Looking For Anything Specific?

Jeric Raval, inaming kinausap ng masinsinan si Aljur Abrenica tungkol sa panliligaw nito sa anak na si AJ Raval

Nagbigay na ng kanyang pahayag si Jeric Raval ukol sa panliligaw ni Aljur Abrenica kay AJ Raval.

Bilang isang ama, hindi mawawala ang pagiging strikto, lalo na kung ang anak ay babae. At paniguradong ganito nga si Jeric sa kanyang labing walong anak.

Kamakailan nga ay kinumpirma na ni AJ na nililigawan na siya ni Aljur.

Negatibo ang reaksyon ng mga netizens sa kanilang pagkakaunawaan dahil kakahiwalay lang ni Aljur sa asawang si Kylie Padilla.

Samantala, sa ulat ng PEP.ph, nagbahagi si Jeric Raval ng kanyang saloobin ukol dito. Ayon pa sa ulat ay tila nag-aalinlangan ang nararamdaman ni Jeric tungkol sa relasyon ng anak kay Aljur.

May tatlong bagay umanong tinanong ang dating action star sa panliligaw ni Aljur sa kanyang anak.

Una umano silang nagkita sa PDEA office nang ihatid ng aktor si AJ doon. Unang tanong ay kung nanliligaw ba siya kay AJ. At yes po ang sagot ni Aljur.

Pangalawa ay kung hiwalay na ba siya at ang huli ay kung Ano kaya ang sasabihin ko sa biyenan mo [Robin Padilla] kung aksidenteng magkita kami?’

Ipinaliwanag ni Jeric kung bakit niya tinanong si Aljur ng mga bagay na iyon.

Saad niya, “Kaya ko tinanong ‘yon dahil, unang-una, alam ko na anak ni Robin ang asawa niya.

“Pangalawa, magkaibigan kami ni Robin, kaya hindi mo maiaalis sa akin na medyo mahiya sa sitwasyon dahil ayokong isipin ng mga tao o ninuman na ang dahilan ng pagkakahiwalay nila o third party, e, ang anak ko.

“Sabi ko pa sa kanya, ‘I have nothing against you, kaya lang kaibigan ko ang biyenan mo. Kung in good faith naman ang panliligaw mo sa anak ko, well, then kailangan nasa ayos ang lahat.’

“Gaya nga ng nasabi ko, hindi magiging masaya ang isang relasyon kung may natatapakan.”

Aljur Abrenica, Binansagang ‘Tirador ng Anak ng Action Star’ Matapos Mabuking ang Relasyon kay AJ Raval!

Confirmed! Matapos ang ilang linggong pananahimik, sa wakas ay lumabas rin ang katotohanan tungkol sa third party na nadawit sa hiwalayan ni Aljur Abrenica at Kylie Padilla. Matatandaang noong July lamang nang ianunsyo ng celebrity couple na hiwalay na sila. Umugong rin ang usapin na may third party na namagitan sa dalawa.

At kamakailan lang, na-confirm na ang matagal na hinala ng mga netizens. Sa kanyang exclusive interview sa PEP, lantarang inamin ni AJ Raval na mayroong namamagitan sa kanila ni Aljur, na nakatrabaho niya sa pelikulang ‘Nerisa.’ Ayon sa Viva starlet, nililigawan siya ng aktor at kasalukuyan silang nasa getting-to-know stage.

“Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ko magsisinungaling, di na ako magde-deny kasi mukha lang kaming tanga kapag nag-deny kami. Totoo naman na nag-uusap kami. We understand each other, we care for each other. Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami,” pahayag pa ng aktres.

Dagdag pa ni AJ, ‘boyfriend material’ si Aljur at talaga namang ipinaparamdam nito lagi na special siya. Matapos ito ay kumalat rin ang mga larawan ng dalawa sa mall, kung saan makikitang magka-holding hands pa ang dalawa. Umani naman ito ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens.

Ayon sa ibang netizens, mahilig sa anak ng mga action star si Aljur. Si Kylie ay anak ni Robin Padilla, na isang batikang action star noon. Samantalang si AJ naman ay anak ng dating action star na si Jeric Raval. Dahil dito, binansagan ng mga netizens si Aljur na ‘tirador ng mga anak ng action star.’

“Naku kabahan ka na Aljur! Ang suntok na di mo natanggap kay Robin, baka may Jeric mo mahanap.”

“Another uto uto of the year AJ Raval!! Que horror Jeric Raval pumayag ka ligawan ang anak mo ng womanizer.”

“Naku mahilig si Aljur sa mga anak ng action star. Baka mag-away na niyan sina Jeric at Robin para sa mga anak nila.”

“May gustong patunayan ba itong si Aljur? pagkatapos sa anak ni Robin anak naman ngayon ni Jeric Raval na parehong action star/badboy.”

The post Jeric Raval, inaming kinausap ng masinsinan si Aljur Abrenica tungkol sa panliligaw nito sa anak na si AJ Raval appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments