Looking For Anything Specific?

Kilalanin Ang Napakayamang Boyfriend At Fiance Ni Dominique Barretto Cojuangco

Masayang ibinalita ni Dominique Cojuangco, isang fashion designer, model, entrepreneur, at unica hija ng aktres na si Gretchen Barretto at businessman na si Tonyboy Cojuangco, ang engagement nito sa kaniyang longtime non-showbiz boyfriend na si Michael Hearn.

Ang pag-anunsyo na malapit na itong ikasal ay ginawa nilang dalawa sa kani-kanilang social media accounts kung saan maraming mga kaibigan ang nagpahatid ng kanilang pagbati sa newly engaged couple. Nag-post silang dalawa ng larawan na may magkaibang poses.

Sa Instagram ni Dominique, makikita unang larawan kung saan nakapatong ang kamay nito sa balikat ng fiance na suot ang diamond ring habang nakatingin sa camera. Sa susunod na larawan naman ay ipinakita nila ang pinky finger promise at nilagyan ni Dominique ng caption na “For life.”

Sa account naman ni Michael, mababasa ang caption na “On to the next chapter with dominique”. Makikita sa unang litrato ang tinginan nilang dalawa habang ipinapakita ang suot na engagement ring ni Dominique at sa ikalawa naman ay isang nakangiting Dominique ang mapapansin habang nakatingin ito sa boyfriend.

Base sa background ng kanilang mga larawan at pati na din sa mga post ng ina ni Dominique na si Gretchen, tila sa Amanpulo naganap ang nasabing engagement ng dalawa.

Ang relasyon ni Dominique sa kaniyang fiance ay hindi naging lantaran sa publiko dahil napanatili niya ang kanilang pribadong buhay. Lumabas na lamang ang tungkol sa kanilang pagmamahalan noong 2019 nang makitang nagpo-post si Dominique ng mga larawan magkasama silang dalawa pati na din ang bonding time nila kasama ang alagang aso.

Pero sino nga ba si Michael Hearn?

Siya ang business operations director at royal institutions chartered surveyor na may karanasan sa lumalaking negosyo sa loob ng merkado ng Pilipinas. Naghahanap siya ng mga pagkakataon sa pakikipag-sosyo at pamumuhunan sa mga mapaghamon at mabilis na mga negosyo. Ilan sa mga highlights of expertise ni Michael ay ang strategic business planning and implementation, sales and business development, business operations and resource management, property appraisal, investment and management, contract administration and arbitration, project and program management, at cost and commercial management.

Sa kasalukuyan, siya ang executive director ng Hearn & Hearn Consulting na isang construction firm. Tinutulungan ng kanilang kumpanya ang mga investors, developers, contractors, at tenants na maghatid ng matagumpay na mga proyekto sa konstruksyon sa pamamagitan ng paghamon sa kasalukuyang sitwasyon. Ang nasabing kumpanya ay isang makabagong consulting practice na nagbibigay ng payo at serbisyo sa isang malawak na hanay ng mga aktibidad na nag-uugnay sa pagbuo at pagsulong ng mga proyekto.

Sa karanasan ng higit sa tatlongpung taon sa malalaki at prestihiyosong proyekto sa Pilipinas, ang Hearn & Hearn Consultin ay may isang mayaman na karanasan upang matulungan ang mga kliyente sa kanilang development portfolio.

 

Ang kanilang mga direktor at project teams ay may makabuluhang karanasan sa mga proyekto tulad ng mga malalaki at kilalang gusali, paaralan, healthcare, hotels, industrial facilities, infrastractures at transportation, recreational at leisure parks, pati na din residential at retails spaces sa tatlong bansa, Pilipinas, United Kingdom, at Doha Qatar.

Isa din si Michael sa mga director ng “Hearn Land”, isang privately owned investment company sa United Kingdom na nagdadalubhasa sa acquisition at pamamahala ng mga pag-aari ng tirahan sa South west UK. Itinayo at pinamahalaan niya ang nasabing kumpanya noong 2013.

Maliban sa kumpanya na pagmamay-ari ng kaniyang pamilya, siya din ang kasalukuyang co-founder at managing partner ng Run Rabbit Run cocktail bar na nagawaran ng award at nanalo bilang Best Bar noong 2020. Ang nasabing kumpanya din ang nagpasimula ng “Your go to to go cocktail delivery program”.

Ang isa pang business ni Michael bilang investor naman ay ang Winery na nagcu-curate ng mga best wine sa Pilipinas para sa mga mahihilig sa alak. Nag-aalok ito ng isang buong hanay ng red, white, rose, at sparkling wines mula sa buong mundo.

Siya din ang isa sa mga nagtaguyod ng Clear Ice Company sa bansa na ang layunin ay makapagbigay ng dekalidad na klase ng yelo. Sila ang suppliers sa ilang bars, restaurants, hotel, casinos, at kahit sa mga kabahayan sa Manila.

Unang nagtrabaho si Michael bilang cost and commercial consultant para sa AECOM, isang consulting firm na ang head quarters ay sa Doha Qatar. Dito ay pinamahalaan niya ang isang commercial management project na nagkakahalaga ng $3 billion. Naging operations director din si Michael ng isang leading global design and consultancy para sa natural and built assets na ang head quarters ay sa Amsterdam, Netherlands noong 2015 kung saan din siya naging member ng Philippine Leadership Team, Asia’s Strategic Persuades and Sales Team.

Ang iba pang posisyon na kaniyang hinawakan ay bilang business unit head ng project and program management at project director ng cost and commercial management sa Pilipinas.

Kasama naman sa education background ni Michael ang kursong Bachelor of Science in Business Statistics sa University of Reading sa Berkshire, United Kingdom. Sa kaniyang pag-aaral, ginawaran si Michael ng iba’t ibang awards tulad ng top placed in Business Forecasting Assements at naparangalan din ito bilang winner ng Business Entrepreneurship prize at winner ng Marketing Management prize.

Kumuha din si Michael ng digital leadership course sa Balearic Business Schools na isa sa mga leading international business schools sa Belgium. Kumuha din ito ng e-learning course sa entrepreneurship and emerging economy sa HarvardX, isang university wise strategic initiative na nagbibigay daan sa mga guro ng lumikha ng bukas at online courses para sa mga on campus at global learners sa advanced research pagdating sa siyensa.

Kabilang din sa kaniyang licenses at certifications ang pagiging corporate member sa Philippine Institute of Certified Quantity Surveyors, ang kauna-unahan at kinikilalang quantity surveying organization sa Pilipinas.

Member din si Michael ng The Royal Institutions of Charters Surveyors, isang UK-based professional body of surveyors na itinatag pa noong 1868.

Panghuli ang Professional and Value Management o PVM sa Insitutions of Value Management na isa ding UK-based professional association na exclusibong nakatuon sa value management na may pagmamalasakit sa paglikha ng sustainable value alinman sa proyekto, produkto, proseso, at antas ng samahan sa lipunan.

May ilang grupo din na kinabibilangan ang fiance ni Dominique tulad ng University of Reading Alumni, The Projects Controls Community, Quantity Surveyors Cost Engineers and Estimators Middle East, Qatar Foundation, Construction Consultants, Davis Langdon Alumni, British School Manila Alumni Association, YEP Global The Voice of Future Leaders, Quantity Surveying, Engineer Construction Dispute International, Qatar Business and Professional Network, Value Management Medical, School of Energy, Geoscience Infrastructure and Subsiety, at Qatar Business Network.

Kung ang resume ni Michael na mapapangasawa ni Dominique ay nagpapakita kung gaano ito ka-successful at kayaman, impressive din naman ang mga nakalagay sa resume ng soon-to-be Mrs. Hearn. Dalawang kurso ang natapos ni Dominique sa kolehiyo. Unang degree nito ang Bachelor of Arts in International Fashion Foundation sa Istituto Marangoni sa London na nakuha niya noong 2017. Ang ikalawa naman ay Assosciates Degree sa Merchandising and Marketing sa Fashion Institute of Design and Merchandising sa California kung saan nakapagtapos siya bilang magna cum laude at naging nominado din sa Cyril Magnin Award na ibinibigay sa mga graduate na nagpakita ng outstanding skills in Merchandising or Marketing noong isang taon. Sa The British School of Manila naman ito nagtapos ng kaniyang secondary education noong 2013.

Ilan sa mga experiences ni Dominique sa pagtatrabaho ay ang pagiging Global E-commerce intern, a global digital intern para sa isang cosmetics brand gayundin ang pagiging social media assistant para sa isa pang kilalang make-up brand. Naging social media assistant din ito para sa graduate fashion week at dresser and social media assistant sa isang fashion event sa London.

Nagkaroon din si Dominique ng pagkakataon na maging freelance journalist para sa mga kilalang lifestyle magazines na Philippine Tatler at Preview magazine. Kinuha din si Dominique ng Preview bilang guest editor nila noong 2016 sa loob ng isang buwan.

Dahil may background ito sa fashion, una niyang ginamit ang kaniyang natutunan sa fashion school noong 2017 sa pamamagitan ng isang koleksyon na inilabas niya na pinangalanan niyang ‘La Dona”. Nagawa niya ito matapos ang ilang taon ng pag-aaral ng teknikal na bahagi ng fashion kabilang ang paggawa ng pattern, aktwal na pananahi, at mga design theories.

Ang inspirasyon niya para sa kaniyang koleksyon ay mula sa ating bansa. Nais niya kasing ipakita sa kaniyang gawang damit ang kagandahan ng isang babaeng Pilipinas. Ang pangalang “La Dona” ay isa ding term of endearment ng kaniyang pamilya sa kaniya noong siya ay bata pa. Ang koleksyon na ito ay kaniyang ipinakita sa pamamagitan ng kaniyang ina na si Gretchen Barretto na tumayong modelo niya.

Ipinakilala naman nila Dominique at Michael ang business na kanilang itinatag at binuksan noong buwan ng Mayo. Masaya nilang ipinahayag na maipapakita na nila sa publiko ang pinaghirapan nilang buuing negosyo sa loob ng isang taon na isang e-commerce skin care shop na nagdadala ng piling line up ng mga skin care brands sa mga taong naghahanap ng reliable at trustworthy skin care routine na tutugma sa kanilang pamumuhay.

Sa negosyong ito, si Dominique ang namamahala sa research and development sa mga klase ng produkto na kanilang ipapakilala sa merkado habang si Michael naman ang tumatayong operations director.

Samantala, wala pang petsa ang itinakda para sa kanilang kasal subalit marami na ang excited na makita ang anak ni Gretchen na lumagay sa tahimik dahil natagpuan na niya ang kaniyang ‘the one”.

Gretchen Barretto, pina-wow ang mga netizens dahil sa kanyang kagandahan na walang kupas matapos ibahagi ang bagong larawan

Looking young and fresh umano si Gretchen Barretto ayon sa maraming netizens.

Nakakabighani ang kagandahan ni La Greta kahit pa noong kabataan niya. At tila lalo pa siyang gumaganda sa kanyang pagtanda.

Kahit maraming pinagkaka-abalahan sa buhay naging maalaga siya sa kanyang balat, mukha, at pangangatawan. Ageless beauty kumbaga.

At ito nga ang napansin ng mga netizens sa latest photo ni Gretchen na ibinahagi niya sa kanyang Instagram account.

Sa nasabing litrato ay nakasuot si Gretchen ng old rose pink dress na tinernuhan niya ng nude color sandalsTila naging teeanager model siya. Kahit pa na 51` years old na siya ngayon.

Aniya sa caption, “Make me blush Happy Hour begins”

 

Hindi nga lamang mga netizens ang nakapansin ng pagiging young looking at glow ni La Greta. Pati na din ang ilang celebrities ay napa wow sa kanyang ganda.

Ilan sa mga pumuri kay Gretchen ay sina  Sofia Andres, Zsa Zsa Padilla, Shaina Magdayao, Pokwang, Jackielou Blanco, Mariel Padilla at madami pang iba.

Wow na nga lang din ang nasambit ng kanyang unica hija na si Dominique Cojuangco na kaka-engaged lamang sa kanyang non-showbiz boyfriend.

Narito naman ang ilan sa komento ng netizens:

“Super Gorgeous as always”

“Thirty, flirting, and thriving!”

Always beautiful!!!”

“so pretty Tita Gretchen”

The post Kilalanin Ang Napakayamang Boyfriend At Fiance Ni Dominique Barretto Cojuangco appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments