Looking For Anything Specific?

Mga anak na inaaway ang kanilang ina na ‘walang silbi’ at ‘pabigat’, matapos itong ma stroke dahil sa kakatrabaho

Sa edad na 47 ay maagang naistroke si Linda dahil sa kaniyang walang humpay na pag kayod upang maitaguyod ang kanilang pamilya.

Ang kaniyang asawa ay isang security guard, habang siya naman ay all around at on call na kasambahay sa kung sino mang gustong magpa serbisyo sa kaniya.

Bata pa lamang si Linda ay kumakayod na ito, dahil lumaki siya sa napaka hirap na buhay.

Kung kaya naman hindi nakakapag taka na maagang nabugbog ang katawan ng ginang, dahilan para sumuko ito.

Ngunit dahil sa nasanay sa asikaso ang kaniyang mga anak at asawa ay tila ba isang maling bagay para sa kanila ang naging kondisyon ni Linda.

Sa una lamang kasi naging maasikaso ang mga ito sa ginang ngunit katagalan ay hindi na nila kayang alagaan ang ina.

Madalas nilang inuuna ang pag gala at pag inom imbis na pakainin nila ang nagugutom at walang kamalay-malay na si Linda.

Hindi na kasi niya kayang tumayo at para sa mga anak niya ay nagiging pabigat na ito sa mga bagay na gusto nilang gawin sa kanilang buhay.

Lubos na nadurog ang puso ng ginang noong minsan ay narinig niyang nag uusap ang dalawa niyang dalagang anak ng kanilang inis sa ina, dahil hindi sila makakasama sa outing magkakaibigan.

At dahil wala nga siyang kakayahang tumayo, o ultimo magsalita ay tahimik lamang siya sa gilid.

Nararamdaman na rin niya ang pagtataksil ng kaniyang asawa, at hindi mapigilan ni Linsa na humagulgol sa sobrang sama ng loob.

Buong gabi niyang inilugmok ang sarili sa kaniyang mga luha, hanggang sa kasamaang palad ay inatake ito sa puso.

Hindi na niya inabutan ang ospital na labis na ikinagulat ng kaniyang mga anak.

Ang ilaw ng tahanan nilang nagmahal sa kanila ng buong puso ay isang alaala na lamang.

Lola pinalayas sa sariling bahay at lupa ng kanyang màtàpobreng anak na may asawang Foreigner

Ang pinakamahalagang tao sa buhay natin ay ang ating mga magulang. Sila ang nagbigay buhay at nag-aruga sa mga anak. Magmula pagkamulat ng ating mga mata hanggang sa panahong mayroon na tayong tama at sapat na pag-iisip ay kasama natin sila.

Gagawin lahat ang makakaya ng isang magulang, maibigay lamang ang magandang buhay, para sa mga anak. Kaya naman marapat lamang ibalik natin ang pagmamahal at pagsasakripisyo sa ating mga magulang.

Subalit sa Facebook post ng isang netizen, na si Dana Bautista, ibinahagi nito ang kasalukuyang kalagayan nila at ng kanyang matandang ina, mula sa kamay ng kanyang kapatid na may asawang Foreigner.

Source: Dana Bautista

Ang kanyang ina ay 84-taong gulang na at may karamdaman pa, ngunit walang awang pinapaalis sa sarili nitong bahay at lupa ng kanyang kapatid . Kaya pinatuloy muna niya ang kanyang ina sa kanyang bahay.

Pinatituluhan umano ng kanyang kapatid ang lupa ng kanilang ina nang wala umanong pahintulot at ngayon ay nais na nitong paalisin ang matandang ina.

Source: Dana Bautista

Sa kadahilanang mapera ang kanyang kapatid na nakapangasawa ng foreigner nagawa nilang paalisin ang matanda. Hindi na alam ni Dana at kanyang ina ang dapat gawin dahil wala sila pangtapat sa pera ng sariling kapatid.

Masaklap pa nito sila umano ay ididemanda ng sariling kapatid kapag hindi sila sumunod sa gusto nitong umalis sa kanilang mga tahanan.

Source: Dana Bautista

Nakapangalan na ang lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay sa kapatid kaya naman hindi alam ng mag-ina ang kanilang gagawin dahil kapos din umano sila sa pera. Humuhingi sila ng tulong kung sino man ang nais tumulong sa kanila.

Layunin na ni Dana sa kanyang pagpost na humingi ng tulong sa ginawa ng kanyang kapatid. Ang kanyang ina ay matanda at may karamdaman.

Narito ang Facebook Post ni Dana:

“KAMI PO AY IDEDEMANDA PA PAG HINDI KAMI UMALIS. TULUNGAN NIYO PO KAMI, ANO PO ANG DAPAT NAMING GAWIN.”

“HUMIHINGI PO KAMI NG TULONG, ITO ANG AKING NANAY, 84 YEARS OLD NA SIYA AT MAY KARAMDAMAN. DITO SIYA SAKIN NAKATIRA NGAYON DAHIL PINALAYAS SIYA NG AKING KAPATID NA MAY ASAWANG FOREIGNER SA SARILI NIYANG BAHAY AT LUPA. PATI ITONG KINATITIRIKAN NAMIN AY KINUKUHA PARIN AT PINAPALAYAS KAMI. PINATITULUHAN NIYA ANG LUPA NG AKING NANAY NG WALANG PAHINTULOT NG AKING NANAY, AT NGAYON PILIT KAMING PINAPALAYAS NG SARILI KONG KAPATID. KAMI PO AY IDEDEMANDA PA PAG HINDI KAMI UMALIS. TULUNGAN NIYO PO KAMI, ANO PO ANG DAPAT NAMING GAWIN.”

Source: Dana Bautista

Hindi naman nabigo si Dana sa kadahilanang kaliwa’t kanan na ang nagmention kay #RaffyTulfoinAction upang kaagad na maaksyonan ang kasalukuyang kalagayan nilang mag-ina.

Source: Dana Bautista

The post Mga anak na inaaway ang kanilang ina na ‘walang silbi’ at ‘pabigat’, matapos itong ma stroke dahil sa kakatrabaho appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments