Looking For Anything Specific?

Nadine Lustre at hinihinalang boyfriend nitong si Christopher Bariou spotted na magka-holding hands!

Muli na namang namataan ang aktres na si Nadine Lustre kasama ang kanyang rumored French boyfriend.

May bagong pag-ibig na ba si Nadine Lustre?

Ito ang tanong ng netizens matapos mamataan si Nadine Lustre kasama ng isang non-showbiz guy sa Siargao.

Natukoy ng mga tagasubaybay ni Nadine na nagngangalang Christophe Bariou ang French guy. Na madalas niyang kasama sa pamamasyal sa lugar.

Base sa Facebook bio ni Christopher, siya ay founder at managing director ng Maison Bukana, isang boutique resort sa Sitio Lisob sa Siargao Island.

Siya ay nagmula sa Saint-Michel-sur-Orge sa France.

Sabi nga ng mga netizens, mukhang sa Siargao na pansamantalang naninirahan si Nadine dahil du’n daw nakabase ang bagong karelasyon.

Ilang beses na din silang nakitang magkasamang namamasyal sa isla. May mga kuha din na nakikitang dalawa lang silang magkasama habang nagse-surfing.

Kumakain sa mga karinderya doon at pati na din ang pag-angkas ni Nadine sa motor kasama si Christopher.

Nitong buwan ng Agosto, may iba-ibang araw na nakunan ng litrato at video si Nadine na kasama si Christophe sa tuwing kumakain sila sa mga simpleng eatery.

May kuha rin silang nagpi-picnic sa isang nipa hut sa tabing-dagat.

May ilan pang kasama sina Nadine at Christophe sa kanilang mga lakad, pero mapapansing madalas ay silang dalawa ang malapit sa mga litrato.

Tila hindi naman ito inililihim ni Nadine dahil sa mga pampublikong lugar sila namamataan ng ibang mga tagaroon.

Pumapayag din si Nadine magpakuha ng litrato kasama ng mga lokal na nagpapapiktyur sa kanya.

At kamakailan nga lamang ay nakuhanan muli ang dalawa ng litrato na magkaholding hands while walking pa.

Hindi man aminin sa publiko ni Nadine ang tunay na relasyon nila ni Christopher pero ayon sa kanilang mga litrato. Paniguradong may relasyon na nga sila.

Nadine Lustre, nagulat ng biglang sabihan ng “Suplada Naman” ng isang babae habang naglalakad siya sa mall

Hindi pinalampas ni Nadine Lustre ang isang babae sa mall na sinabihan siyang suplada.

Sa panayam ni Nadine Lustre kay Edward Barbers ay pinagusapan nila ang tungkol sa obligasyon ng artista sa mga fans.

O sa mga taong nakakasalubong, nakakasalamuha, o nakakakita sa kanila saan mang lugar.

Sa “Kwentong Barber” sa Kumu, natanong ni Edward si Nadine hinggil sa pinagdaanan nito bilang “artist who broke the social norm.”

Saad ni Nadine, tao lang din ang mga artista na may damdamin. Kaugnay ito sa mga nasasabi sa kanila sa mga pagkakataong hindi nila napapansin ang ibang tao.

“Like everything got blurry. I got really depressed because I couldn’t really express myself.

“Like when people see me, I was a different person. I wasn’t Nadine, like, the real Nadine. I was someone else,” saad pa ng aktres.

Naka-relate naman dito si Edward, na aniya’y ang isang naka-seryosong mukha ay maaaring ma-interpret ng iba bilang aktor na may attitude problem.

Sumang-ayon dito si Nadine, na binanggit kung paano madalas siyang makapagkamalan na “snobbish.”

Kwento pa ni Nadine sa nasabing panayam, naranasan niyang masabihan ng suplada dahil hindi niya pinansin ang isang babaeng nadaanan niya. Aniya, hindi naman siya nito pinansin kaya hindi din siya namansin.

Ikinuwento rin ni Nadine ang di niya malilimutang karanasan habang nasa mall siya.

May isang babae daw siyang nadaanan hindi naman daw siya pinansin nito kaya dinedma lang din niya.

Ngunit ng makalagpas siya ay narinig daw niya na sinabihan siya nitong suplada.

Kaya naman binalikan niya ito at sinabing, “Am I supposed to say hi to you? Like, I don’t know you.

Giit ni Nadine, mukhang nakakalimutan ng publiko na tao rin ang mga celebrities.

Panoorin dito ang nasabing panayam:

The post Nadine Lustre at hinihinalang boyfriend nitong si Christopher Bariou spotted na magka-holding hands! appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments