Looking For Anything Specific?

Kylie Padilla, nagbigay ng reaksyon tungkol sa nababalitang something sa ex-huband na si Aljur Abrenica at aktres na si AJ Raval

Kylie Padilla, nilinaw an isyu sa pagitan nina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Binasag ng aktres ang kanyang katahimikan tungkol sa hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Aljur.

Nitong nakaraang buwan, pumutok ang balita na hiwalay na ang mag-asawa dahil sa kanilang mga cryptic posts.

Hanggang sa nakumpirma ito nang lumipat ang Kapuso actress kasama ang dalawang anak nila ng aktor.

Makalipas ang kaunting panahon matapos kumalat ang isyu, nauugnay naman si Aljur ngayon sa rising star na si AJ Raval.

May kumalat kasi sa social media na video kung saan makikita umano sina AJ at Aljur na magkasama.

Agad ito umani ng iba’t-ibang hinala at komento na ang young actress daw ang 3rd party at dahilan ng hiwalayan ng dalawa.

Pero tila nakarating ito sa panig ni Kylie. Kagabi, October 1, nag post ang mom of two sa kanyang Twitter kung saan nilinaw niya ang isyu.

 

“Guys there is no issue. We separated last April pa and we have already mutually agreed to date other people,” paglilinaw ng aktres.

 

Pinakiusapan niya din ang publiko na huwag na daw mangdamay ng ibang tao tungkol sa hiwalayan nilang mag-asawa.

Subalit, hindi na daw magbibigay pa ng ibang detalye si Kylie tungkol sa kanilang relasyon para sa kanyang “littlest ounce of privacy I have left.”

AJ Raval at Aljur Abrenica, usap-usapan ngayon na may namomoong relasyon matapos isiwalat ng internet sensation na si Xian Gaza

Mas naging matindi ang usapin tungkol sa relasyon diumano nina Aljur Abrenica at AJ Raval.

Isang blind item ang inilabas kamakailan ni Xian Gaza. Tungkol sa isang male actor na kakahiwalay pa lang daw sa asawa. Pero may hinatid na aktres sa taping at bali-balitang lagi umano itong tambay sa bahay ng babae.

Naging usap-usapan naman ito ng mga “Marites” sa social media. Hanggang sa ibinunyag din ni Gaza kung sino ang nasa blind item niya.

Ang tinutukoy na aktor ay si Aljur Abrenica at promising se’xy star na si AJ Raval pala ang mga dawit sa issue.

At mas tumindi pa ang tsismis ng magpost si Xian ng screenshot ng mga video na makikitang magkasama sina AJ at Aljur.

Sa nasabing screenshot, spotted si Aljur sa isang restaurant kasama ang aktres na si AJ Raval.

At mas lalong tumindi ang umuugong na balita ng muli ay mapagtugma ng marami ang latest photo ni Aljur. At ang dating vlog ni AJ.

Usap-usapan kasi ng mga “Marites” sa social media kung sino  ang taong kumuha ng shot sa isa sa litrato ng hunk actor na si Aljur Abrenica, habang siya ay topless, may hawak na mug, at tila nag-eemote sa ilalim ng isang mayabong na puno, sa tapat ng bintanang may itim na rehas.

Kaya naman kumalat kaagad sa TikTok ang video ni AJ Raval mula sa kaniyang vlog na may pamagat na ‘Cleaning my Room’ noong May 18.

Kung saan makikitang nagwawalis-walis si AJ, at maya-maya ay ipinakita ang view sa labas ng kuwarto.

Makikitang tila magkapareho umano ang ipinakita niyang view sa labas ng bintana. Sa pinuwestuhan ni Aljur, sa kaniyang latest photo.

Narito ang nasabing video comparison:

The post Kylie Padilla, nagbigay ng reaksyon tungkol sa nababalitang something sa ex-huband na si Aljur Abrenica at aktres na si AJ Raval appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments