong nagbigay kasiyahan at kulay sa kaniyang buhay. Ito ay walang iba kundi si Oscar Ortiz, isang doktor. Ang dating aktres at kaibigan ni Marianne na si Edna Diaz ang nagpakilala sa kaniya ng doktor.

Kalaunan ay nagpakasal din sina Marianne at Oscar. Kahit hindi nagkaroon ng anak si Marianne dito, itinuturing pa din ni Dr. Ortiz ang dalawang anak nito bilang sarili niyang anak. Ang dating aktres ay namumuhay na ngayon ng simple at masaya sa America kasama ang kaniyang asawa. Madalas silang lumalabas at nagta-travel kasama ang kanilang mga apo. Bumili na din si Marianne ng property sa Florida, USA.

 

Inamin ni Marianne na namimiss na niya ang showbiz ngunit hindi niya kayang ipalit ang masaya at tahimik na buhay na mayroon siya sa America kasama ang kaniyang minamahal na asawa at dalawang anak na mayroon na ding sariling pamilya.

The post Kilalanin Ang Mga Artista Na Minsang Naging Pulubi At Palaboy Sa Kalsada Matapos Mawala Ang Showbiz Career appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments