Inamin ng actress-TV host na si Pauleen Luna kamakailan lamang ang tungkol sa problema sa kalusugan na kaniyang kinakaharap ngayon.
Sa Instagram post ni Pauleen, ibinahagi niya na ilang buwan na din siyang kumakaharap sa sak1t na Polycystic Ovarian Syndr0me (PCOS). Ayon sa kaniya, hindi biro ang pagkakaroon ng PCOS. Sa ngayon ay isang buwan na din nang siya ay magsimula sa kaniyang fitness journey para mabalik ang lakas at malusog na pangangatawan.
Aniya,
“A little over a month into my fitness journey and I’m starting to feel coming back! I’ve accepted that it’s a slow progress but slow is better than none.
Living with PCOS is no joke.”
Pagpapatuloy pa ng Kapuso actress,
“Making good choices with my food intake moving (it’s pilates, walkig, spinning for me) has been my priority lately. So happy where I am right now and I really pray that God will sustain me [praying emoji]”
Ang PCOS ay karaniwang sakit na nakukuha ng mga kababaihan. Ito ang isa sa mga dahilan ng mabilis na pagtaas ng timbang ng mga kababaihan kung saan sila ay nahihirapan din na magbawas ng timbang.
Sa ilang kaso, ang mga babae na mayroong PCOS ay nagkakaroon ng mga acne at iba pang problema sa reproductive system. May ilan naman na nahihirapan na magkaroon ng anak.
Mabuti na lamang at si Pauleen ay nagkaroon na ng anak na si baby Tali sa kaniyang asawa na si Vic Sotto.
Sa katunayan, bukod pa kay Pauleen, may ilan na ding mga female celebrities ang nakaranas ng ganitong uri ng s4kit.
Ilan lamang sa mga personalidad na ito ay sina Assunta De Rossi, Mariel Rodriguez, at KC Concepcion na nakaranas din ng pagkakaroon ng PCOS.
Samantala, kaagad namang nagbigay ng suporta at panalangin ang kaniyang mga fans at followers para sa Kapuso actress.
Pauleen Luna, Sinagot Ang Netizen Tungkol Sa Balita Na Siya Ay Buntis Sa Ikalawang Anak Nila Ni Vic Sotto
Pinabulaanan kamakailan lamang ng TV host-actress na si Pauleen Luna kamakailan lamang ang mga balitang kumakalat na siya ay nagdadalang tao sa ikalawang anak nila ni Bossing Vic Sotto.
Ikinasal sina Vic at Pauleen noong Enero 30, 2016 sa St. James The Great Parish Church sa Alabang. Ito ay matapos ang apat na taon nilang pagiging magkarelasyon. Isinilang naman ni Pauleen ang kanilang firstborn noong Nobyembre 6, 2017 na si Talitha o Tali.
Nitong mga nakalipas na buwan, maraming mga balita ang kumakalt tungkol sa pagdadalang tao umano ng ilang mga celebrities sa Philippine showbiz industry. Isa na nga sa mga celebrity na napabalitang buntis ay si Pauleen.
Ngunit, nitong Martes lamang, Pebrero 9, tinapos na ni Pauleen ang kaniyang katahimikan at nagsalita na tungkol sa isyu na ito.
Sinagot kasi ng aktres ang komento ng isang netizen sa kaniyang Instagram post. Sa nasabing post, ibinahagi ni Pauleen ang ilang larawan ni baby Tali kung saan makikita ito na nagsu-swimming sa swimming pool na hindi na kailangan pang alalayan dahil tila ba sanay na sanay na si baby Tali.
Simpleng caption ni Paueleen,
“My Purpose.”
Sa naturang Instagram post, isang netizen naman ang nag-iwan ng komento kung saan tinatanong nito kung buntis ba muli si Pauleen o nagdadalang tao na siya sa kanilang pangalawang anak ni Pauleen kay Vic.
Sinagot naman ito ng TV host ng “No” na may kasamang smiling face emoji.
Maliban kay Tali, anak din ni Vic sina Danica Sotto-Pingris, Oyo Sotto, Pasig City Mayor Vico Sotto, at Paulina Sotto-Llanes.
Sina Danica at Oyo ay anak ng Eat Bulaga host sa dating asawa na aktres na si Dina Bonnevie. Si Mayor Vico naman ay anak ni Vic sa veteran actress na si Coney Reyes.
Samantala, ang ina naman ni Paulina ay ang dating aktres na si Angela Luz. Si Tali naman ang kaisa isang anak ni Pauleen.
The post Pauleen Luna, Inamin Na Siya Ay May Pinagdadaanan Ngayon Sa Kaniyang Kalusugan Na Ikinagulat Ng Marami appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments