Karamihan sa mga YouTube vlogger ngayon ay nakilala at sumisikat dahil sa magagandang content ng kanilang inihahatid sa mga manonood. Lalo na ang mga YouTuber na ang purpose ng kanilang vlog ay ang tumulong. Kaya naman labis silang tinatangkilik ng tao dahil sa kanilang ginagawang pagtulong.

At isa na nga rito ang vlogger na si Virgelyncares, ang kanyang vlog ay patungkol sa mga taong mahihirap at naghihikah0s sa buhay na kanyang natutulungan. Kaya naman patok siya sa mga manonood lalo na ng mga OFW na siyang kanyang nagiging sponsors para mas higit na matulungan ang mga taong kanyang tinutulungan.

Kamakailan nga lamang ay nagdiwang siya ng kaarawan kasama ang Aeta c0mmunity ito ay kanyang binisita at naghatid din siya ng tulong dito bilang kanya na ring selebrasyon. Sako-sakong mga bigas ang kanyang dala upang maipamahagi sa mga katutubong nangangailangan ng tulong.

Bawat pamilya ay binigyan ni Virgelyn ng tig isang sakong bigas, manok na lulutuin at pagkaing hotdog. Bukod pa dito, hinandugan din niya ng tulong pinansyal ang mga katutubo.

Naiyak na lamang ang vlogger nang makitang may mga karamdaman pa ang ilan sa kanyang mga binisita at hindi makapagpagamot dahil na rin sa kakulangan sa pera. Dahil dito, dinagdagan niya ang kanyang binigay na tulong pinansyal upang masiguro lamang na umayos ang lagay ng mga katutubong may iniindang sakit.
Samantala, mababakas naman ang kasiyahan ng mga katutubo at ang iba ay napayakap pa kay Virgelyn bilang pasasalamat.
Panoorin ang kabuuan ng video ni Virgelyn:
Negosyanteng Vlogger na si Wilbert Tolentino, naghatid ng surpresang tulong kay Madam Inutz na P200k

Isang surpresa ang hatid ng negosyante at vlogger na si Wilbert Tolentino para kay Queen Inutz.
Kilalang kilala na nga ngayon sa social media ang online seller na si Daisy Lopez. O mas kilala bilang si Queen Inutz.
Kamakailan nga lamang ay pumirma na siya ng kontrata sa Star Image Artist Management. Ngunit dalawang araw ang lumipas ay binawi niya ito.

Aniya, may mga nakita umano siyang mali sa mga nakasaad sa kontrata. Dahil na rin sa payo ng kanyang mga supporters at pamilya ay napagdesisyunan niyang i-withdraw ang kontrata.

Samantala, may nawala man pero mas malaking oportunidad ang dumating kay Queen Inutz.

Una nang bumisita sa kanila sa Amadeo Cavite ay sina Ethel Booba at Donita Nose. Kung saan naginuman ang mga ito at nagkantahan pa.

Sa huli ay biniling lahat nina Donita at Ethel ang panindang ukay-ukay ni Madam Inutz. Para na rin umano makatulong para sa kanyang pamilya.

At ngayong araw naman, isang surpresa muli ang natanggap ni Madam Inutz, this time ay galing naman kay Mamshie Wilbert.

Personal ding nagpunta ang ka-freshness ng lahat na si Wilbert sa tahanan nila Madam Inutz, kasama rin niya si Herlene.

Sa simula ng kanyang vlog ay ibinahagi ni Wilbert na bibigyan niya ng two hundred thousand pesos si Madam Inutz.

100K para sa pangangailangan ng nanay nito na bedridden na at 100K naman para sa pandagdag sa negosyo nito.

Naging emosyonal naman ang tagpo ng iabot na ni Wilbert ang pera kay Madam Inutz.

Hindi umano lubos akalain ni Madam Inutz na may magbibigay sa kanya ng ganun kalaking halaga.

Ultimo si Herlene na kilalang palatawa ay hindi napigilan ang kanyang luha.
Sobra sobra naman ang naging pasasalamat ni Madam Inutz sa kabutihan ng puso ni Mamshie Wilbert.
Narito ang kanilang video:
The post Sikat na vlogger na si Virgelyncares, tinulungan ang Aeta C0mmunity bilang pagdiriwang ng kanyang kaarawan appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments