Bukod pa diyan, parami din ng parami ang mga kabataan na maagang nabubuntis dahil na din sa kakulangan sa kaalaman at edukasyon tungkol sa pagtatal1k.
Isa sa mga posibleng dahilan na nakikita ng mga eksperto kung bakit lalong naghihirap ang Pilipinas ay dahil sa patuloy na pagdami ng tao sa bansa.
Ngunit, kung sa Pilipinas ay patuloy na lumalaki ang populasyon, ang pangyayaring ito ay kabaligtaran naman sa Faroe Island sa Denmark.
Sa katunayan nga niyan, naghahanap na ng mga mapapangasawa ang ibang kalalakihan dito dahil sa pagbaba ng kanilang populasyon, lalo na ang mga babae.
Sa ngayon, tinatayang nasa 50,000 ang mga tao na naninirahan dito ngunit habang tumatagal ay nababawasan at bumababa ang bilang ng populasyon sa Faroe Island.
Halos nasa apat na porsyento lamang ang mga kababaihan sa kanilang lugar. Kaya naman ang ilan ay pinipili na makapag-asawa ng nasa ibang lugar dahil kahit gustuhin man nila na magkaroon ng asawa sa kanilang lugar ay hindi nila magawa dahil sa kakulangan ng mga kababaihan.
Sila ay natuto na din ngayon na gumamit ng mga dating apps gamit ang internet dahil halos lahat ay hi-tech na din sa kanilang bansa.
Karaniwan na hinahanap nila ay babae na mula sa Asya. Ang iba naman ay naghahanap sa pamamagitan ng kanilang mga kaibigan na mayroong kasintahan na Asyana.
Patunay lamang dito ay ang 300 na kababaihan na mula sa iba’t ibang parte ng Asya na ngayon ay lumipat na sa Faroe Island at sumama sa kanilang kasintahan na nakilala sa mga dating sites.
Ang grupo ng mga taga Asya sa ngayon ang mayroong pinakamataas na ethic minority sa 18 isla.
Ngunit, bakit nga ba sa halip na tumaas ang populasyon sa Faroe Island ay patuloy pa din itong nababawasan habang tumatagal?
Ayon kay Prime Minister Axel Johannesen, marami na daw ang mga residente nila ang nalipat sa ibang bansa para makahanap ng mas mataas na edukasyon o kaya naman ay magandang trabaho. Ngunit, kahit lumipas na ang mga taon ay hindi na bumalik pa ang iba dito.
Para naman sa Pinay na si Antonette Egholm, maganda naman daw at maaliwas ang lugar sa Faroe Island kahit pa man iba ang kanilang klima at kultura.
Sa panayam ni Tim Ecott ng BBC kay Antonette, mababait daw ang mga tao sa Faroe Island. Maliban pa diyan, sila ay mga palakaibigan din. Kung ikukumpara nga daw sa Pilipinas, ang Faroe Island ay malayong malayo dahil sa Pilipinas ay talamak daw ang matinding traffic at kr1men.
Dagdag pa ni Antonette, maganda daw at maayos ang sistema ng Faroe Island pagdating sa kalidad ng edukasyon at serbisyong medical.
Saad naman ng kaniyang asawa na si Regin, ang kanilang lugar daw ay hindi dapat katakutan sa halip ay subukan daw nila na magpunta dito at yakapin sila.
Sa ngayon kasi ay lubos silang nangangailangan ng mga bagong tao sa kanilang lugar.
“We actually need fresh blood here. I like seeing so many children now who have mixed parentage. Our gene pool is very restr1cted, and it’s got to be a good thing that we welcome outsiders who can have families.”
Kilalanin Ang Pinay Nanny Na Pinalad Magkakotse, Negosyo at Resident Visa Sa Switzerland
Maraming Pilipino ang piniling makipag-sapalaran sa ibang bansa upang makahanap ng magandang trabaho. Kahit na walang kasiguraduhan sa kapalaran na matatamo ay patuloy ang pag lago ng bilang ng Overseas Filipino Workers o OFW. Sa katunayan, isang Pinay ang napapabalita na sinwerte sa kanyang French na amo dahil sa biyayang binigay nito sa kaniya.
Switzerland ang piniling bansa ni Cherrie Salamanca upang maghanap ng trabaho para mabigyan ng magandang buhay ang kanyang pamilya. Maswerte naman nitong na tiyempuhan ang mabait nitong amo dahil tinulungan siya nitong magkaroon ng sariling negosyo, magkaroon ng kotse, masecure ang pag-aaral ng anak at higit sa lahat ay nagkaroon na ito ng resident visa sa nasabing bansa.
Walong taon nagtrabaho si Cherrie bilang nanny sa French employer nitong si Chloe Alzarka. Sa isang episode ng Eat Bulaga ay naikwento nito ang kanyang talambuhay. Ayon kay Cherrie, “Galing kasi ako ng Dubai… and then recently nag-move kami dito sa Switzerland.”
“Nagka-come and go kami dito every year, since 2015.
“Pero ngayon pa lang ako naging resident dito, just this year, kasi nag-pandemic.”
Ibinahagi din ni Cherrie na tinulungan siya ng kanyang amo na makakuha ng resident visa. “Isa yun sa mga reason kung bakit napakasuwerte ko sa amo ko.
“Sila lahat ang nag-process ng documents, papers, expenses, para lumipat dito sa Switzerland.
“And alam naman natin hindi madali dito sa Switzerland pumunta, at hindi mura para pumunta dito.
“So, lahat iyon, [all-]expense paid ng amo ko.”
Madalas din kasama si Cherrie sa mga family trips ng pamilya dahil siya ang nag-aalaga sa mga anak ng kanyang amo. Kaya naman ay maraming bansa na rin ang narating nito.
“Alaga ko is mga bata. So, lahat ng travel nila kasama ako. Mostly Europe… Paris, U.K., sa Italy…
“Kasi meron silang sarili nilang yacht, so nagro-roam around Italy kami, nagku-cruise, nag-coast kami… So, 25 days…”
Maliban dito ay tinulungan din siya ng kanyang mga amo na mapag-aral ang nag-iisang anak ni Cherrie. “Tinulungan nila ako sa education ng anak ko.
Maliban dito ay tinulungan din siya ng kanyang mga amo na mapag-aral ang nag-iisang anak ni Cherrie. “Tinulungan nila ako sa education ng anak ko.
“Ngayon kasi 18 na siya, umuwi na siya ng Pilipinas.
“So, tinulungan nila ako for her education.
“Kaya malaking bagay iyon kasi hindi madaling magpa-aral sa Dubai,”
“Luckily, na-secure ko na yung education niya dahil nandidito ako sa amo ko.
“So, yun yung malaking bagay na naitulong nila sa akin.”
Dagdag pa ni Cherrie ang mga naipundar nitong assets sa Pilipinas tulad ng bahay at kotse, “Fortunately, nakabili na ako ng sarili kong sasakyan, meron na akong maliiit na agricultural land.
“Meron akong nabiling dalawang small apartment,”
Nang interviewhin ang amo ni Cherrie ay nagpahayag din ito na malaki ang tiwala nito kay Cherrie at lubos na nagpapasalamat sa serbisyo nito sa kanyang pamilya. Tunay na napakawerte ni Cherrie dahil nakamit nito ang pinapangarap ng marami.
The post Mga Lalaki Sa Faroe Island, Denmark, Naghahanap Ng Mga Mapapangasawa Na Pinay Dahil Sa Pagkakaroon Ng Kaunting Populasyon! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments