Looking For Anything Specific?

Kylie Versoza, napa-comment matapos siyang i-tag ng mga netizen kaugnay sa kontrobersyal na mensahe ni Aljur Abrenica sa ex niyang si Kylie Padilla

Tila kamot ulo na lamang ang nagawa ng beauty queen turned actress na si Kylie Verzosa. Sa pagkadawit niya sa viral issue nina Aljur Abrenica at Kylie Padilla.

Martes ng gabi October 19, binasag na ni Aljur ang kanyang pananahimik. Ukol sa tunay na dahilan umano ng hiwalayan nila ni Kylie.

Sa kanyang official Facebook account ibinahagi ni Aljur ang kanyang saloobin tungkol sa paghihiwalay nila ni Kylie.

Hindi na raw matiis ng aktor ang “sugar-coated” na mga pahayag ni Kylie tungkol sa kanya.

Kaya naman nakiusap si Aljur kay Kylie na sabihin na nito ang katotohanan. Sa likod ng pagkasira ng kanilang pagsasama.

Hinamon ni Aljur si Kylie na sabihin kung sino talaga ang unang nagloko. At kung sino ang sumira ng kanilang pamilya. At naging dahilan ng pagsuko umano ni Aljur sa kanilang pamilya.

Ani Aljur, “Kylie please tell them the truth Don’t hide and disguise your comments. Statement for your self-gain.

“Tell them who cheated first Tell them who wrecked our family. Tell them why I gave up on you not on our family. The people deserves to know.”

Humingi din siya ng dispensa kung hindi niya na umano napigilang magsalita. Kahit pa may usapan silang huwag nang magsalita sa publiko.

Ilang minuto ang nakalipas ay nagviral agad ang pahayag na ito ni Aljur. Ginawa namang katatawanan ito ng mga netizens.

Dahil si Kylie Verzosa ang kanilang hinihingian ng sagot ukol dito imbes na si Kylie Padilla.

Kaya naman sa kanyang Facebook post ay sumagot na din dito ang nobya ni Jake Cuenca.

Aniya, “Tigilan nyo na mga issue issue! Napapagod ako sainyo!” Kalakip ng screenshot ng usapan nila ni ‘Senyora’

Kylie Padilla, tapat na inaming naka-move on na sa hiwalayan nila ng asawang si Aljur Abrenica

Kylie Padilla, naka moved on na nga ba sa hiwalayan nila ng kanyang dating asawa na si Aljur Abrenica?

Tila masaya na ang Kapuso actress ngayon matapos ang ilang buwan na mapabaluta ang hiwalayan nila ni Aljur.

Sa most recent interview niya sa 24 Oras kay Lhar Santiago, madami ang nakapansin na naka ngiti at blooming na muli ang aktres.

Ayon kay Kylie, masaya na daw talaga siya ngayon at nakapag adjust na rin siya at ang kanyang mga anak sa kanilang nilipatang bahay.

“I mean, puwede naman sabihin na ‘I’m happy’ just for the sake of it. Pero I’m really, really happy now, masaya talaga ako,” giit ng aktres.

Bukod dito, maganda din daw ang naidulot sa kanya ng kanyang new project.

“Especially after this project na sinasabi ko nga, naging therapy siya in a way to get through I was going through. But now I feel happier talaga,” pagbabahagi ng mom of two.

Ang mas nakakatuwa pang sabi ni Kylie, “I’m at peace now than I was.”

Matagal din hindi nakagawa ng pelikula ang aktres kaya naman super excited siya sa upcoming movie niya na BetCin.

Makakasama niya dito ang isa pang Kapuso aktres na si Andrea Torres.

Kamakailan lang, pina-wow ni Kylie ang kanyang nga fans dahil sa kanyang fiercer new look.

The post Kylie Versoza, napa-comment matapos siyang i-tag ng mga netizen kaugnay sa kontrobersyal na mensahe ni Aljur Abrenica sa ex niyang si Kylie Padilla appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments