Tinaguriang ‘Dance Diva’, hindi pa rin kumukupas ang ganda at kaseksihan ng aktres na si Regine Tolentino. Sa panayam dito sa morning show ng ABS-CBN na ‘Magandang Buhay’, ipinakilala ni Regine ang tatlong dalagang anak nito. Kitang kita naman sa mga ito na naman nila ang good looks ng kanilang ina.

Pinagbalig-baligtad na ‘Regine’ ang mga pangalan ng kanyang mga anak. Sa interview ay ipinakilala niya ang mga ito at nagkwento ng buhay kasama ang tatlong anak na babae. Bagamat nagmula sa magkaibang ama, makikita na hawig na hawig ang tatlo sa ina nito.

Ang panganay na anak nitong si Reigne ay 22 years old na, habang ang kapatid nitong si Reigen ay 20 years old na. Dalawang anak ni Regine sa dating asawa na si Lander Vera Perez, at parehong ubod ng ganda.

Ang bunso naman nitong anak ay ang cute na cute na baby na si Rosie Rignee. Siya ay 11 months old pa lamang at bininyagan noong January 20, nitong taon sa Mount Carmel Parish Church sa Quezon City.

Nang tinanong si Regine tungkol sa samahan ng tatlo niya anak, aminado ang aktres na masaya ito lalo na’t tumutulong sina Reigne at Reigen, hindi lamang sa mga desisyon sa negosyo kundi pati na rin sa pag-aalaga sa bunso nilang kapatid na si Rosie Rignee.

Malaki ang agwat ng dalawang nakatatandang anak ni Regine sa bunso nitong anak, kaya naman para sa kanya ay, “We are all mommies at home.”

Lahat sila ay kusang nag-aalaga kay Rosie Rignee. Naikwento rin ni Regine na kasing edad niya ang panganak niyang anak nang mabuntis siya rito.

Bilang magulang ay nararapat lamang na paalalahanan nito ang mga anak. Nang tanungin si Regine kung paano ang parenting style nito sa mga dalaga, patawang ipinaliwanag nito na ginagamit niya ang ‘reverse psychology’ sa mga ito.

Kung may ipinagbabawal si Regine sa mga ito ay sa halip na pagbawalan niya ay kabaligtaran ang mga sinasabi niya sa mga ito. Sa ganitong paraan ay kusang-loob na pipiliin ng mga anak niya ang tamang gawin.
Kilalanin Ang Mga Anak Ni Willie Revillame Sa Ibat Ibang Babae

Ang ating weekends ay talaga namang masaya lalo na kung ito ay igugugol natin kasama ang ating mga pamilya. Katulad na lamang ng ginawa ng sikat at beteranong television host na si Willie Revillame. Noong Marso 2005, nagpakasal si Willie Revillame kay Liz Almoro sa isang civil ceremony ngunit sila din ay nagpakasal sa isang church wedding noong June sa parehong taon. Ngunit ang dalawa ay naghiwalay din noong 2008.
Marami na din nabihag na mga kababaihan si Willie ngunit sa kabila ng pagiging link sa maraming mga babae, sinisigurado niya pa rin na ang kaniyang mga anak ay dapat ang prayoridad niya at hindi ang iba.
Hindi alam ng nakakarami na ang “Wowowin” host ay mayroong isa pang anak bukod sa sikat na aktres na si Meryll Soriano. Ang kaniyang anak na si Sharon Viduya ay isang magandang dalaga na ngayon. Si Marimonte Shanelle Viduya-Revillame ay isang 2nd year na estudyante na mula sa Baguio at madalas din siyang nagu-upload sa kaniyang Facebook page ng ilang litrato ng mga bonding moments kasama ang kaniyang nakakatandang kapatid na si Meryll at ang kaniyang ama.
Kamakailan lamang din ay nag-upload si Meryll Soriano ng ilang larawan kasama si Willie, si Shanelle, at ang mas nakakabatang anak ni Willie na si Juan Emmanuel o Juamee sa kaniyang dating asawa na si Liz Almoro sa Tagaytay property ng kanilang ama. Nagkaroon din ng bonding ang TV host sa kaniyang mga anak.
Makikita naman sa mga larawan na inu-upload nina Meryll at Shanelle na silang dalawa ay malapit sa isat isa sa kabila ng pagkakaroon ng magkaibang ina. Sa katunayan, madalas pa nga na nakikipagbonding ang aktres sa mga kaibigan ni Shanelle kapag siya ay mayroong pagkakataon. Marami naman sa ating mga netizens ang nakapansin ng “artistahin” na mukha ni Shanelle at sinasabi nila na ito ay puwedeng pumasok sa mundo ng showbiz.
The post Mga Anak ni Regine Tolentino Namana Ang Ganda at Kaseksihan Nito appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments