Tunay ngang pinagpala ang ‘Unkabogable Star’ na si Vice Ganda. Bukod sa kanyang matagumpay na career, hindi rin maipagkakaila na blessed ito sa kanyang long-time boyfriend na si Ion Perez. Matapos silang magtagpo sa noontime show na “It’s Showtime” ay unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t-isa, at magpa hanggang ngayon ay nananatiling matatag ang kanilang pagsasama.
Pinatunayan rin ni Ion kung gaano niya kamahal si Vice. Noong nagsisimula pa lamang sila ay duda ang mga tao sa totoong intensyon ni Ion sa komedyante.
Ngunit matapos ang ilang taon, pinatunayan ni Ion na wagas at tapat ang pagmamahal niya kay Vice, at ganun din naman ito sa kanya.


Ngunit hindi pa rin maiwasang magkaroon ng bashers ang dalawa. Sa katunayan, kung sino pa ang miyembro ng mga LGBTQ community ay sila pa mismo ang humuhusga sa pagsasama ni Ion at Vice.
Masakit isipin na imbes na suportahan na lamang nila kung saan masaya si Vice, nagagawa pa nilang isipan ito ng masama.
Kamakailan lang, umani ng batikos sa social media ang video ng mga beking ito. Sa viral na Facebook video, tila ba nakainom sila at ang topic nila ay ang relasyon ni Vice at ion. Ayon sa kanila, hindi sila naniniwalang true love ito, at halata naman daw na pera lang ang habol ni Ion kay Vice.
Nagawa pa nilang ungkatin ang nakaraan ni Ion. Ayon sa isa sa mga beki, dati raw ay sumasali si Ion sa mga bikini open sa Pampanga.
Kaya naman nang makilala na nito si Vice sa “It’s Showtime” ay hindi na niya ito binitawan pa. Dagdag pa nila, hindi malabong ipagpalit ni Ion si Vice para sa isang tunay na babae.
Maraming netizens at fans naman ang hindi nagustuhan ang pambabastos ng tatlong beking ito. Ayon sa kanila, bitter at inggit lamang ang mga ito dahil nakatagpo si Vice ng lalaking tunay na magmamahal sa kanya.

Ben Tulfo, galit na pinagsabihan si Vice Ganda matapos itong magpayag tungkol sa mga taong nagpo-post umano ng Bible verse sa social media!
Ben Tulfo, may mainit na buwelta sa naging komento ni Vice Ganda!
Walang prenong nilapastangan ni Ben ang komedyanteng si Vice Ganda sa kanyang programang Pambansang Sumbungan.
Tila tinamaan kasi ang broadcaster sa naging komento ng It’s Showtime host tungkol sa mga taong mahilig umano gumamit ng bible verses pero sumusuporta ng magnanakaw.

Ani ni Vice, “Di ba, may mga gano’n? ‘Yung post ka nang post ng mga Bible quotes sa social media pero sumusuporta ka naman sa magnanakaw.”

Sa kabilang banda, inamin naman ni Ben na personal siyang tinamaan sa naging pahayag ng komedyante. Gumagamit din daw kasi ng bible verses ang kanilang programa.

Nanggagalaiting sagot ni Ben, “Wag na wag mong sasabihin ulit, hindi mo ige-generalize. Kasi kami, we feel na yung sinasabi mo, parang pati kami hagip d’yan. Dapat nilinaw mo.”

Dagdag niya, “Pino-post namin sa social media, yung mga sinasabi ho namin, mga Bible verses, ano ho yung verses? Naniniwala ho kami dito, may pananampalataya po kami dito.”

Paliwanag ng broadcaster, hindi daw nila ginagamit ang bibliya para makahakot ng suporta. May paniniwala daw talaga sila dito.
Sa sobrang galit ni Ben, nilait at may side comments pa ito kay Vice Ganda.
Hindi pa sumasagot ang komedyante sa naging talak ni Ben Tulfo tungkol sa kanya.
The post Tatlong Beki, Binatikos sa Social Media Matapos Murahin si Vice Ganda at Ion Perez! appeared first on Light Feed.
Source: Light Feed

0 Comments