Looking For Anything Specific?

Scottie Thompson, proud na ibinahagi ang larawan nila ng kanyang asawa na si Jinky Serrano sa social media sa unang pagkakataon

For the first time, pinakita na ni Scottie Thompson sa kanyang social media ang kanyang misis na si Jinky Serrano.

Tila handa nang isapubliko ni Scottie  ang tungkol sa kanyang asawang si Jinky. Sa unang pagkakataon mula nang lumabas ang balita tungkol sa kanilang kasal.

Ipinakita ni Scottie ang kanyang misis sa kanyang Instagram post kamakailan. Puro emojis lang ang caption ng basketbolista sa kanilang litrato.

Kung saan makikitang tila nasa isang resort silang mag asawa. Nakasuot si Jinky ng black one-piece bikini. Samantalang topless naman si Scottie at nakasuot ng itim na broadshort.

 

Agad namang umani ng samu’t-saring reaksyon ang larawang ito ng controversial couple.

Narito ang ilan sa komento ng netizens:

“Flex nya ung ch3ating days nila kapal ng muks!”

“Hangga’t may inapakang kayong tao sa pakikipagrelasyon nyu di rin kayo magiging masaya hanggang dulo”

“Nakanang pineflex na, di na takot yern”

Matatandaang nabahiran ng kontrobersiya ang dapat sana’y espesyal na araw para sa kanila matapos lumabas ang balita tungkol sa kanilang pag-iisang dibdib.

Marami ang nagulat dahil marami ang umaasa na kay Pau Fajardo siya ikakasal na kanyang long-time girlfriend at naging fiancée niya matapos niyang mag-propose nitong Enero ng kasalukuyang taon.

Sinabi naman ni Scottie na siya ang dapat sisihin sa mga nangyari sa kanila ni Pau.

“Buhay niyo ba to? Okay sige. Dahil ito gusto niyo para matapos na. Sa mga nagtatanong at sa mga gumagawa pa mga dummy account thank you sa effort niyo alam ko ito lang gusto niyo marinig at gusto niyo trending kayo. AKO REASON NG HIWALAYAN NAMIN AKO ANG MAY MALI NG LAHAT.”

Ang ilan namang netizens ay may himutok pa din dahil sa naging issue ng tatlo.

Scottie Thompson, Flinex Sa Unang Pagkakataon Ang Misis Na Si Jinkee Serano-Thompson

Tila handa ng isapubliko ni Scottie Thompson ang relasyon nila ng kaniyang asawa na si Jinky Serrano.

Mula noong lumabas ang balita tungkol sa kanilang kasal, ipinakita na ni Scottie sa kauna-unahang pagkakataon ang kaniyang misis sa kaniyang Instagram story.

Sa video na naka-upload sa IG story ng professional basketball player, makikita si Jinky na naghihiwa ng steak. Tinawag pa nga ito ni Scottie ng love para makuha ang pansin nito at tumingin naman ito sa camera.

Matatandaan na naging malaking kontrobersiya sa social media ang pag-iisang dibdib nina Scottie at Jinky kamakailan lamang. Karamihan ay hindi makapaniwalay dahil inaasahan ng marami na ito ay ikakasal sa kaniyang longtime girlfriend na Pau Fajardo matapos ang kaniyang proposal sa huli nitong Enero lamang ngayong taon.

Dahil sa nangyari, nakatanggap ng kaliwat kanang batikos si Scottie mula sa mga netizens. Gayunpaman, nagbigay naman na ng saloobin sina Scottie at Pau tungkol sa isyu at nilinaw ang lahat tungkol sa kanilang naging hiwalayan.

Si Earl Scottie Carreon Thompson o mas kilala bilang Scottie Thompson ay isa sa mga kilalang basketball player sa Pilipinas na naglalaro para sa Barangay Ginebra San Miguel na kabilang sa Philippine Basketball Association.

Elementarya pa lamang ay nahilig na si Scottie sa paglalaroo ng basketball. Ang pagkahilig niya sa naturang laro ay nagtuloy tulog kung saan siya ay naging bahagi ng Palarong Pambansa bilang kinatawan ng Region IX noong siya ay nasa High School. Siya ay napili din bilang isa sa mga magiging miyembro ng Nike Elite Camp.

Siya ay naglaro din sa University of Perpetual Help sa National Collegiate Athletic Association (NCAA).

Sa kabila ng mga batikos na natanggap nina Scottie at Jinky sa kanilang pagpapakasal, nananatili naman silang masaya at may pagmamahal sa isat isa.

Sa kabilang banda, makikita naman na si Pau ay masaya na sa buhay na mayroon siya ngayon kasama ang kaniyang pamilya at mga kaibigan.

The post Scottie Thompson, proud na ibinahagi ang larawan nila ng kanyang asawa na si Jinky Serrano sa social media sa unang pagkakataon appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments