Looking For Anything Specific?

Iwa Moto, Usap-usapan Ngayon Dahil Sa Trato Niya Sa Kanyang Mga Kasambahay

Hindi madali ang buhay ng isang ina. Bukod sa pag-aalaga ng iyong mga anak, kailangan mo ring mag-asikaso ng mga gawaing-bahay. Mas lalo itong mahirap para sa mga working moms, na pinagsasabay ang kanilang trabaho at pagiging housewife. Kaya naman karamihan sa mga celebrity moms ay kumukuha ng kasambahay para maibsan ang kanilang mga gawain, gaya ni Iwa Moto.

Bilang isang busy mommy, kailangan ni Iwa ng katulong sa pag-aalaga ng kanyang mga anak at pagme-maintain ng bahay nila ng mister na si Pampi Lacson. At dahil full-time housewife siya, mas nakakapag focus si Iwa sa kanyang pamilya. Ngunit malaki rin ang pasasalamat niya sa kanilang mga kasambahay.

Sa kanyang nagdaang TikTok video, ibinahagi ni Iwa na parang pamilya na rin ang turing niya sa kanilang mga kasambahay na sina Analyn at Joan. At kahit pa sinuswelduhan nila ang mga ito, tinutulungan pa rin sila ni Iwa sa mga gawaing bahay at sa pag-aalaga ng kanyang dalawang anak.

“Nagluluto ako ng lunch for my family. Kapag maaga ako nagising at hindi ako napuyat sa gabi nagluluto rin ako ng breakfast. Naglilinis rin ako ng kwarto, every day. Katuwang ko sila Joan at Analyn dito sa bahay. Kasi tinutulungan nila ako on how I make sure that the house is running properly for my family,” pagbabahagi ng dating aktres.

Dagdag pa ni Iwa, kung ano ang kinakain ng pamilya niya ay iyon din ang pagkain ng kanilang mga kasambahay. Malaya rin daw ang mga ito na kumuha ng stocks at groceries sa kanilang ref. At dahil malapit ang loob niya sa dalawa ay parang kapatid na rin daw ang turing niya sa kanila.

“Sa food lahat ng kung ano kinakain namin, yun din kinakain nila. Or kapag ayaw ni Joan ng ulam nagluluto siya ng kaniya. I always tell them ng lahat ng nasa ref pwede nilang kainin. Kapag medyo maganda yung work ni Pampi, di tight yung budget, we give them something na parang thank you. Minsan P500, P1000 ganon,” dagdag pa ng aktres.

Iwa Moto, isinilang na ang ikaℓawang anak niℓa ni Pampi Lacson!

“𝙴𝚟𝚎𝚛𝚢𝚘𝚗𝚎, 𝚖𝚎𝚎𝚝 𝚘𝚞𝚛 𝚑𝚎𝚊𝚕𝚝𝚑𝚢 𝚕𝚒𝚝𝚝𝚕𝚎 𝚠𝚊𝚛𝚛𝚒𝚘𝚛, 𝙲𝙰𝙻𝙴𝙱 𝙹𝙸𝚁𝙾 𝙸𝚆𝙰𝙼𝙾𝚃𝙾 𝙻𝙰𝙲𝚂𝙾𝙽”

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

𝙸𝚜𝚒𝚗𝚒𝚕𝚊𝚗𝚐 𝚗𝚊 𝚗𝚐 𝚍𝚊𝚝𝚒𝚗𝚐 𝚊𝚔𝚝𝚛𝚎𝚜 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝙸𝚠𝚊 𝙼𝚘𝚝𝚘 𝚘 𝙰𝚒𝚕𝚎𝚎𝚗 𝙸𝚠𝚊𝚖𝚘𝚝𝚘 𝚜𝚊 𝚝𝚘𝚝𝚘𝚘𝚗𝚐 𝚋𝚞𝚑𝚊𝚢 𝚊𝚗𝚐 𝚒𝚔𝚊𝚕𝚊𝚠𝚊𝚗𝚐 𝚊𝚗𝚊𝚔 𝚗𝚒𝚕𝚊 𝚗𝚐 𝚔𝚊𝚗𝚢𝚊𝚗𝚐 𝚙𝚊𝚛𝚝𝚗𝚎𝚛 𝚗𝚊 𝚜𝚒 𝙿𝚊𝚖𝚙𝚒 𝙻𝚊𝚌𝚜𝚘𝚗.

Sa isang mahabang Instagram post, ibinalita ni Iwa na winelcome nila ni Pampi ang isang baby boy noong January 21.

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

Ani Iwa, “Lo and behold, here comes the newest addition to our growing family. Our new bundle of joy — our little boy who will be filling our hearts and lives with love and happiness from this day forward!”

Napakagandang biyaya na maituturing ni Iwa ang pagsilang niya sa ikalawang anak nila ni Pampi.

Ani Iwa, “What a beautiful blessing on the 21st day of the 21st year of the 21st century.”

Dagdag niya, “My heart is overflowing with love and joy the first time I held you in my arms. Our son, baby CJ, yours, and Ate Mimi’s first day in life are the best days of mine! I could not explain the outpouring happiness that I am feeling right now. I am so blessed to have you, Ate Mimi, Kuya Muy, and Daddy Pampi and I could not ask for more! ”

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

Ibinunyag naman ni Iwa na hindi naging madali ang kanyang pagbubuntis. Ayon kay Iwa, hindi pa niya dapat isisilang ang kanyang sanggol dahil hindi pa niya due date.

Sa kabila naman ng kanyang maagang panganganak ay masaya at proud pa rin si Iwa dahil tulad niya ay isang “warrior” din ang kanyang ikalawang anak.

Ani Iwa, “My pregnancy wasn’t easy — in fact, it is still not time for him to come out just yet, but I guess baby CJ is so excited to see and conquer the outside world. Such a warrior just like me, isn’t he? ”

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

Pinasalamatan naman ni Iwa ang mga doktor na umalalay sa kanyang panganganak at maging ang kanyang pamilya lalo na sa kanyang partner na si Pampi at ang kanilang mga kaibigan na nagdasal upang maging ligtas ang kanyang panganganak.

Ani Iwa, “Thank you to our medical team headed by Dra. Villanueva, to our families and friends for including us in your prayers, to my mahal Pampi, it is such a bliss having you by my side on this new journey of ours.”

Labis din ang pasasalamat ni Iwa sa Diyos dahil naging ligtas ang kanyang panganganak at ang kanyang sanggol.

Credit: Aileen Iwamoto Instagram

Ani Iwa, “And above all else, thank You to our Almighty God for the amazing blessing and for keeping me and baby CJ safe throughout the delivery.”

Ipinanganak ni Iwa ang panganay nila ni Pampi noong 2013.

The post Iwa Moto, Usap-usapan Ngayon Dahil Sa Trato Niya Sa Kanyang Mga Kasambahay appeared first on Light Feed.


Source: Light Feed

Post a Comment

0 Comments