Looking For Anything Specific?

Kylie Padilla, sinupalpal ang sinabi ni Cristy Fermin na nagpapatunay na siya ang unang nagkaroon ng ‘love affair’!

Trending na naman ngayon ang post ng kontrabersyal na aktres na si Kylie Padilla sa kanyang twitter account. Hindi na napigilan ng aktres ang maglabas ng sama ng loob sa kanyang social media account dahil sa mga banat sa kanya ng kolumnistang si Cristy Fermin.

Nagsipaglabasan mga isyung ito kay Kylie ng magpost ang kanyang ex-husband na si Aljur sa kanyang facebook account patungkol sa kung sino ba talaga ang nagkaroon ng ‘love affair’ sa iba. Ayon kasi sa post ng aktor, sana raw ay sabihin na ni Kylie ang katotohanan kung sino ang unang nagloko sa kanilang dalawa at kung sino ang sumira sa kanilang pamilya.

Source:IG/kylienicolepadilla

Kaya naman sa isang episode ng ‘CRISTY FERMINUTE’ noong October 20, 2021 nagbigay naman ng kanyang nalalaman ang kolumnista na si Cristy at sinabi nitong meron laging kausap si Kylie sa kanyang cellphone kahit sila pa noon ni Aljur.

Saad ng kolumnista, “Kung natatandaan niyo po mga kapatid, lagi po nating pinag-uusapan noon yung kwento ng aking source na si Kylie po talaga yung laging may kausap sa garden, naalala mo yun?, kahit na madaling araw. Meron siyang kausap sa phone, bumababa siya, kahit sa kusina ganun, meron siyang kausap.”

Dagdag pa nito, “Natural hindi naman patay na lukan si Aljur, lalaki yan. Kung ang babae po ay malakas ang pakiramdam, ang tunog naman po ng lalaki, matibay. Meron nagaganap sa kabila noong sila pa ang magkasama.”

Source:YouTube/OnePH

“Yun po yung kwento noon na sa garden, sa kusina at tsaka yung ikinukwento nung source na galing din sa kanila, umalis na nga lang sa kanila na kapag dumarating daw si Aljur at magluluto ng pagkain yung kanilang kasambahay, sasabihin, ‘Wag ka ng magluto, hayaan mo siyang magutom hindi naman siya ang gumagastos dito sa bahay.”

Aniya pa, “Meron din source na nagkwento sa atin diba na madalas magpunta si Kylie sa Pampanga, sa kanyang ina, nandun kasi noon si Liezel at tsaka yung mga tita niya.”

“Kapag bumabalik si Kylie iba na yung kanyang ugali, parang ganun.”

Source:YouTube/OnePH

Pahayag pa nito, “Sa pagkakaalam po namin, kung paniniwalaan namin ang isang source na talagang nagsabi samin noon kung sino talaga yung hinihinalang lalaki na kasama ng𝔞yon ni Kylie. Gusto po namin manggaling ito kay Kylie at Aljur although alam po namin yung pagkakakilanlan nung lalaki. Pero mas maganda sa kanilang dalawa manggaling ito.”

Kaya naman hindi rin nagpatinag ang aktres sa mga patutsada sa kanya ni Cristy at sinupalpal rin niya ito ng isang post. Kung saan nakasaad na, “Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nag-titimpi ako para sa mga anak ko. Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin. GROW UP. Ang tatanda niyo.”

“At sana kung sisiraan nyo ako totoo mga pinagsasabi nyo. Mahiya naman kayo sa sarili nyo.”

Source:IG/kylienicolepadilla

Dahil sa post na ito ni Kylie, nag-trending na naman si Cristy Fermin matapos maglabas ng sama ng loob si Kylie laban sa kanya. Ngunit, hindi kalaunan ay nabura rin ang post ng aktres sa social media nito.

Cristy Fermin, may matinding bwelta sa post ni Kylie Padilla tungkol sa kanya na ‘GROW UP’

Hindi na bumilang pa ng ilang araw ay may sagot na agad si Cristy Fermin. Sa patutsada sa kanya ni Kylie Padilla.

Kamakailan nga lamang, sa kainitan ng pahayag ni Aljur Abrenica na si Kylie mismo ang nakasira ng kanilang pamilya. Nagbigay ng kanyang pahayag ukol dito si Cristy Fermin.

Aniya, ayon sa kanyang reliable source ay lagi umanong may ibang kausap si Kylie sa telepono. Kahit pa nga daw madaling araw ay may katawagan ang Kapuso actress.

May idea raw si Cristy mula sa source kung sino ang “hinihinalang lalaki” na tinutukoy ni Aljur na may ugnayan umano kay Kylie.

Nang makarating ito sa aktres ay agad niyang sinagot ag pahayag na ito ng batikang kolumnista.

Aniya, “Hi Cristy Fermin. Alam ko kung sino source mo. Wag nyong hintayin magsalita ako tungkol sainyo. Nagtitimpi ako para sa mga anak ko.”

Pagkatapos nito ay pinayuhan ni Kylie si Cristy na tignan muna ang mga sarili nilang pagkakamali bago sila maki alam o mang husga ng ibang tao.

“Tignan nyo mga mali nyo sa sarili nyo bago kayo manghusga ng ibang tao. Ano bang makukuha nyo sa pag sisira sakin? GROW UP. Ang tatanda nyo na,” dugtong pa ni Kylie.

Samantala, sa episode ng Radio at digital show ni Cristy ay sinagot niya din agad ang aktres.

Sa simula ay pinaalala nito kung saan siya nagmumula at ipinaliwanag nito kung gaano niya kamahal ang ama ni Kylie na si Robin Padilla.

Ayon pa kay Cristy hanggang kanunu-nunuan ni Kylie ay malaki ang kanyang respeto.

Ngunit ayon din sa kolumnista ay kahit kailan man ay hindi niya binabawi ang mga nasulat o nasabi na niya.

Narito ang kanyang buong pahayag:

The post Kylie Padilla, sinupalpal ang sinabi ni Cristy Fermin na nagpapatunay na siya ang unang nagkaroon ng ‘love affair’! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments