Looking For Anything Specific?

Marco Gallo, inaming nainis sa naging komento sa kanya ni Kuya Kim Atienza kaya in-unfollow niya ito sa social media!

Mukhang napikon diumano ang aktor na si Marco Gallo sa naging pahayag ni Kuya Kim Atienza kamakailan.

Kamakailan nga lamang ay naging usap-usapan ang komento ni Marco para sa dating ka-love team na si Kisses Delavin.

Ito ay ng mahingan siya ng koment tungkol sa pagsali ng dalaga sa katatapos lamang na Miss Universe PH 2021.

Ani Marco sa virtual media conference ng kanilang pelikulang ‘Ang Manananggal Na Nahahati Ang Puso.’ “All we see on your Instagram are… your sponsors. Post a little bit of your life. We do not know anything about your life anymore.”

May mga nag react naman sa binitawang pahayag na ito ni Marco. At isa na nga dito ay ang batikang TV host na si Kuya Kim Atienza.

Komento ni Kuya Kim ukol dito, “Your private life need not be shared on social media, Marco. She is bless, she has lots of endorsements. You should be happy for her.”

Sa naging panayam naman kay Marco ng PEP.ph, inamin ni Marco na nabigla siya sa komentong iyon ni Kuya Kim.

“It’s been six years I’m in the industry, and I always tell my close friends when they ask me what happen. It’s tiring in a way that you cannot please everyone.

“They like to write stuff on the Internet without even watching the video, or just because they read it, it doesn’t mean that’s the way I said it.

“I was even joking, in a light mood, and I was being positive towards Kisses.

“And then they were, like, saying so much stuff about it, even Kuya Kim Atienza.”

At dahil dito ay nag-unfollow na daw si Marco sa lahat ng social media accounts. Ng ngayo’y Kapuso na na si Kuya Kim.

Kuya Kim, usap-usapan ngayon ang viral video na nagte-taping sa GMA compound na sinasabing “grand welcome” niya!

Isang video ng diumano’y grand welcome ng Kapuso para kay Kim Atienza ang usap-usapan ngayon online.

Ikinuwento ni Kim Atienza ang pagiging productive ng araw niya noong September 28. Sa live broadcast niya sa kanyang Facebook at YouTube channels kinagabihan.

Truly productive ang araw ni Kuya Kim dahil nagsimula na umano ang taping niya para sa kanyang bagong programa sa GMA-7—isang show na siya ang host at segment para sa isang programa.

Pero hindi pa binanggit ni Kim ang nalalapit na paglipat niya sa Kapuso Network.

Pero base sa teaser ng GMA Netwoek ay kumpirmadong si Kim Atienza nga ang tinutukoy nilang “KUYA”

 

Done deal na nga ang paglipat ni Kuya Kim sa GMA-7.

Matibay na ebidensiya nito ang mga larawan at video ng kanyang OBB o opening bumper break shoot.

Sa nasabing video na ibinahagi ng isang netizen ay makikitang nakasuot ng leather jacket, pants, at boots si Kuya Kim. Habang papasok sa GMA Network compound sakay ng kanyang motorsiklo, pero hindi siya makikilala dahil natatakpan ng helmet ang kanyang mukha.

Saad sa nasabing post, “SCOOP KANINA LANG, kuha sa harapan ng KAMUNING! TARAY NAMAN! Kung si Atom Araullo naka KOTSE nung nag GRAND WELCOME sa GMA, naka MOTOR naman ang peg ni KUYA KIM ATIENZA sa kanyang paglipat! Indeed another addition sya sa News Team ng KAPUSO. Ready na ako to see Kuya Kim sa 24 Oras replacing Mang Tani since nasa ibang bansa na sya.”

Samantala, Sa pagtatapos ng live broadcast ni Kuya Kim sa Facebook live niya, ipinagdasal nito ang kaligtasan ng kanyang mga tagasubaybay at ang malaking desisyon na gagawin niya.

The post Marco Gallo, inaming nainis sa naging komento sa kanya ni Kuya Kim Atienza kaya in-unfollow niya ito sa social media! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments