Looking For Anything Specific?

Melai Cantiveros, Ibinahagi ang Dahilan Kung Bakit Ayaw Akuin ang Responsibilidad ng mga Kamag-anak

Si Melai Cantiveros ay nakilala noong sumali siya sa Pinoy Big Brother: Double Up Edition noong 2010 at itinanghal na big winner. Bukod sa kanyang pagiging totoo sa loob ng bahay ni Kuya ay kinagiliwan rin siya ng maraming manunuod dahil sa nakakatawa niyang personalidad.

Sa kasalukuyan, bukod sa kanyang pagiging comedian ay isa na siyang matagumpay na TV host ng kilalang morning show na Magandang Buhay kung saan kasama niya sina Karla Estrada at Jolina Magdangal. Hindi rin maitatanggi na mayroon siyang masayang pamilya kasama ang kanyang dalawang magandang anak sa asawang si Jason Francisco na nakasama niya rin noon sa PBB.

Credit: Instagram / mrandmrsfrancisco

Nito lamang ay sumabak si Melai sa isang one-on-one interview matapos niya mag-guest sa vlog ni Enchong Dee na isa sa pinakamalapit niyang kaibigan sa showbiz. Sa vlog na ito tinanong siya ni Enchong ng honest questions kung saan karamihan ay patungkol sa kanyang pamilya.

Tinanong ni Enchong si Melai kung paano nito bina-budget ang kanyang mga kinikita sa showbiz. Sagot naman ni Melai na ang lahat ng kanyang kinikita ay napupunta sa kanyang pamilya. Inamin rin ni Melai na noong dalaga pa siya at nagsisismula pa lang sa showbiz ay hindi pa siya nakakapag-ipon at madalas mapunta ang kanyang kinikita sa ibang bagay.

Credit: YouTube / Enchong Dee

Ngunit simula nang nagkaroon siya ng sarili niyang pamilya ay sinisigarado niya na maayos niyang nahahawakan ang kanyang kinikita at iniipon para sa hinaharap ng kanyang mga anak. Isinawalat rin ni Melai na tuwing dumadalaw siya sa kanyang pamilya sa General Santos City ay inililibre niya ang mga ito.

Bilang parte ng pamilya na nakakaluwag sa buhay, normal lang para kay Melai na ilibre ang kanyang mga kamag-anak. Ngunit hindi daw siya umabot sa punto na aakuin niya na ang kanilang mga responsibilidad. Ibinahagi ni Melai na hindi siya nagbibigay ng pera sa kanyang mga kapatid o kamag-anak upang mabayaran ang matrikula o mga gastusin sa paaralan ng kanilang mga anak. Ang ganitong bagay raw ay hindi niya responsibilidad at hindi alinsunod sa itinuro sa kanila ng kanilang tatay.

Credit: YouTube / Enchong Dee

“Kami bata pa lang, tinuruan na kami ng Papa ko na wag umasa.”

Pinalaki raw sila ng kanilang ama na huwag umasa sa ibang tao at magkaroon ng paninindigan sa pinili nilang buhay at kanilang mga responsibilidad. Bilang isang responsableng tao, maganda raw na magkaroon ng sariling paraan kung paano masusulusyonan ang sariling problema.

“Hindi ako magbabayad ng tuition fee nila. Hinihingan nila ako ng kapatid ng tuition fee, ‘bat ako magbabayad ng tuition fee, eh anak mo naman yan?” giit ni Melai.

Dagdag pa niya, “The best yung breadwinner pero dapat breadwinners, lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagta-trabaho si Ate, dapat nagta-trabaho ka rin.”

Ang ganitong pananaw ni Melai at kinalakihang aral ay isa sa mga rason kung bakit matagumpay ang kanyang buhay showbiz. Isa siyang responsableng tao na hindi umaasa sa iba at mas pipiliing gawan ng paraan ang kanyang mga problema imbes na makaabala ng iba.

Credit: Instagram / mrandmrsfrancisco

Samantala, ayon kay Melai hindi niya itinuturing na biggest achievement ang kanyang tinatamasang tagumpay sa showbiz, kundi ang kanyang pagiging malapit sa Diyos. “For me kasi, it’s a greatest achievement talaga of my life, kapag nakakapag-rosary ako a day, kapag nakakasimba ako a week, yun talaga ang masasabi kong achievement day and week,” pagsisiwalat niya.

Para sa kanya ang Panginoong Diyos ang naging dahilan ng kanyang tinatamasang buhay ngayon kaya naman lubos ang kanyang pasasalamat dito. Kahit na siya ay probinsyana at hindi kagandahan noong pumasok siya sa showbiz ay tinanggap pa rin siya ng mga manunuod kung sino talaga siya.

Credit: Instagram / mrandmrsfrancisco

Aniya, “Thank you Lord na-embrace nila kung sino ako kasi hindi ko naman kayang ipakita (ang hindi tunay na ako). Parang sampal sa mukha ko ba na hindi naman talaga ako iyon. Pwede namang pag-aralan pero huwag kang mag-feeling kung hindi mo talaga kaya.”

Masaya ngayon si Melai dahil kahit na may pandemya at nagsara ang kanyang itinuturing na tahanan na ABS-CBN Network ay nagpatuloy parin ang kanyang trabaho bilang TV host. Malaking pasasalamat niya sa Diyos na hindi daw siya nito pinabayaan at ang kanyang pamilya.

Melai Cantiveros, inamin ang tunay na dahilan kung bakit hindi pinag-aaral ang mga kamag-anak!

Nagsimula sa simpleng pamumuhay at pamilya si Melai Cantiveros bago siya pumasok sa reality show ng ABS-CBN Pinoy Big Brother.

Hindi maitatanggi na naging maganda ang karera ni Melai sa showbiz matapos siyang tanghaling Big Winner sa season na sinalihan niya.

Matapos siyang makalabas ng bahay, nakatanggap si Melai ng iba’t-ibang offer sa showbiz.

Kasama na dito ang ilang pelikula na pinagbiahan niya at ang hosting na napunta sa kanya. Sa ngayon, isa si Melai sa Momshie hosts ng morning talk show Magandang Buhay.

Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan, aminado si Melai na hindi siya pumapayag na paaralin ang kanyang mga kamag-anak.

Ipinaliwanag naman ni Melai ang kanyang dahilan.

Sa vlog na naka upload sa YouTube channel ng aktor na si Enchong Dee, natanong ang komedyana kung paano niya pinanghahawakan ang kanyang pera ngayon na tuloy padin ang kanyang karera.

“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, [sasabihin ko] ‘Ba’t ako [magbabayad ng] tuition fee ng anak mo?’ Eh anak mo ‘yan,” paliwanag ni Melai.

Ayon sa aktres, pinalaki sila ng kanilang tatay na hindi umaasa sa iba.

Bukod pa dito, sinabi din ni Melai na may sariling pamilya na din ang kanyang mga kamag-anak at tinuturuan niya din na sila ay dapat mag trabaho.

“The best ‘yung maging breadwinner pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagta-trabaho si Ate. Dapat nagta-trabaho ka rin. Kunyari sinabi ng kapamilya ko tuition fee, [sasabihin ko] ba’t ako mag-tuition fee? Pagalitan talaga. Manginginig ka talaga, partner.”

Si Melai ay may dalawang anak na babae kay Jason Francisco na kapwa din PBB housemate.

Well, may kanya-kanya talaga tayong opinyon at paninidigan sa buhay. ‘Di ba Melai?

The post Melai Cantiveros, Ibinahagi ang Dahilan Kung Bakit Ayaw Akuin ang Responsibilidad ng mga Kamag-anak appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments