Lahat naman tayo ay nagsisimula sa maliit lamang bago natin maabot ang tagumpay at ang ating mga pangarap.
Katulad ng mga ordinaryong tao, ang mga kilala at hinahangaang personalidad din ay nag-umpisa sa maliit na trabaho at pa-extra extra lamang.
Katulad na lamang ng kilalang teen star ngayon na si Francine Diaz. Hindi maipagkakaila na lubos ang kasikatan na tinatamasa ngayon ng Kapamilya teen actress na si Francine.
Unang nakilala si Francine nang siya ay maging isa sa mga bida ng hit teleserye sa ABS-CBN network na Kadenang Ginto. Siya ang gumanap bilang Cassie Mondragon na anak ng role ni Beauty Gonzales. Dahil dito, nakita ng marami ang husay ng dalaga pagdating sa pag-arte.



Dito na din nagsimulang magbukas ang mga oportunidad para sa kaniya at nabigyan pa ng ibang mga proyekto.
Ngunit, bago ang kasikatan na tinatamasa ngayon ng teen star, siya ay nagsimula din sa simpleng buhay. Sa katunayan nga niyan ay nagrerenta lamang ang kaniyang pamilya at sapat lamang din ang kinikita ng kaniyang magulang para sa kanilang pang-araw-araw na buhay.



Kaya naman nagpursige ng husto si Francine para maging isang artista upang maiahon din sa kahirapan ang kaniyang pamilya at mabigyan ito ng magandang buhay.
Sa katunayan nga niyan ay may pagkakataon na kinailangan bayaran ng “Magandang Buhay” host na si Melai Cantiveros ang electric bill ng dalaga.



Sa isang episode ng morning talk show ng Kapamilya network na Magandang Buhay, naibahagi ni Melai ang pagtulong na ginawa niya kay Francine noong ito ay nagsisimula pa lamang sa showbiz.
Ayon sa actress-TV host, mapuputulan umano ng kuryente noon sila Francine kaya si Melai na ang nagbayad nito para sa kaniya. Para naman kay Melai, ibinabahagi lamang din niya ang mga biyaya na kaniyang natatanggap sa buhay.

Tunay nga na nananatili pa din ang pagiging matulungin at mapagkumbaba ni Melai magpa hanggang ngayon.
Melai Cantiveros, inamin ang tunay na dahilan kung bakit hindi pinag-aaral ang mga kamag-anak!

Nagsimula sa simpleng pamumuhay at pamilya si Melai Cantiveros bago siya pumasok sa reality show ng ABS-CBN Pinoy Big Brother.
Hindi maitatanggi na naging maganda ang karera ni Melai sa showbiz matapos siyang tanghaling Big Winner sa season na sinalihan niya.

Matapos siyang makalabas ng bahay, nakatanggap si Melai ng iba’t-ibang offer sa showbiz.

Kasama na dito ang ilang pelikula na pinagbiahan niya at ang hosting na napunta sa kanya. Sa ngayon, isa si Melai sa Momshie hosts ng morning talk show Magandang Buhay.

Ngunit sa kabila ng kanyang kasikatan, aminado si Melai na hindi siya pumapayag na paaralin ang kanyang mga kamag-anak.


Ipinaliwanag naman ni Melai ang kanyang dahilan.

Sa vlog na naka upload sa YouTube channel ng aktor na si Enchong Dee, natanong ang komedyana kung paano niya pinanghahawakan ang kanyang pera ngayon na tuloy padin ang kanyang karera.

“Kunyari sa mga pinsan ko, hindi ako magbabayad ng mga tuition fee nila. Hihingan ako ng kapatid ng pang-tuition, [sasabihin ko] ‘Ba’t ako [magbabayad ng] tuition fee ng anak mo?’ Eh anak mo ‘yan,” paliwanag ni Melai.

Ayon sa aktres, pinalaki sila ng kanilang tatay na hindi umaasa sa iba.

Bukod pa dito, sinabi din ni Melai na may sariling pamilya na din ang kanyang mga kamag-anak at tinuturuan niya din na sila ay dapat mag trabaho.


“The best ‘yung maging breadwinner pero dapat breadwinners. Lahat kayo breadwinners ng family. Kunwari nagta-trabaho si Ate. Dapat nagta-trabaho ka rin. Kunyari sinabi ng kapamilya ko tuition fee, [sasabihin ko] ba’t ako mag-tuition fee? Pagalitan talaga. Manginginig ka talaga, partner.”
Si Melai ay may dalawang anak na babae kay Jason Francisco na kapwa din PBB housemate.
Well, may kanya-kanya talaga tayong opinyon at paninidigan sa buhay. ‘Di ba Melai?
The post Melai Cantiveros, Binayaran Noon Ang Electric Bill Ni Francine Diaz Noong Ito Ay Nagsisimula Pa Lamang Sa Showbiz appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed
0 Comments